Eight.

42 3 2
                                    

“Samahan mo ko sa Restroom Cha, ang sakit na ng tiyan ko.” Sabi ni Leah saka hinawakan ang tiyan niya.

“Yuck naman! Wag ka dito magkalat.” napasigaw si Arvin dahil tila alam niya ang pinakakahulugan ni Leah.

“A-Ah tara.” Sabi ko na lang at saka tumayo at dumiretso sa CR.

Niyakap naman ako ni Leah pagkapasok na pagkapasok namin doon, “Iyak na.”

Hindi ko na hinintay pa ang sinabi ni Leah dahil pagkayakap na pagkayakap niya sa akin ay siya ring paglabas ng itinatago kong sakit kanina. Alam ko na hindi ko na kailangan pang magsalita dahil alam niya kung bakit ako ganito, at iyon ang gusto ko sa mga kaibigan ko.

“Tama na, ha? Ang ganda ganda mo, madami ka pang makikilala na mas deserving sa pagmamahal mo.” Patuloy pa din kami sa ganitong posisyon habang pinapatahan na niya ako.

“Hindi naman ako maganda eh. Kasi kung maganda ‘ko, sana hindi niya ako iniwan.” Yan lagi ang itinutugon ko sa mga nagsasabi na may itsura ako. Totoo naman eh, kung talagang maganda ako, sana hindi kami naghiwalay.

Bumitiw naman si Leah sa pagkakayakap niya at saka nagsalita,”Hindi lang naman kasi itsura ang batayan ng pagtatagal ng relasyon, Charisse. May mga bagay talaga na hindi para sayo at kailangan mo tanggapin yun. Tama na, Cha. Ibaling mo na lang atensyon mo sa iba.”

“ Mayroon bang pumoporma sa’yo?” pagpapatuloy niya

“M-Meron.” Masasabi ko bang pinopormahan ako ni Mikko? Sigro, oo diba? Kasi sinabi niya, maghihintay siya. 

Para namang nagulat at namangha si Leah sa naging sagot ko. “Yung naman pala eh! At last! Sino?” tuwang tuwa niyang pag-uusisa sa akin

“S-Si Mikko. ‘Yung nakatira malapit sa’min.” Sabi ko na parang nahihiya

“Ah! Yung pogi na nakatira dun sa malaking bahay? Nakita ko na yun dati Cha! Swerte mo! HAHAHA!”  Nangiti naman ako ng bahagya sa sinabing ‘yon ni Leah, pogi daw si Mikko? Oo na lang. Para naman mas masaya pa sa akin si Leah sa ibinalita kong ‘yon sa kanya.

“Siya na lang Cha. Siya na lang ha? Hihi.” Kinikilig na wika ng kaibigan ko.

“Wait, kunin ko na gamit natin. Magbanlaw ka na ha? Dito ka lang.” dagdag pa niya at nanatili lang ako dito sa restroom gaya ng sabi ni Leah.

Nagbanlaw na kami gaya ng sinabi niya at saka kami naunang umuwi. Ginawa na lang na excuse ni Leah ang pagsakit kunwari ng tiyan niya at ang pagkakadapa ko daw kanina. Napaniwala naman namin ang mga dating kaklase sa mga sinabi namin kaya nagpaalam na din kami sa kanila. Hindi ko na nakita si Louie sa cottage noong magpaalam kami, mas mainam na din siguro iyun.

------------------------------------------

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang mag-swimming ako kasama ng mga dati kong kakalase.

 Ilang linggo na simula nang malaman ko ang totoo.

Ilang linggo na simula nang sabihin ko sa sarili kong “Tama na.” at sana sa pgkakataong ito, magawa ko na talaga.

Bukod doon, isang linggo na lang, magpapasukan na.

You know the bed feels warmer

Sleeping here alone

You know I dream in color

And do the things I want

Tinignan ko kung sino ang tumawag. Nagkamali ako, bakit ko pa nga ba tinignan, eh siya lang naman ang walang sawa na kaumausap sa’kin?

Almost Lover (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon