Cha's POV
1 message received..
From: +639*********
Hi. Mag-reply ka naman sana?
Ang kulit naman nito? Si Louie nga kaya ito? Bakit, kailangan niya ba ko kausapin? Ano kaya ang kailangan niya? Hmp. Magso-sorry ba siya? Hm. Nag-dadalawang isip pa din ako kung rereply-an ko eh. Ayan! Tumunog na naman phone ko.
1 message received..
From: +639*********
Hi. Tulog ka na ba?
Alam mo kung sino ka man, alam mo ba na isa yan sa mga kinaiinisan kong tanong?! Isa yan sa mga nakakabobong tanong eh. Ma-replyan nga!
To: +639*********
Oo. Sino 'to?
*sent*
Pag sinabi ko bang Oo titigilan niya ko? Pero, nag-reply ako, eh di ibig sabihin, hindi pa ko tulog. O, diba? Nakakabobo talaga yung ganyang tanong. Kung ako sa inyo, wag niyo itatanong yan sa textmate niyo. Kung maggoo-goodnight kayo eh sabihin niyo na. Haha asar na asar e no.
At nag-reply nga po siya..
1 message received..
From: +639*********
Hehe ang corny ng sagot. Mikko nga pala. Mikko Evangelista. :)
Aba, lokong 'to! Sinabi pang corny sagot ko? Sino namang Mikko yun? Wala ako ka-close na Mikko. Replyan ko nga..
To: +639*********
Corny your face! Nakaka-bobo kasi yung tanong mo eh. Sorry wala ako kilalang Mikko, bye! :))))
Masungit na kung masungit. Wala talaga akong time sa ganyan. Kaya todo smile ako sa kanya, dahil ayoko na siya maka-usap! Nakaka-inis eh. Feeling close kung maka-corny sa'kin? -__- Aba, teka, sumagot pa yata siya?
1 message received..
From: +639*********
Ay oo nga pala, ako yung nakasabay mo magpa-load kanina. :) Wag ka na mag-isip pa. Isa lang naman naka-sabay mo di ba? :))))
Bwisit to! Feeling close talaga! Kainis. Ewan ko ba. Nakakainis yung way ng pagtetext niya. Simply because nakakainis yung pagiging nice niya sa text. Para kasing half nice, half sarcasm yung message niya. Kainis!
So, siya pala si kuyang naka-boxer shorts? Si kuyang pa-cute. Tsh. WAIT. Don't tell me.. Binigay ni kuya Jayson yung number ko?! Arrgh. I hate you kuya Jason.
*flashback*
"Sige kuya Jason, mamaya ah! HAHAHA!" sabi ni kuyang pa-cute
"Hoy umalis ka na nga! Naka-boxer ka pa! Haha." sigaw ni kuya Jason kay kuyang pa-cute.
"Kanina ka pa tinitignan nun ah. Haha." Dagdag pa ni kuya Jason. Ako? Tinitignan? Tsh. Asa pa.
*end of flashback*
So, kung hindi ako nagkakamali, ang ibig niyang sabihing mamaya ay, mamaya, kukuhanin niya yung number ko? Oh no. At, kaya siya bumalik sa tindahan ni kuya Jason is para, ayun na nga? Kuhanin yung number ko? Woah, what a brilliant mind, Cha. Si kuyang pa-cute, pumaparaan ha? Hahaha medyo natawa ko. May nagagandahan pa pala sakin kahit chubby na ko? May itsura naman siya. Sobrang kainis lang yung pagiging nice niya.
Nireplyan ko naman siya..
To: +639*********
Ah okay.
![](https://img.wattpad.com/cover/5992371-288-k487573.jpg)
BINABASA MO ANG
Almost Lover (ON HOLD)
Teen FictionKailan mo ba talaga masasabi na nagmamahal ka na nga? Kapag ba masaya ka kapag kasama mo siya, o kapag nasaktan ka na?