One.

131 11 5
                                    

Cha's POV

You know the bed feels warmer

Sleeping here alone

You know I dream in color

And do the things I want! 

Minulat ko ang mga mata ko. Aaahhh! Bakit ganon? Bakit ang hirap idilaaat? Tsk. Nakatulog na naman yata ako kakaiyak. Ang panget na naman ng mata ko. :( Tsk ano ba yan!

You think you've got the best of me

Think you've had enough the last laugh

Bet you think that everything good is gone

Think you left me broken down

Think that I'd come running back

Baby, you don't know me, 'cause you're dead wrong

Di ba ringtone ko yun? O__O Tinawagan niya kaya ako??

Dali-dali ako bumangon at umupo. Pupungas pungas pa ko ng mata pero mabilis kong hinanap yung phone ko. Nung nakita ko yung phone ko, hindi ko na tinignan pa kung sino ang tumawag, basta sinagot ko na lang..

"Hello? Hello Louie?" Ikaw yan di ba? Sana tama ako.

("Gaga! Si Leah to no. Hayy nako!") sabi sa kabilang linya. Bigla naman lumungkot yung itsura ko. Akala ko si Louie at gusto niya na ko kausapi. *sigh* Dakilang assumera. 

"Ay sorry Ye ha."

("Naiintindihan ko naman eh. Ano nasan ka na ba? Kanina pa kami naghihintay ah.")

Nako, birthday nga pala ni Leah ngayon. Bakit hindi ko naalala? Kung anu-ano kasi iniisip ko eh.

"Ah Ye! Happy birthdaaaaay! Lovveeeeyyyyoooouu! Hehehe." sabi ko sa kanya. 

("Kilala na kita friend. Wag mo ko daanin sa ganyan. Kakagising mo lang no?")

"Hehe. Maliligo na ko. Happy birthday! Text niyo na lang ako kung saan magkikita ha. La ko load eh."

("Haaaayyy! Sige, nandito pa naman ako kila Katrina eh. Magkita na lang tayo sa mall. Bye!")

*call ended*

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama. Humarap ako sa salamin para tignan ang mga mata ko. Hindi nga ako nagkamali, namumugto na naman. :| Tsk, idadaan ko na lang sa ligo. Hehe.

Pagkatapos maligo, nagbihis na ko ng blouse saka jeans at saka nag-ayos ng sarili. Mabilis lang naman ako kumilos kaya hindi nagtagal, lumabas na din ako ng kwarto ko.

“Ma, aalis napo ako.” Noong isang araw ko pa pinagpaalam ang lakad ko ngayon kasama sila Leah kaya pinayagan na ako ni mama. Dumeretso naman ako sa mall na napakasunduan namin puntahan.

Sa mall.. 

"Grabe, bakit ang ganda mo pa din Charisse Villavicencio?! Kahit payat o mataba ka, bakit maganda ka pa din? Nakakainggit ha!" Bati sakin ni Katrina, isa sa mga kaibigan ko, noong magkita kami dito sa mall.

"Partida teh naka-pants ka pa nyan ha. At teka! Bakit medyo namamaga ang eyes mo?" sabi naman ni Leah

"Wag mo sabihing.. umiyak ka na naman?!" sabi nilang dalawa. 

Oo, hindi ko maiwasan hindi umiyak eh. Masakit pa din kasi kahit sobrang tagal ng nangyari yun..

"Hay nako! Saan ba tayo pupunta ngayon ha? Haha! Kayo talaga ang dami niyo tanong." sabi ko sabay akbay sa kanilang dalawa. Hehe hindi naman na nila ako inusisa pa pagkatapos nun, sa tingin ko na-gets na nila ako.

Almost Lover (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon