Seven.
"Bakit ka nandito?" sabi ko sa kanya. Pero hindi naman niya ko pinansin, bagkus tumingala siya at pinagmasdan ang kalangitan.
"Sinusundan mo ba ko?" Natatawa kong sabi sa kanya. Kasi kung sinusundan niya nga ako, hindi ako natutuwa, nasasaktan ako.
"Kamusta ka na?" sabi niya saka siya lumingon sa'kin at nag-swing. Tinignan ko muna siya habang malakas niyang tinutulak ang sarili niya at nagsswing.
"O-Okay na yata." Hindi ko din alam kung bakit iyan ang sagot ko. Ayokong kaawaan niya ko, pero hindi ko din alam kung 'ayos na ba ako'.
"Buti naman." wika niya saka tumigil sa pag-swing at tinignan ako ng diretso sa mga mata ko. Gusto kong ialis ang tingin ko pero di ko na ikakaila na, na-miss ko ang mga ganyang tingin niya.
Bago pa ako makapagsalita ay nakita ko siyang tumayo at naglakad palayo. Susundan ko sana siya pero nakita kong tumigil siya sa paglalakad at lumingod pabalik sa akin. At sa di inaasahang pagkakataon, muli na namang kumirot ang puso ko sa mga binigkas niya..
"Gusto ko lagi kang masaya. Ha?"
Saka niya ako nginitian at tumalikod. Pinagmamasdan ko naman ang likod niya na paalis habang napapansin ko na may namumuo na namang mga luha sa mga mata ko. Ito na naman siya. Kung gusto niya ako sumaya, bakit niya ko iniwan?
Pakiramdam ko, instant na bumalik lahat ng masakit na alaala sa utak ko. Bakit ngayon pa nangyari 'to? Ayoko na. Gusto ko, kapag nakita nila akong lahat, iisipin nilang matapang ako. Na kaya kong harapin si Louie, at hindi ako apektado. Pero, kaya ko ba?
The more na pinipigilan ko ang mga luha ko sa pagbagsak, mas lalo pa yata silang nagpupumiglas sa pag-agos. Ang dami ng katanungan sa isip ko. Bakit ba siya ganyan? Bakit ba kami nagkaganito? Pwede bang, kami na lang ulit?
Sa sobrang pag-iyak ko, pakiramdam ko, mag-isa lang ako. Hindi ko namalayan na nandito na pala si Leah at ilan kong mga kaklase..
"Ssh. Tama na Cha." sabi ni Leah habang pina-pat ang likod ko.
"Ano ba nangyari?" 'yan ang tinatanong ng mga dati kong kaklase na hindi ko naman masagot. Kaya si Nicole na lang ang sumasagot ng "Nadapa kasi, eh." para tumigil na sila sa pagtataka.
Matapang ako. Hindi na dapat ako umiiyak eh. Dapat isipin nila, okay na 'ko. Kaya mabilis kong pinahirin ang mukha ko at ngumiti sa kanila.
"Grabe ang tanga ko talaga, nadapa ako. Ha-ha!" Isang pekeng tawa, na makakapagpaniwala sa kanilang, okay lang ako.
Nakita ko naman na para silang nabunutan ng tinik sa pagtawa ko. Bumalik naman na ang iba sa cottage pagkasigaw ni Arvin ng, "Kakain na!"
Naka-ready na nga ang mga pagkain at sinimulan namin ang tanghalian sa isang maikling dasal. Pinilit kong i-enjoy lahat kaya nakipagkwentuhan na lang ako sa mga dati kong kaklase.
Pagkatapos naman kumain ng lunch, nag-stay muna ako sa cottage habang sila ay bumalik sa pag-swimming. Narinig ko namang nag-ring ang telepono ko. Bakit siya tumatawag?
"Hello. Baket?" sabi ko kay Mikko na may halong pagka-irita
["Nasan ka? Tara gala."]
Habang kausap ko si Mikko, napansin ko naman na pumasok dito sa cottage si Louie at napansin niya na may kausap ako.. Kahit hindi niya sabihin, alam ko na nakikinig siya sa kausap ko sa phone. Kaya..
"Talaga? O sige bukas. Oo, kakakain ko lang. Hehe." I said that with a sweet voice. At hindi nga ako nagkamali, napalingon si Louie sa side ko at nakita niya na masaya ako sa kausap ko.
["Wala akong pakialam kasi alam kong hindi ka nagpapagutom. Haha! Sige. Sabi mo 'yan ha, bukas ha!"] Gusto kong mainis sa mga sinabi ni Mikko. Pero, not now. Nakita ko naman na kumuha ng maiinom si Louie.
"Ang sweet mo talaga. Hihi. Sige, mamaya na lang tayo mag-usap ha. Bye!"
And I ended the call..
Hanggang doon lang ang kaya ko. Napag-iba ko na ang ekspresyon ng mukha ni Louie. Kitang-kita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa basong iniinuman niya. Kilalang kilala ko siya, at sa tingin ko, hindi siya natuwa sa mga narinig niya. Dapat ba ko matuwa?
"Sino 'yun?" diretsong tanong niya sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Interesado ba talaga siyang malaman?
"A-Ah iyon? Haha si Mikko. Kilala mo?" mapang-asar kong tanong. Umiling naman siya bilang tugon.
AWKWARD. Yun lang ang masasabi ko matapos siyang umupo NA NAMAN sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit niya ba 'to ginagawa. Ano ba Louie?!
Bago pa 'ko mabingi sa katahimikang namamagitan sa'min, ako na ang naunang magsalita.
"Ang sabi mo humanap ako ng taong magpapasaya sa'kin. Nakakatawa lang kasi dati ko pa nahanap yun." saka ako bahagyang tumawa, "Pero hindi ko inakala na yung taong makakapagpasaya sakin, ang siya ding mismong tao na mananakit sa damdamin ko. Ang tanga ko lang, bakit hindi ako naging handa."
Saka ako tumayo at tuluyang umalis sa paningin niya. Naging matapang ako sa pagsabi noon sa kanya. Pero, may isa pa palang pangyayari na hindi ko inaasahan..
Malapit na dumilim pero nandito pa din kami sa resort. Ang iba ay nag-banlaw na samantalang kami naman ay hindi pa. Nagkakantahan lang kami dahil may isa sa amin na nagdala ng gitara. Nakikisabay naman ang karamihan sa pagkanta habang kumakain ng snacks.
(Won't Go Home Without You- Maroon 5)
♪ It's not over tonight
Just give me one more chance to make it right
I may not make it through the night
I won't go home without you ♪
Bukod dyan, ang dami pa namin kinanta. Pagkatapos noon, nagkwentuhan kami ng mga bagay-bagay na minsan ay senseless topics. Nagrereminisce kami ng mga pangyayari noong 3rd year high school kami. Mga katatawanan, mga naging problema, at kung anu-ano pa. Nakakatuwang balikan iyon dahil naaalala naim kung gaano kami kasaya bilang isang buong klase. Okay naman na eh, nang biglang..
"Kumusta na kayo ni Louie?" napalingon ako kay Roi nang sambitin niya iyon. Nakita ko naman na nakatingin ang lahat ng kaklase ko sa akin na para bang naghihintay ng sagot.
Pero ang mas ikinabigla ko, ay kung kanino nakatingin si Roi at kung sino ang sumagot, "Okay naman kami. Wala pa masyadong problema."
Parang sinampal sa mukha ko ang naging sagot na iyon ni Karyl. Bakit nga ba hindi ko naisip? Na maaring si Karyl ang tinutukoy noon ni Louie sa group message niya na "KLMS<3". Bakit hindi ko naisip, na si Karyl Leslie M. Soriano ang maaaring ipinalit niya sa akin, ang taong madalas kong pagselosan noon, ang taong madalas namin pag-awayan.
Naguluhan ang mga dati kong kaklase sa naging sagot ni Karyl kaya inusisa pa nila ito. Nandito din naman si Louie sa cottage kaya't puro kantyaw ang inabot nila. Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata niya. Mas lalo lang akong nasaktan sa nalaman ko. Matatanggap ko pa sana kung hindi ko na lang kilala ang KLMS na sinasabi niya. Pero, siya? Hindi ko alam.
Bakit ba ko nagkakaganito? Alam kong wala na 'ko sa lugar para masaktan, pero, bakit ganun? Kahit anong pilit ang gawin ko, hindi pa din mawala lahat? Bakit niya pa kailangang ipakita sa akin na mahalaga pa rin ako kung ang totoo naman pala, may iba ng MAS mahalaga para sa kanya? Ang dami ng 'bakit' ang naglalaro sa isip ko na gusto kong magkaroon ng mga kasagutan.
BINABASA MO ANG
Almost Lover (ON HOLD)
Fiksi RemajaKailan mo ba talaga masasabi na nagmamahal ka na nga? Kapag ba masaya ka kapag kasama mo siya, o kapag nasaktan ka na?