"412.." tumingala ako para tignan kung pareho ba ang nalagay na numero sa schedule ko, "Tama ito nga", saka ako dumiretso ng pasok.
Marami-rami na rin ang tao nang dumating ako, pero may kanya-kanya na silang kausap kaya umupo ako sa may pinaka-likod habang nakikiramdam kung may kakausap ba sa'kin o wala.
Oo, first day of classes na namin at sobrang kabado ako dahil hindi ko alam ang mangyayari. Kung mapapahiya ba 'ko sa klase, kung may mang-aaway ba sa'kin, kung magkakaron ba ako ng mga bagong kaibigan, o mananatiling mag-isa hanggang matapos ang semester. Hay! Sobra palang nakaka-kaba kapag first day ng pagiging college.
"Charisse!" mula sa pagkakadungaw ko sa bintana, narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya iginala ko ang paningin ko para hanapin kung sino ang tumawag sa'kin.
May isang babae naman na nagtaas ng kaliwang kamay niya habang winawagayway pa ito, "Uy Charisse! Classmate!" Sabi niya nang ngiting-ngiti. Teka, sa pagkakaalam ko, schoolmate ko siya sa dati kong school, pero hindi ko talaga maalala kung sino siya.
Nilapitan niya naman ako saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko, "Kaklase pala kita sa subject na 'to? Ang galing. Hahahaha."
Pasimple ko siyang tinitignan mula ulo hanggang paa habang pilit kong inaalala ang pangalan niya. Pangiti-ngiti lang ako habang salita siya ng salita. Sino na nga ba siya? Isip isip, Cha.
"Ay sige, maya na lang ah!" Pabulong na sabi ng kaklase ko na yun saka siya bumalik sa pwesto niya. Nandito na kasi yung teacher namin. Ay, professor pala.
"Good morning class." Nakangiting sabi ng prof namin. Well, may itsura siya. Sa totoo lang, tall, dark and handsome siya. Ang lakas makatanggal ng kaba yung pagngiti niya sa'min.
"Hihi, ano ba 'yan ang sarap pumasok."
"Ang pogi ni Sir no?"
"Ay shit, crush ko na siya."
Ilan lang 'yan sa mga narinig ko na bulung-bulungan ng mga kaklase kong babae sa paligid ko. Totoo naman kasi, nakakadagdag ng pagkapogi niya yung pagkakaroon niya ng braces, plus, ang gaan niya pang kausap.
"Okay. So may ipapagawa ako sa inyo ngayon. I want you to introduce yourselves infront." Halos magdabog ang lahat nang marinig yan. I mean, seriously? We've been doing that since high school tapos, ganito na naman?
"Wait, wait, ladies. Here's the twist. Syempre dahil college na kayo, hindi na dapat katulad ng dati na basta bastang pagpapakilala. Iiintroduce niyo sarili niyo creatively. You may sing, dance or do poses before introducing yourselves. Is that clear?" Pagpapaliwanag ng professor naming pogi. Naisip ko naman na okay rin naman pala yung idea niya, since konti pa lang talaga ang magkakakilala dito sa'min ngayon. At saka para matandaan ko na yung pangalan ng schoolmate ko dati na kumausap sa'kin kanina. Hahaha!
Binigyan naman kami ni Mr. De Vera ng few minutes to plan on how are we going to introduce ourselves. Naririnig ko na nagpa-practice ng kumanta ang iba habang ang iba naman ay nagpapractice ng mga sasabihin nila mamaya.
"Okay, let's start."
Buti na lang. Buti na lang talaga at nasa huling row ako.
Pinapanood ko lang na mag-introduce yung iba. May ibang nakakatawa dahil kumakanta sila kahit out of tune. Meron namang sumayaw pa, at natawa kaming lahat dahil may tumula pa. Mayroon namang gumawa pa ng cute poses at saka nagpakilala.
"Hello classmates! Hi Sir!" Saka siya nag-salute, "Ako nga pala si Sofia Michelline Gonzales. Sana maging kaibigan ko kayong lahat." Saka siya ngumiti sa aming lahat.
Aha! Siya nga pala si Sofia. Siya yung schoolmate ko sa dati kong school. Buti na lang nauna siya magpakilala. Ang cute niya lang kasi simple lang yung ginawa niya pero ang lakas ng dating niya, ang ganda niya lalo na kapag ngumiti kasi naninigkit ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Almost Lover (ON HOLD)
Teen FictionKailan mo ba talaga masasabi na nagmamahal ka na nga? Kapag ba masaya ka kapag kasama mo siya, o kapag nasaktan ka na?