Cha's POV
Aba'y talaga naman palang nakakabobo kapag nasa bahay! Haha. Isang linggo na kong hindi lumalabas ng bahay. At ang masakit pa, isang linggo na ko mag-isa. Both parents ko kasi ay nagtatrabaho, pati na din ang older sibling ko.
Puro computer lang ang kaharap at kausap ko. Kamusta naman di ba? Wala ako ginawa kundi mag-stalk sa account ni Louie. Hindi ko mapigilan ang sarili ko pero binabalik-balikan ko pa din ang mg pictures niya at pati na din mga pictures namin.
"Bakit ang saya mo? Samantalang ako hindi?" At kinakausap ko pa ang picture niya ngayon. Huhu ano bang nangyayari sa'kin? Kailangan ko talaga ng kausap.
Pero ayoko mag-online sa facebook dahil kung sino sino ang kumakausap sa'kin. yung iba hindi pa nga nagha-hi hinihingi na agad number ko. Ano ba yun? Ts.. Nagfe-facebook ako ngayon pero hindi ako naka-OL sa chat. Nakita ko naman na may nag-message sa'kin. Kaya tinignan ko kung sino yun.
Yannie:
Hi Baws! (read as Boss) Kamusta na? I miss you na! :) :(
Aww. Isa pa sa mga forever caring kong kaibigan, si Yannie. Haha nakuha namin yung tawagan na yun kasi dati may classmate kami na sobrang bossy. Then kapag pinaparinggan namin yung classmate na yun, we call each other 'Baws'. Haha yun yung way ng pagpaparinig namin dun sa classmate namin. "Uy Baws lika dito!" "Uy Baws, may sasabihin ako sa'yo!" Haha, masama ba yun?
Naisipan ko naman siyang replyan..
Charisse:
Hi Baws! I miss you na din! Okay pa naman ako, bukod sa sobrang bored. Ikaw kamusta?
Habang hinihintay ko ang reply niya, wala ako magawa kaya ini-scroll down ko yung mga messages. Then, napatigil naman ako nung nakita ko yung pangalan ni Louie. Na-click ko yung messages niya at lumabas yung thread ng conversations namin. Hindi ko pa din kasi binubura yun simula pa noon. Nandito pa din yung messages niya noong umamin siya, noong nag-uusap kami dahil wala siyang phone, kapag naglalambingan, at higit sa lahat, ang mga huli niyang sinabi.. Naaalala ko na naman lahat..
*flashback*
(L=Loiue and C=Charisse)
L: Baka galit na naman sakin mga kaibigan mo ha..
C: Galit ka ba o ano? Ano ba?
L: Bakit wala ba ko karapatan magalit? Alam mo Cha masyado ka nang selosa.. Wala na sa lugar.
Naging selosa lang naman ako simula nung niloko mo ko Louie. Pero sinisigurado ko na hindi ako sumosobra. :( Kahit niloko mo ko binalikan pa din kita.:(
C: Pero hindi naman ako masyado nagseselos e. Bakit ka ba nagagalit? :(
L: Kasi lagi na lang akong masama sa paningin ng mga tao..
C: Ha? Ano ibig mo sabihin? Linawin mo naman?
L: Dahil sa mga classmates mo.
C: Ha?
L: Tsaka isa pa, sila Leah. hindi na ko magtataka kung sugurin nila ko minsan. Ang swerte mo sa kanila! Sa kanila ka na lang. Nakakasawa na alam mo ba? Lagi na lang ganito. Tingin ko mas mabuti kung mawala na ko sayo. :(
Ibig sabihin, nagagalit siya ngayon dahil nagkukwento ako sa mga kaibigan ko ng mga nangyayari sa'min. Normal naman yun diba? Lalo na sa babae. Nagkataon lang na nagkakaproblema kami ngayon ni Louie kaya OA mag-react mga kaibigan ko. Masisisi niya ba sila kung galit sa kanya sila Leah dahil sa panloloko sakin? :( Alam ko na madalas kami mag-away nitong mga nakaraang araw. Pero, ganito ba talaga ang kahahantungan ng lahat? Hindi ko na alam. Totoo ba to? Iiwanan niya na ko? :(
BINABASA MO ANG
Almost Lover (ON HOLD)
Novela JuvenilKailan mo ba talaga masasabi na nagmamahal ka na nga? Kapag ba masaya ka kapag kasama mo siya, o kapag nasaktan ka na?