Six.

59 4 3
                                    

Kanina ko pa iniisip kung sasama ba ako. Ala una na ng madaling araw, pero ito, gumugulong gulong pa din ako sa kama ko. Sasama nga ba 'ko o hindi? Handa na ba ko makita si Louie? Nandun nga kaya siya? Sasama ba siya o hindi?

"Ay potek!" Kakagulung-gulong ko, nahulog tuloy ako sa kama. Naman eh!

Habang hinihimas himas ko pa yung likod ko saka yung pwet ko na tumama sa sahig, tumunog naman yung ringtone ng cellphone ko.

♪You know the bed feels warmer

Sleeping here alone

You know I dream in color

And do the things I want♪

Hindi ko na tinignan pa kung sino ang tumawag at kung bakit ito tumawag..

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya

["Hindi ako makatulog."]

"Pakialam ko naman?" mataray kong sabi.

["Sungit mo Baboy ka."] 

Tinignan ko naman yung screen ng phone ko. Si Mikko pala 'to!

"Ewan ko sayo. Bakit ka ba tumawag?"

*toot* 

Sus! Binabaan naman ako. Ano ba yan! Wala talagang kwenta kausap. Eh, bakit naman kaya hindi siya makatulog gaya ko? Sus. Ang labo niya talaga. Tatawag tawag tapos ibababa din naman pala. 

"Ang weird weird mo talaga! Pasalamat ka pogi ka ha!" Sinisigawan ko pa yung phone ko na animo'y si Mikko ang kausap ko. Sakto naman na umilaw ito at nag-vibrate.

1 message received

From: Mikko

Wg ka mgglit skn please.

Ano ba natira nito? Kainis ah. Pa-weird ng pa-weird. Akala niya ba galit ako dahil binabaan niya 'ko ng phone? Well, oo medyo. Pero sobrang babaw naman nun para mag-emo siya ng ganyan. Ay nako. Pipilitin ko na nga lang matulog kaysa makipag-usap pa sa weird na 'to.

------------------------------------------

 TUESDAY.

Napagisip-isip ko na sumama na sa swimming kasama ng mga dati kong classmates, since hindi lang naman "siya" ang pinunta ko dun. Gusto ko din naman makita yung mga former classmates ko bago maging busy ulit kaming lahat sa college life namin.

"Eh ano pa bang kulang?" Kausap ko ngayon si Leah sa phone habang nasa byahe ako.

["Wala na. Ikaw na lang talaga. HAHA! Dali!"]

"Sus. Teka teka malapit na 'ko."

["Okay babay, swimming na kami!"]

*call ended*

Mga sabik na sabik sa isa't isa 'tong mga ito. Ito pa namang si Leah napaka-daldal, sigurado ako mamaya ang dami na namang kwento sa'kin nito. Haha. Nakababa na ko ng jeep na sinakyan ko at saka naglakad papunta sa resort. Konti na lang kasi at nandun na ko..

"Baws!" salubong sa akin ni Nicole. Remember her? Siya yung ka-chat ko nung nakaraan.

"Uy buti pinayagan ka?" tanong ko sa kanya.

"Eh sabi ko kasama kita eh. Namiss kitaaaaaa! " sabi niya saka ako niyakap.

"Cha!" bati sa'kin ni Leah na basang basa pa. Halatang bagong ahon.

"Uy! Ano dito na lang tayo?" sabi ko ng pabiro. Di pa kasi ako nakakapasok ng resort sinasalubong na agad nila ako.

"HAHA! Tara! Dun tayo sa cottage natin." yaya sa akin ni Leah.

Almost Lover (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon