Five.

106 5 0
                                    

Charisse's POV

Dahil sa napasubo nga kami ni Mikko sa pagiging host sa party ni baby Xania, madalas tuloy kami magkita para pag-usapan yung mga games at kung anu-ano pa.

1 message received..

From: Mikko

Hoy baboy. Bilis! Dito na ko McDo. :)

Ito na nga oh aalis na! Maka-baboy naman? Lakas maka-insulto. >.< At hindi ko din alam kung bakit kailangan pa namin magkita sa McDo eh magkapitbahay lang naman kami? Psh. Puro gastos talaga ang alam nitong lalaking 'to. Oops! Nag-virbrate na naman yung phone ko..

1 message received..

From: Mikko

TAYO LANG HA. 

Oo na, psh.=__= Feeling ko tuloy double meaning 'yan? Hahaha. Okay, nagfeefeeling na naman ako..

Pagdating ko sa McDo.. Hinanap ko yung taong nag-iisa. Pero, teka, siya yun di ba? Bakit may kasama siya? Sino naman yung babae na yun?

Tumayo ako sa harap niya para ipaalam na nandun na ko habang siya nakikipag-usap dito sa babae. Akala ko ba kami lang? Bale nandito ako sa likod ng kausap niya na babae kasi magkaharap sila. At nilingon niya naman ako at kunwari napadaan lang ako..

"Uy Cha," sabi niya saka tumayo..

"Uy! Mikko. Nandito ka pala? Haha. Girlfriend mo?" turo ko dun sa babae. Oo kunwari nagkita lang kami.. Kainis eh.

"Charisse, si Bianca, ex ko." EX? So siya yung niloko niya! Hmp! So ano nagkabalikan na sila? eexit na ba ko?

"Bianca, si Charisse, future girlfriend ko. Hahaha." Napa-nganga kami pareho nung Bianca.

"Hoy ang kapal ng mukha mo!" saka ko siya nilapitan at hinampas. Feeler lang ha!

"Haha talaga? Hi Charisse, nice meeting you." sabi sa akin nung Bianca. Feeling close lang siya? Eh! Bakit ba ko naiinis?!

"Hello." saka ko siya nginitian ng bahagya.

"Sige alis na ko Mikko ha. Text text na lang." sabi nung Bianca. Mukha mo text text. Sus!

"Lika na nga dito. Haha galing mo umarte kanina." saka niya ko hinawakan sa kamay at pinaupo nung makaalis na yung Bianca.

Umupo ako sa seat namin at saka tumingin sa malayo. Bahala ka dyan. Badtrip ako sayo ngayon. Pinagmadali mo na ko, ganun pa inabutan ko? HOY CHARISSE! ANO BANG KINAKAGALIT MO HA?! Tsk. Hindi ko din alam!!

"Baboy."

Tinignan ko lang siya ng masama.

"You okay?"

"Mukha ba kong okay ha?!" at, tinawanan niya ko. Tinawanan niya ko?! Loko to ah!

"Wewait. Nagselos ka ba dun? HAHA! Ex ko yun."

"Shut up! Wag kang umasa. I know right, kakasabi mo lang kanina." Masungit kong sabi sa kanya. 

"Ang ganda niya no?" sabi niya saka tumingin sa malayo. 

"OO. Ang ganda niya. Ang ganda niya isako." Hindi ko alam bakit ang init ng dugo ko dun. Siguro kasi, sabi ni Mikko hihintayin niya ko hanggang sa ready ako, tapos nagagandahan siya sa ex niya? Hay ang labo ko. :|

"HAHAHAHAHA! Marunong pala magselos mga baboy? Tara order na nga tayo piggy!"

"Sira ulo. Wala akong gana." 

"Asuuus. Ikaw pa? Sige na nga libre na kita."

"Talaga?" sabi ko agad sabay ngiti. HA-HA!

"Oo na. Haha. Cute mo magselos." saka niya pinisil yung ilong ko..

Almost Lover (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon