Ten.

43 1 0
                                    

 Charisse's POV

"Mag-isa ka lang?" nilingon naman niya 'ko at saka niya inayos ang salamin niya para mas makita ako ng maigi. Matapos naman niya akong tignan ay bumalik rin siya sa pagbabasa agad.

Nailang naman ako ng kaunti matapos niya akong hindi pansinin. Tumingin naman ako sa gawi ng mga kaibigan ko at binigyan sila ng tila nagtatanong na itsura kung itutuloy ko pa ba ang pagkausap sa kanya. Nakita ko naman na itinaas ni Colleen Autumn ang fist niya at sumenyas ng "Go!"

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa babaeng katabi ko at saka siya kinausap. Magtatry ako ulit. Kapag hindi niya pa rin ako kinausap, babalik na ako kila Sofia.

"Ah, miss, Mag-isa ka lang ba?" 

Ilang segundo ko rin hinintay ang pagtugon niya at nagulat ako dahil nakita ko na tumango siya ngunit hindi siya nakatingin sa'kin, instead nakatingin siya sa librong binabasa niya. Hindi ko tuloy alam kung sa akin ba siya tumango o sa nabasa niya sa librong hawak niya. That's why I tried asking her again,

"Gusto mo bang sumama sa'min?"

Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang ugali niya, kung sususngitan niya ba ako o ano. Nakita ko naman na unti-unti siyang lumingon sa akin, para siyang hiyang-hiya.

"T-talaga?" Nauutal pa siya pero sa wakas, kinausap na rin niya ako. Para naman siyang nag-puppy eyes pagkatapos nun na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, lumabas tuloy yung pagka-cute niya.

Natawa tuloy ako sa itsura niya, "Oo naman no. Ayun yung mga kasama ko o." Itinuro ko naman ng daliri ko ang gawi nila Julienne, Autumn, at Sofia at sabay sabay naman silang kumaway sa amin ng babaeng katabi ko.

Nilingon ko siya para alamin ang sagot niya, kung sasama ba siya o hindi, pero laking gulat ko dahil ang lapad ng ngiti niya, kitang kita ang ganda ng mga ngipin niya at halos matomboy ako sa ganda niya.

"Ano, gusto mo ba?" Nakangiti kong tanong sa kanya kahit obvious naman na ang sagot niya. Pero, tumango tango pa siya na parang batang tinatanong. Tumayo naman kami at saka bumalik sa mga kaibigan ko.

--

"Hi!" sabay sabay na bati ng mga kaibigan ko sa kanya at muli, nakita ko na naman ang pagngiti niya. Sa tingin ko tuloy sa kanya, para bang sabik na sabik siya magkaroon ng isang kaibigan. Nakakapagtaka lang, sa ganda niyang 'yan, wala siyang kasama?

"Ito nga pala si Autumn, si Julienne, at si Sofia", isa-isa ko naman silang ipinakilala at saka ako lumingon sa kanya, "Ano nga palang pangalan mo?"

"P-Precious." nahihiya niyang tugon sa amin saka siya napayuko.

"Ang cuuuuute." Tulad ko, nacute-an din si Autumn sa kanya. Nakakatuwa kasi yung mga facial expressions niya. So, Precious pala ang pangalan niya.

Mula naman noon, nag-kwentuhan kaming lima tungkol sa mga pangyayari sa buhay namin. Noong una, sobrang nahihiya pa si Precious pero, kalaunan, natutuwa kami dahil nagsheshare na rin siya ng experiences niya. Wala pala talaga siyang kakilala dito dahil wala siyang kahit na isang schoolmate sa university namin. Nalaman ko ring Psychology pala ang course niya, and we find it very cool for her. Pakiramdam ko nga, parang tahimik lang siya pero sobrang dami niyang alam.

"Sige, kita na lang tayo mamaya ah. Ingat!" Naghiwa-hiwalay na kami dahil magkakaiba kami ng course. Si Julienne kasi, Fine Arts ang kinukuha. Si Autumn naman, Accountancy. Samantalang kami ni Sofia, Preschool education. Kaya ngayon, kami ni Sofia ang magkasama.

--

Nag-eenjoy naman kami sa first day of classes namin dahil puro orintation lang ang ginagawa namin. Syempre sa una, sobrang nakakakaba dahil hindi namin alam kung 'terror' ba ang magiging prof namin. Pero so far naman, wala pa naman kaming nagiging prof na masungit. Nakakatuwa nga dahil ang babait nila. Mayroon naman isang klase namin ngayon araw na wala daw professor kaya walang ginawa ang klase namin kundi ang magdaldalan. Kami lang naman ni Sofia ang magkausap dito sa room eh, buti na lang at madaming kwento itong si Fia..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost Lover (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon