Epilogue.

6.1K 142 38
  • Dedicated kay to all of my supporters and all of my readers! <3
                                    

Hello. Mamimiss ko itong story na 'to. Sa lahat ng supporters at nagbasa nito. Para sa inyo to. Mahal ko kayo! Mwah mwah tsup tsup hehe

___________

6 months.

Kalahating taon. Oo, di ako bobo \\(TToTT)//

Akalain mo? Nakaya ko tumagal ng kalahating taon?

Tumagal ng kalahating taon na .. W-Wala ka.

*sniff*

Sabi ko, 'di na ako iiyak. Oo, hindi na ako iiyak. Sinabi ko sa sarili ko magiging matapang na ako at magiging matatag kahit wala ka na.

Ang Daniel na mundo ko. Ang Daniel na buhay ko. Ang Daniel na bumuo ng pagkatao ko.

Sabi ko sa sarili ko hindi ko kaya pag nawala ka. Pero alam kong magagalit ka sakin kung hindi ko inayos 'tong buhay ko kasi sabi mo greatest gift ito ni God.

Oo aaminin ko, nagalit ako kay Papa God kasi why all of a sudden, bigla ka niyang kinuha? In the wrong place and in the wrong time?

Pero kalaunan eh nawala narin itong galit ko. Kasi alam ko na ginagawa 'to ni Papa God because meron pang darating sa buhay natin na mas maganda. Mas masaya, at mas maayos.

Lahat may reason kung bakit nangyayari 'to.

At ngayon, eto nagsasaya ako. Pinipilit kong maging masaya. Kasi gusto mo maging masaya ako.

Tsaka nakakapagod naring umiyak. Ang hapdi sa mata. Tas nagmumukha akong zombie. -___-

"Uy bunso." kulbit sa akin ni Kuya Neil.

"Oh?" sagot ko.

"E-Eh. 'Yung ice cream mo, tunaw na." tinuro niya sakin 'yung Cornetto ko. Aish, kaya pala malagkit 'yung pakiramdam ko e.

"Ay, hehe. Penge nga tissue." sabi ko.

"Oo na, napakatamad mo talaga. Kuya mo, inuutusan mo? Oh siya siya, baka masapak mo pa ako. Teka lang, kukuha lang ako sa kotse." sabi ni kuya. Dinilaan ko nalang siya.

Bitter Revenge. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon