Chapter 5

89 6 5
                                    

Chapter 5: Contract

Jack's Pov

Ilang araw at linggo na ang nakalipas at eto. Ganun naman pa din.

Ilang araw ko na din siya stinastalk at hindi mawala sa isip ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko.

*Toot

Tinignan ko naman ang cellphone ko.

From: Ryan
Punta ka sa library.

Bakit kaya ako pinapunta ni Ryan?

To: Ryan
Bakit?

Sent!

*Toot

From: Ryan
Nandito si Hails kaya bilisan mo.

Hails? Si Hailee? Ano kaya ang trip nanaman ni Ryan.

Tumayo naman na ako sa tambayan ko at naglakad papuntang library.


Pagkarating ko sa library, nakita ko kausap ni Ryan si Hailee. Lumapit naman ako sa kanila.

"Oh. Pre. Nandito ka na." Sabi ni Ryan.

"Oo. Nandito nga." Sabi ko at umupo na sa tabi nila. "Bakit mo ako pinatawag?"

Ngumiti lang naman si Ryan.

"I want you to meet your personal tutor, Hailee." Sabi niya.

Ano?

Napatingin ako kay Hailee at ngumiti lang ito sa akin.

Anong ibig niyang sabihin?

"Pumayag na siya sa deal. Tutulungan ka niya mag-aral at syempre makagraduate." Sabi ni Ryan kaya napatingin uli ako kay Ryan.

"Don't worry. Alam ko naman na ang lahat. Sinabi na sa akin ni Ryan yun mga dapat kong gawin. Magiging personal tutor mo ako for the whole school year." Sabi ni Hailee kaya napatingin naman uli ako sa kanya.

Seryoso ba siya? Pumayag siya sa kagustuhan ng baliw kong kaibigan?

"Uy, pre. Wala ka bang sasabihin ha? Kanina ka pa palipat lipat ng tingin sa amin." Sabi ni Ryan kaya natauhan na ako.

"Ah. Okay." Sabi ko. Wala naman na ako maisip na sasabihin kaya ayun lang nasabi ko.

"Kailan ka ba magsisimula?" Tanong ko kay Hailee at tumingin sa kanya.

"Anytime. Pwede ngayon o bukas. Kahit kailan mong gusto." Sabi niya.

"At nga pala. Eto pala ang contract niya." Sabi ni Ryan at inabot sa akin ng isang papel.

Tinignan ko naman yun at nandun nakasaad ang pagseserbisyo sa akin ni Hailee for 10 months. Hanggang sa makagraduate kami.

"At pumayag din siyang walang sweldo. So bale nagtratrabaho siya para sayo ng libre. Plus full time pa yan. Dahil nga anytime pwede mo siyang i-contact." Sabi pa ni Ryan.

"Tapos idagdag mo pa na maganda at mabait pa siya. Lahat lahat na ng hinahanap mo nasa kanya na." Bulong sa akin ni Ryan kaya tinignan ko siya.

Oo nga. Lahat na ng hinahanap kong personal tutor nasa kanya na. Wala na nga ako hahanaping iba.

"Ano? Ayos diba?" Sabi sa akin ni Ryan.

Tumango ako.

"Sige." Sabi ko at tumingin ako kay Hailee. "Since ikaw na ang personal tutor ko, may gusto lang ako linawin."

Syempre, kahit naman na mukhang matino naman siya, kailangan ko siguraduhin na hindi ito mahuhulog sa akin. Alam mo na, gwapo kasi ang tuturuan niya at ayoko mapagaya siya sa ibang babae na masasaktan dahil sa sarili nilang ilusyon.

"Ano po yun?" Tanong niya.

"Hanggang personal tutor lang kita. Ayaw ko na, alam mo na. Mahulog ka sa kagwapuhan ko kahit hindi mo naman mapipigilan mahulog." Sabi ko.

Napatawa naman siya. Anong nakakatawa?

"Opo. Alam ko po yun. Hanggang personal tutor mo lang po ako at wala na hihigit pa dun." Sabi niya.

Napangiti ako. "Good." Sabi ko. "Maganda na ang nagkakalinawan."


*Kriiiiiiiing

Tumunog naman na ang bell kaya nagsitayuan na kami. Tapos ay nagsabay sabay na lang kami pumunta sa classroom.

Pagdating sa classroom ay pumunta na kami sa sarili naming upuan at sakto naman dumating si mam.

Nagdiscuss lang si mam ng kung ano ano. Nakakaantok. Gusto ko matulog.

"Okay class. Magkakaroon kayo ng quiz bukas tungkol sa mga tinuro ko ngayon. Kaya mag-aral kayo. That's all. Goodbye, class." Sabi ni mam.

"Goodbye and thank you, mam." Sabi namin.

Hays. Quiz. Yan ang pinaka hate ko sa lahat eh. Hindi pa naman ako nakinig kay mam. Tinatamad pa ako mag-aral. Pero, kailangan ko ipasa ang quiz.

Teka, si Hailee. Ano pa ang silbi niya kung hindi ko siya gagamitin, diba?

Tumingin ako sa kanya na nagbabasa ng libro.

"Hailee." Tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya akin. "Yes po?" Tanong niya.

"May quiz tayo bukas diba?" Sabi ko kaya tumango naman siya.

"Pwede ba pakopya na lang sayo bukas?" Sabi ko at nagpout pa ako.

"Di kasi ako nakinig sa lesson ni mam kanina kasi masama ang pakiramdam ko. May sakit na ata ako."

Napakunot naman ang noo niya.

"Ha?" Sabi niya at hinipo ang noo at leeg ko. "Hindi ka naman mainit, ah?"

"Eh. Please, Hailee. Masama lang talaga ang pakiramdam ko." Sabi ko.

Nag-isip naman siya. "Pero.."

"Please, Hailee?" Sabi ko at nagpuppy eyes pa.

Napabuntong hininga naman siya. Yes. Mukhang effective.

"Sige na nga. Pero bukas lang yun, ah. Sa susunod, hindi na pwede. Dapat mag-aral ka na." Sabi niya.

"Yes! Thank you, Hailee! The best ka talaga!" Sabi ko at niyakap ko siya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Ah. Wa-wala yun." Sabi niya kaya bumitaw na ako. Nakita ko naman siya namula.

"Uhm. Sige na. Mag-aaral pa ako." Sabi niya at bumalik na sa libro niya.

Napangiti ako. Ang lakas talaga ng charms ko. Hindi ipagkakailala na ako ang pinakagwapong nilalang sa mundo.

***

UD tomorrow. Yieee! Haha. =)
~ CutieKittyMe

Mr PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon