Chapter 11

57 4 1
                                    

Chapter 11: Friendly Date

Jack's Pov

"Let's start." Sabi ni Hailee at nagsimulang tanungin ako.

Tanong lang siya ng tanong habang ako, eto sagot lang ng sagot. Nakakatama naman ako ng sagot.


"Ayos. Galing mo na." Puri niya sa akin kaya ningitian ko lang siya.

"Salamat. So, pwede ba matulog na ako? Nakakantok eh." Sabi ko.

Umiling naman siya.

"Nope. Hindi pwede." Sabi niya kaya napasimangot ako.

"Bakit naman?" Tanong ko.

Ang daya.

"Kasi may iba pa tayong subjects. Pag natapos natin lahat sagutin, pwede na." Sabi niya kaya napasubsob ako sa desk ko.

"Grabe naman. Ang dami nun." Reklamo ko.

"Ganun talaga. Maraming subjects binigay sa atin eh. Kaya wag ka na antukin. Dali. Pag nasagot mo ng tama lahat ng itatanong ko sayo, pwede mo na gawin kahit anong gusto mo. Kung gusto mo, treat pa kita basta umayos ka lang." Sabi niya kaya tinignan ko siya.

"Seryoso? Hmm. Sige. Game na." Sabi ko kaya napatawa siya at nagsimula na kami.


"Good. Galing ah. Nako. Matatalo mo na ata ako. Genius ka pala." Sabi niya.

"Grabe ka naman. Haha. So, ano? Pwede na?" Tanong ko.

"Sige. Ano ba gusto mong gawin?" Tanong niya.

"Hmm. Gusto ko lumabas. Sa mall. Ano sa tingin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw bahala. Ikaw naman ang lalabas eh." Sabi niya.

Napasimangot ako.

"Hindi kaya. Kasama syempre kita. Ang boring kaya ng mag-isa lang." Sabi ko.

"Eh. Bakit ako? Hindi ka na lang naghanap ng iba dyan. Si Ryan. Yun na lang." Sabi niya.

"Ayoko. Gusto ko ikaw ang kasama ko. Bonding na lang natin toh. At tsaka, gusto ko lang mas makilala ka pa." Sabi ko.

Gusto ko lang siya pasayahin kahit papano. Mas lalo sa nangyari pala sa kanya. Sobrang sakit nun. Malaman na ulila ka na lang.

"Hmm. Okay. Sige na nga." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Good. Halika na." Sabi ko at hinila na siya.

"Ha? Eh may klase pa tayo, diba?" Tanong niya.

"Yeah." Sabi ko.

"Eh. Bakit tayo aalis? Magka-cutting classes? Ayoko." Sabi niya kaya napahinto ako.

"Eh. Dali na. Isang subject lang naman na bago tayo pauwiin." Sabi ko.

"Kahit na. Hindi pa rin pwede yun. Scholar ako. Pag ako nawalan ng grade, wala na. Kaya, kung gusto mo. Ikaw na lang." Sabi niya at hinila ang kamay niya.

Napahinto ako. Ngayon ko lang siya nakita nagkaganito. Naiinis.

Naguilty naman ako sa ginawa ko.

Kaya sa huli bumalik na lang ako sa upuan ko.

Tinignan ko lang siya na nagbabasa.

"Hailee." Tawag ko sa kanya kaya tinignan niya ako.

"Sorry. Hindi pwede. Ayoko mawalan ng scholarship dito. Yun na nga lang ang paraan para makapag-aral ako at ang kapatid ko." Sabi niya.

"Sorry. Di ko naisip yun." Sabi ko.

Tumango naman siya. "Okay lang."

"Sure ka?" Tanong ko kaya napabuntong hininga siya.

Mr PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon