Chapter 15: Lagnat
Jack's Pov
"Okay, class. Today we will be studying.."
*Snore*
Napatingin naman ako kay Hailee na nakayuko. Tinignan ko siya mabuti at nakatulog na pala siya. Humihilik kasi siya. Napatawa ako. Siguradong pagod siya dahil everyday ba naman ang trabaho niya kay Tita. Late na rin siya nakakauwi kaya ayan. Tulog.
Ang sipag niya talaga. Bilib din ako sa kanya dahil kahit ulila na siya, gumagawa siya ng paraan para sa pamilya niya. Ang swerte ng mapapangasawa nito, sigurado. Masipag at maganda na asawa. Aba. Saan ka pa, diba?
"Hailee." Tawag ni mam kay Hailee pero tulog pa din si Hailee kaya kinalabit ko siya.
"Hmm?" Tanong niya at kinurap kurap pa ang mata niya.
"Tawag ka ni mam." Bulong ko kaya agad siya napatingin kay mam at tumayo.
"Yes, mam?" Tanong niya.
"What is the unknown of 9zy?" Tanong ni mam kaya napahinto siya.
"Uhm.."
"Z and y." Bulong ko.
"Z and y." Sabi niya.
"Good. You may seat down." Sabi ni mam kaya umupo na siya.
Tinignan niya agad ako. "Thanks."
Ningitian ko siya.
"Wala yun." Sabi ko. Naiintindihan ko naman siya.
Napapikit naman siya. "Hays. Di ko namalayan nakatulog pala ako." Bulong niya.
Napangiti ako at pinisil ang pisngi niya. Nakakahiligan ko na pisilin ang pisngi niya. Ang cute kasi.
Napatingin naman siya sa akin na nakasimangot. Cute.
"Ang cute mo talaga." Sabi ko.
Tinignan lang niya ako.
"Hmp. Lagi mo na lang pinipisil ang pisngi ko. Yun tuloy. Lagi namumula." Sabi niya na nakapout pa.
"Talaga? Akala ko kasi namumula ka dahil nagbla-blush ka eh." Pang-asar ko kaya tinignan niya ako ng masama.
"Nakakainis ka." Sabi niya at tinaboy ang kamay ko.
Napatawa na lang ako.
"Get one piece sheet of paper and copy the questions on the board." Sabi ni mam kaya napatingin kami sa board.
"Hays. Back to work." Sabi niya at kumuha na ng papel.
Kumuha na din ako ng akin at nagsulat na.
"Mam. Sasagutin po ba namin yan?" Narinig kong tanong ni Ryan.
"Oo. Halangan. Sasagutin niyo ang mga tanong dyan." Sabi ni mam.
"Eh kasi sabi mo kumuha ng papel at kopyahin ang tanong." Sabi ni Ryan.
"Common sense, Ryan." Sabi ni mam kaya napakamot ng ulo si Ryan.
Napailing na lang ako sa kanya.
Habang nagsasagot kami, nakita ko si Hailee na parang nahihirapan.
"Hays. Nakakainis. Bakit kasi di ako nagreview?" Sabi pa niya sa sarili niya at hinahampas hampas pa. "Nakakainis ka talaga. Gumana ka naman."
"Hailee." Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.
"Bakit?" Tanong niya.
Pinakita ko sa kanya yung papel ko. "Kopya ka na lang sa akin." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Mr Playboy
Teen FictionJack Ray Lewis, kilala bilang Mr Playboy sa school. Sino ba hindi makakahulog sa taglay na kagwapuhan meron siya? Halos lahat na ng babae sa school ay napaibig na niya. Kahit mga nerds at NBSB ay napahulog na rin sa kanya. Pero isang araw, may nakil...