Chapter 9: Presentation
Hailee's Pov
"Okay class, dala niyo ba yung mga project niyo? Yung powerpoint presentation?" Tanong ni mam.
Nagtaas naman ng kamay si Ryan kaya napatingin sa kanya si mam.
"Mam. Sorry po. Naiwan ko yung akin sa bahay. Nakalimutan ko po eh." Sabi niya.
"Sigurado ka bang nakalimutan mo o di mo ginawa?" Tanong ni mam.
Napakamot naman si Ryan. Parehong pareho nga silang dalawa ni Jack. Mga tamad. Tsk. Tsk.
"Both mam. Nakalimutan kong gawin." Sabi niya.
Napasapo sa ulo si mam.
"Okay. Bibigyan kita ng chance. Dapat sa susunod na computer class may dala ka na." Sabi ni mam.
"Thank you, mam!" Sabi naman ni Ryan.
"Okay. Meron pa bang hindi nakadala o nakagawa ng project?" Tanong pa ni mam kaya tinignan ko si Jack.
"Jack, dala mo ba yung USB?" Tanong ko. Nasa kanya kasi yung akin eh.
"Ay. Oo nga pala. Sorry, Hails. Nakalimutan ko eh." Sabi niya.
"Ha? Ano? Hala. Bakit?" Nako. Lagot.
Nakita ko naman na bigla siya tumawa kaya napakunot ang noo ko sa kanya.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko.
Tinignan naman niya ako.
"Ang cute mo kasi." Sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kainis. Bakit kasi iniwan mo pa yun?" Tanong ko sa kanya.
Aish. Paano na ako nito? Baka mapagalitan pa ako ni mam. Tapos bababa pa ang grades ko hanggang sa mawala ang scholarship ko. Pag nawala ang scholarship ko, paano ako makakapag-aral? Paano na kami ng kapatid ko pag nangyari yun?
"Eto naman. Haha. Joke lang yun. Wag ka mag-alala. Dala ko siya." Sabi niya at pinakita ang USB.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Kainis ka. Kinabahan ako ng sobra dun." Sabi ko at hinampas ko siya.
"Haha. Sorry." Sabi niya.
"So, class. Magsimula na tayo. Sino ang gusto mauna magprepresent?" Tanong ni mam kaya nagtaas ng kamay si Jack.
"Ako na po." Sabi ni Jack kaya tumayo na siya at pumunta sa harapan.
Hinanda naman niya yung presentation niya.
"Okay. So, ehem. Good morning, everyone. This is my family." Panimula niya at pinakita ang picture ng family niya.
"Eto ang mama ko. Mahilig siya manermon sa akin pag nalalate ako ng uwi. Lagi siya may handang speech tuwing uuwi ako. Pero kahit ganyan si mama, mahal na mahal ko siya. Sobra siyang maalaga at mapagmahal na ina. Pag may problema ako, lagi siya nandyan para sa akin." Sabi niya at ngumiti.
Napapangiti ako habang nagprepresent siya. Maswerte siya at nandyan pa ang mama niya.
"Eto naman si papa. Ang pogi, diba? Syempre, sa kanya ako nagmana ng kapogian. Like father, like son. Masipag siyang ama dahil nagtratrabaho siya sa ibang bansa para lang buhayin kami. Kaya nga maswerte ako na may ama akong tulad niya."
Naalala ko naman si papa. Lagi siya nagsusumikap para lang pag-aralin kami.
"Si Jade naman toh. Astig niya, noh? Syempre, mana sa akin. Siya yung bunso ng pamilya namin. Magaling siya sa sports. Sa totoo lang, kasali siya sa varsity players for girls sa school. Isa siya sa mga panlaban sa sports."
BINABASA MO ANG
Mr Playboy
Teen FictionJack Ray Lewis, kilala bilang Mr Playboy sa school. Sino ba hindi makakahulog sa taglay na kagwapuhan meron siya? Halos lahat na ng babae sa school ay napaibig na niya. Kahit mga nerds at NBSB ay napahulog na rin sa kanya. Pero isang araw, may nakil...