Chapter 12

56 2 3
                                    

Chapter 12: Honor

Jack's Pov

"Pre, congrats. Galing mo." Sabi sa akin ni Ryan.

Napakunot ang noo ko.

"Ha? Congrats saan?" Tanong ko.

"Kasali ka sa top 10 sa klase. Naks. Umaasenso ka talaga." Sabi niya.

Natigilan ako sa narinig ko.

"Seryoso ka?" Di makapaniwala kong tanong.

"Oo. Ako pa. Tignan mo pa sa board. Nandun yung listahan." Sabi niya.


Pumunta naman agad ako sa board kung saan nakalagay ang top 10.

Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko.

Seryoso ba toh?

Kinurap kurap ko pa ang mata ko pero totoo nga.


"Hey. Ano meron?" Tanong ni Hailee na nandito na pala sa tabi ko at tinignan ang board.

Napangiti naman siya sa nakita niya.

"Wow. Congrats. Galing mo. Genius." Sabi niya at pabirong sinuntok ako sa balikat.

Hindi ko mapigilan mapangiti.

"Hindi ko toh inaasahan." Sabi ko.

Aba. May ipagmamalaki na ako noh pwera sa gwapo kong mukha. Ang dating laging bagsak, ngayon ay kasali na sa top. Matutuwa sila mama at papa panigurado.

"Sabi ko kasi sayo eh. Sumipag ka lang mag-aral, yan ang mapapala mo. Hindi ba ang sarap sa feeling makasama sa top?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya at agad siyang niyakap.

"Salamat. Kung hindi dahil sayo, hindi ko toh makakamtam." Sabi ko.

Sobrang saya ko ngayon. Lagi ko kasi iniisip noon na hindi ako matalino at impossible makasama ako sa top. Pero ngayon.. grabe. Expect the unexpected nga.

"Hindi din. Dahil sa sipag at tiyaga mo din yan. Dahil sa pagiging seryoso mo, ayan ang nakuha mo." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Salamat pa din." Sabi ko.


"Ehem. Uh. Hindi naman kayo PDA, ano?" Sabi ni Ryan kaya bumitaw na ako.

"Tss. Inggit ka lang." Sabi ko.

Kumibit balikat lang siya.

"Nga pala. Congrats sayo, Hails. Top 1 ka. Ayos. Kayo na ang kasali sa top." Sabi ni Ryan kay Hailee.

"Sa susunod ba pwede sa akin na lang muna si Hailee? Genius ka naman eh." Sabi ni Ryan sa akin kaya tinignan ko siya ng masama.

"Sorry, pre. Akin lang toh. Walang aagaw." Sabi ko at inakbayan si Hailee.

"Tss. Edi sayo na. Pero, Hails. Pagkatapos ng contract mo kay Jack, ako naman ah." Sabi ni Ryan kaya binatukan ko siya.

"Sabi di pwede eh. Kulit. Kung gusto mo, maghanap ka na lang ng sayo. Pero sorry ka na lang, nag-iisa lang siya." Sabi ko.

"Tama na nga yan. Kayo talaga. Ryan, kung gusto mo sumama ka na lang samin minsan ni Jack pag nag-aaral kami." Sabi ni Hailee kay Ryan.

"Wag na, Hails. Okay lang ako. Ayaw ko naman makisiksik pa sa inyo. Masyado kasing possessive si Jack sayo. Kung umasta kala mo boyfriend. Di bale, personal tutor ka lang naman niya eh kaya may pag-asa pa." Sabi ni Ryan na medyo kinuot ng noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Hailee.

"I will hire you to be my-"

*Kriiiiiiiing

Mr PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon