Chapter 6

85 7 3
                                    

Chapter 6: Project

Jack's Pov

"Ang pinaka highest sa quiz ay sina Hailee at Jack." Sabi ni mam.

Nagpalakpakan naman ang mga studyante.

"Thank you po." Sabi ni Hailee at kinuha ang papel niya.

"Thanks mam." Sabi ko at kinuha ang papel.

"Sigurado ka bang ikaw ang nagsagot niyan?" Taas kilay na tanong ni mam.

"Opo, mam. Ako pa. Nagbago na po ako." Sabi ko at kinindatan si mam.

Bumalik naman na ako sa upuan ko at tinignan si Hailee.

"Hailee." Tawag ko sa kanya. "Thank you." Sabi ko.

Ngumiti naman siya. "Wala yun. Basta sa susunod mag-aaral ka na, ah." Sabi niya.

"Oo naman." Sabi ko at ngumiti.

*Kriiiiiiiing

Tunog na ng bell kaya nagsitayuan na kami.

"Pre. Ayos ah. Umaasenso." Tanong ni Ryan.

"Syempre naman. Galing ng personal tutor ko eh." Sabi ko at inakbayan si Hailee.

"Naks. Ikaw na ang may personal tutor. Maghahanap nga ako ng akin." Sabi ni Ryan.

"Pero sa ngayon lang yung ginawa ko, ha. Hindi pwede palagi na lang ganun." Sabi naman ni Hailee.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Opo. So, ano na? Tara. Kain na tayo. Gutom na ako eh." Sabi ko at umalis na kami.

Pagdating sa canteen, pinagtitinginan kami ng mga studyante.

"Ah. Sige na. Bumili na kayo ng pagkain niyo." Sabi ni Hailee.

"Eh paano ka?" Tanong ko.

"Maghahanap na lang ako ng upuan." Sabi niya.

"Pero wala kang kasama." Sabi ko.

"Hindi. Okay lang. Kaya ko naman ang sarili ko." Sabi niya.

"Sigurado ka?"

"Oo. Wag niyo na ako alalahanan. Sige na. Maghahanap lang ako." Sabi ni Hailee at umalis.

Wala naman kami nagawa ni Ryan kaya bumili na kami ng pagkain namin.

"Musta naman, pre?" Biglang tanong ni Ryan kaya tinignan ko siya.

"Anong 'musta'?" Kunot noo kong tanong. Ngumuso naman si Ryan kaya tinignan ko yun. Si Hailee.

"Ah. Okay lang." Sabi ko.

"Ayos ba?" Sabi niya.

"Oo. Effective." Sabi ko.

"Galing ko noh. Kaya magpasalamat ka sa akin." Sabi ni Ryan.

"Oo na. Salamat." Sabi ko at tinignan lang si Hailee.

"Ang ganda niya noh. Mabait pa. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan klaseng babae." Sabi ni Ryan.

"Oo nga. Ako din." Sabi ko.

"Bihirang bihira na lang ang mga kagaya niya sa mundo. Simple lang at walang arte." Sabi ni Ryan.

"Oo nga. Kakaiba siya." Sabi ko.

"Here is your order, sir." Sabi ng nagtitinda kaya kinaha na namin yun ni Ryan.

"Kaya kung ako sa iyo, di ko na yan papakawalan." Sabi ni Ryan.

Tinignan ko naman si Ryan. "Ha?"

Mr PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon