Chapter 16

25 3 0
                                    

Chapter 16: Boyfriend

Hailee's Pov

"Here is your salary, Hailee." Sabi ni Tita Kristine, yung tita ni Jack.

"Maraming salamat po." Sabi ko at nagbow pa. Napatawa naman siya.

"Nga pala. Musta na ang pakiramdam mo ngayon? Sabi ni Jack sa akin, nagkalagnat ka daw." Sabi niya kaya ningitian ko lang siya.

"Ayos na po ako ngayon. Salamat po." Sabi ko. Ngumiti naman siya.

"Mabuti kung ganun. Wag mo masyado i-stress ang sarili mo, ha. Bata ka pa. Sige ka. Magkapimples ka nyan. Ang ganda mo pa naman." Biro niya kaya napatawa ako.

"Okay po."

"Kapag nahihirapan ka na o ano, pwede ka naman magday off. Hindi ko naman babawasan yang sweldo mo eh." Sabi niya kaya napatango ako.

"Sige po. Salamat." Sabi ko.

"Oh. Sige. Umuwi ka na at kanina ka pa ata hinihintay ni Jack sa labas." Sabi niya kaya nagpaalam na ako at umalis.


Pagkalabas ko, nakita ko siya na nakaupo lang sa isang gilid kaya pinuntahan ko siya. Nakita naman niya ako kaya napangiti siya.

"Halika na. Iuwi na kita." Sabi niya kaya tumango na ako at umalis na kami.


Laging ganito si Jack. Lagi niya ako hinahatid pauwi pag hanggang gabi ako. Sobrang maasikaso din siya. Lagi niya ako chine-check kung ayos lang ba ako o hindi. Minsan naman pag nakakatulog ako sa klase, gagawa siya ng paraan para lang makapagpahinga ako. Nakakatawa pero at the same time, nakakatuwa. Sobrang alaga niya kasi ako. Kung paano niya alagaan ang kapatid niya, ganun din siya sa akin. Kapatid nga ang turing niya sa akin, diba?

Minsan, nasasanay na ako. Araw araw ganito lang ang set up. Kami ang lagi magkasama mula umaga hanggang mapauwi ako sa bahay.

Pagkarating namin sa bahay, hinarap niya ako.


"Magpahinga ka na. Goodnight. Bukas na lang, uli." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

" Sabi niya at hinalikan ang noo ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngumiti ako. Lagi siya ganito tuwing uuwi ako.

"Goodnight din. Ingat ka pauwi." Sabi ko.

Ngumiti naman siya at kumaway.

"Sige. Pasok ka na, ha." Sabi niya.

Tumango naman ako.

"Opo." Sabi ko at tumalikod na siya.

Napangiti na lang ako.


"Umamin ka nga sa akin, Ate. Boyfriend mo na ba siya?" Biglang tanong ni Michael na nakatayo lang sa harap ng pintuan namin.

"Hindi nga. Kaibigan ko lang siya, okay?" Sabi ko.

Napapailing na lang ako. Lagi nila kami pinagkakamalan 'kami' pero ang totoo ay hindi naman. Kaibigan lang talaga.

Mr PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon