Chapter 13: We Are family
Hailee's Pov
"Okay class. Magkakaroon tayo ng field trip. Ito na ang mga letters." Sabi ni mam at binigay sa amin yun.
"Yun oh. Field trip. Sasama ka?" Tanong ni Jack sa akin.
"Hindi ko alam. Baka hindi na lang." Sabi ko.
"Ha? Bakit naman?" Tanong niya.
Wala kasi akong pera para dyan. Alam mo naman na mahirap lang kami.
Mukhang nakuha niya ang nasa isip ko kaya binigyan niya ako ng isang ngiti.
"Wag ka na mag-alala. Ako na-"
"Hindi. Wag na. Okay lang ako." Alam ko naman na ang sasabihin niya.
"Pero kasi Hailee. Ang boring kaya pag wala ka dun." Sabi niya.
"Si Ryan? Siya?" Tanong ko.
"Eh! Ayoko dun. Pero kung ayaw mo talaga.. sige. Hindi na lang ako sasama." Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Ha? Ano? Bakit? Hindi. Hindi pwede. Sumama ka. Gusto mo ba gumawa ng projects?" Tanong ko sa kanya.
Ngumuso naman siya. "Eh kasi. Sumama ka na." Pagpupumilit niya.
"Jack-"
"Please? Sumama ka na." Pagpapacute pa niya.
How can I resist his charms? He's too cute.
Pinisil ko ang pisngi niya.
"Ikaw. Wag ka nga magpacute dyan." Sabi ko.
"Eh kasi. Ayaw mo pumayag." Sabi niya.
Ningitian ko na lang siya.
"Sige na nga. Sasama na ako. In one condition." Sabi ko.
Kumislap naman ang mata niya.
"Sige. Ano yun?" Tanong niya.
"Ayoko na ikaw ang magbabayad nito." Sabi ko. Mahilig kasi siya manlibre sa akin. Masyado marami na akong utang sa kanya.
Sumimangot naman siya.
"Bakit naman? Okay lang naman sa akin eh." Sabi niya.
Umiling naman ako.
"Hindi. Hindi naman galing sayo yung pera eh. Sa papa mo. Kaya wag na." Sabi ko. Nakakahiya din sa pamilya nila.
"Eto naman. Kung yun ang iniisip mo, wag ka mag-alala. Papayag si papa pag nalaman niya na para sayo naman toh. At tsaka, anak na ang turing nila sayo. Kaya wag ka na mag-isip pa dyan, okay?" Sabi niya.
Alam ko naman yun eh. Kaya nga sobra ang pasasalamat ko sa pamilya nila. Sobrang bait nila sa akin. Pero kasi nakakahiya talaga sa kanila. Di naman nila ako totoong anak.
"Kahit na. Nakakahiya na sa pamilya niyo. Masaya ako na sobrang welcome ako sa inyo pero sobra na yung ginagawa niyo sa akin." Sabi ko.
"Eto naman. Wag ka na mahiya. Kasama ka naman na sa pamilya namin eh." Sabi niya.
"Pero-"
"Tama na. Tanggapin mo na lang ang offer ko. Okay?" Sabi niya.
Hays. Si Jack talaga. Paano ba naman ako makakatanggi nito?
As always, bumuntong hininga ako at tinignan siya.
"Okay. Fine. Pero eto. Kung kaya ko naman, ako ang magbabayad." Sabi ko.
Ngumiti naman siya at pinisil ang cheeks ko.
"Okay." Sabi lang niya.
"Kayo nga. Umamin kayo sa akin. Kayo na ba?" Biglang sulpot ni Ryan sa tabi namin.
BINABASA MO ANG
Mr Playboy
Teen FictionJack Ray Lewis, kilala bilang Mr Playboy sa school. Sino ba hindi makakahulog sa taglay na kagwapuhan meron siya? Halos lahat na ng babae sa school ay napaibig na niya. Kahit mga nerds at NBSB ay napahulog na rin sa kanya. Pero isang araw, may nakil...