Chapter 14: Part-time Job
Hailee's Pov
"Nay, okay lang po ba kayo?" Tanong ko kay nanay.
"Okay lang ako. Wag mo ako alalahanin." Sabi niya.
Nakahinga naman ako ng maluwag kahit papano na makitang okay naman siya.
"Ano po ba kasi nangyari?" Tanong ko.
"Sabi ng nurse, masyado lang daw siya napagod kaya inatake." Sabi ni Michael.
Tinignan ko naman si nanay.
"Nay naman. Bakit po ba kayo nagpakapagod?" Sabi ko.
"Apo naman. Wala lang ako magawa sa bahay. Hindi naman pwede na wala akong gawin." Sabi ni nanay.
"Pero, nay. Sa susunod mag-ingat po kayo. Kung hindi lang ako umuwi ng maaga at nadala kayo sa hospital. Hays." Sabi ni Michael at bumuntong hininga.
"Sorry na kung pinag-alala ko kayo. Sa susunod mag-iingat na ako." Sabi ni nanay kaya ngumiti lang ako.
Hindi pwede na maiwan si nanay mag-isa sa bahay. Kailangan lagi siya may kasama. Mahirap na. Baka kung ano pa mangyari sa susunod.
*Toot
Napatingin ako sa phone ko nang may nagtext. Si Jack.
From: Jack
Musta naman nanay mo? Okay na ba siya?Napangiti na lang ako sa text niya. Agad ko naman siya nireplyan.
To: Jack
Okay naman si nanay. Napagod lang daw kaya inatake.Sent!
Tinago ko ang phone ko at tinignan si nanay.
"Anong pakiramdam niyo po ngayon?" Tanong ko.
"Maayos naman. Medyo nahihilo lang ng unti." Sabi ni nanay.
"Pwede na ba natin siya iuwi?" Tanong ko kay Michael.
"Opo. Okay na daw ang kalagayan niya sabi ng nurse." Sabi ni Michael.
Mabuti naman kung ganun.
"Pero, Ate." Tawag sa akin ni Michael kaya tinignan ko siya.
"Hmm?"
"Yung bayad sa hospital." Sabi ni Michael kaya bigla ko naman naisip yun.
Oo nga pala. Hays. Paano ba yan? Mukhang kailangan ko gamitin ang naipon kong pera para kay nanay. Kailangan ko talaga kumuha ng part-time job.
"Ako na bahala. Basta ikaw na muna bahala kay nanay." Sabi ko.
Tumango naman siya.
Buti pala may dala akong pera kahit papano ngayon.
Umalis muna ako para magbayad sa hospital bill ni nanay at para mauwi na din namin siya.
Pagkatapos nun ay bumalik ako sa kanila at umuwi na kaming lahat.
Pagkarating namin sa bahay, gabing gabi na.
Inasikaso ko lang si nanay tapos ay pinatulog ko na siya pati na din si Michael.
Lumabas ako ng bahay pagkatapos para lang magpahangin.
Masyado na din occupied ang utak ko.
"Hays. Ano ba ang gagawin ko?" Sabi ko at pumikit.
"Mama. Papa. Miss ko na po kayo. Bakit po kasi kailangan niyo pa po kaming iwan?" Sabi ko at tinignan ang langit na maraming stars.
Sobrang miss ko na sila. Sa totoo lang, naiinggit ako. Naiinggit ako kila Jack na nandyan ang parehong mama at papa niya kahit na nasa ibang bansa pa ang papa niya. Atleast, buhay at nakakausap nila.
BINABASA MO ANG
Mr Playboy
Novela JuvenilJack Ray Lewis, kilala bilang Mr Playboy sa school. Sino ba hindi makakahulog sa taglay na kagwapuhan meron siya? Halos lahat na ng babae sa school ay napaibig na niya. Kahit mga nerds at NBSB ay napahulog na rin sa kanya. Pero isang araw, may nakil...