Chapter 19

6 1 0
                                    

Chapter 19

Para akong zombie na nag lalakad ngayon papuntang school. Grabe lang kasi talaga ang puyat na ginawa sakin ng lalaking yun! Nag i-i waaaah >__< hindi ko rin nasabi sa sarili ko yung sinabi nya. Feeling ko kasi everytime na maaalala ko yun nag iinet yung mukha ko!

" Mukha kang tanga dyan " si Luis, tinignan ko lang siya ng masama habang palapit sakanya. Kung hindi lang pogi to nabangasan ko na 'to!

" Anong plano natin? " tanong nya na hindi man lang natingin sa akin.

" Pumunta nalang muna tayo sa Mall at dun nalang natin pag-usapan yan pwede? =___= " ang sama talaga ng timpla ng mood ko ngayon. Baka sakanya ko lahat maibuhos to.

Nag lakad sya papunta dun sa motor at kinuha yung isang helmet.

" Tss, sakay " sungit naman nito! Wala rin akong nagawa kundi sumakay nalang din syempre pinauna ko muna siya. Pag sakay ko agad naman ako humawak sa bewang nya, hindi naman ito gaano kahigpitan para mapatingin siya sakin.

" Ano ginagawa mo? "

" Baka humahawak? " haay nako! ano naman po ba ito.

" Wag dyan, sa balikat ko ikaw humawak. Oh helmet " arte naman nito. Kinuha ko na lang yung helmet at isinuot ito. Safety rin to no.

Ilang minuto rin kami sa byahe dahil medyo malayo din yung mall dito sa school. Buti nalang at hindi masyado kainitan. Masaya sana to kung si Troy ang kasama ko este bat ko pala naisip yun? =____=  panget na yun tss.

Nang makarating kami sa mall nag park muna kami buti nalang marami pang space. Bumaba na ako saka nag lakad na bahala siya dyan mag-isa feeling ko kasi walang mangyayari maganda pag kasama ko siya. Ang sama ko no? Hahahah :D

" HOY! PAPASOK KA NG MALL NA MAY HELMET?! "

=________= OK NA EH, OK NA YUNG EKSENA KUNG HINDI KO LANG NAKALIMUTAN TONG HELMET! tss.

Lumakad ako pabalik at saka inalis ang helmet na panira.

" Oh! " iniabot ko sakanya agad naman niya ito tinanggap.

=========

Ilang oras na rin kami nag lilibot dito sa mall para lang mahanap ang mga bibilihin namin. Konti na lang ang hindi namin nabibili siguro kaya ko na mag-isa yun bukas bilihin.Napapagod na din kasi ako pero hindi naman ako makapagreklamo dito sa kasama ko. Mukha kasi siyang nakakatakot ~____~ baka pag nag reklamo ako dyan sigawan lang ako.

Seryoso, moody, walang paki-alam sa iba, tahimik na ewan at makulit minsan ang pagkakakilala ko sakanya so far.

" Gusto mo kumain muna? " ikaw lang naman iniintay ko mag sabi nyan tss

" Sige. Saan tayo? " tanong ko pero yung focus ko nasa harapan pa din.

" hmmm "

" Ah alam ko na! Halika sa taas " hinawakan nya yung kamay ko sabay hila. Ang inet ng kamay nya compare sa kamay ko na malamig. Waaaaah alam kong si Troy ang crush ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Medyo bumilis ang tibok ng puso ko at parang ang sarap sa feeling ng kamay niya O/////O

Erase , Erase , Erase ....

Pagkarating namin sa 2nd floor dumiretso lang kami sa isang restaurant. Siya na din ang nag order para samin, sana masarap yung pinili niya para sa akin huhuhu T___T gutom na gutom na kasi ako.

Isang mahabang katahimikan ang lumalamon sa amin ngayon. Wala rin naman kasi ako masabi since ito ang unang beses namin pagsasama. Nakakainis bakit kasi ni wala man lang music dito sa lugar na to.

He Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon