Wahahah ang ikli pala ng UD ko sa 13 xD sawry po Try ko bumawi dito .. Follow niyo ko sa Instagram wahahah YukiBerry16
Napa-aga UD ko kasi mag rest muna ako :))
Siguro 20chaps lang to haha! So may 6 chaps pa. Not sure pa basta titignan ko kung hanggang saan aabot yung itatype at utak ko dito haha! Emegesh!
Read niyo rin yung ' Best Friend Forever na lang ba? (Short-Story ' ko please? :)
Xxxxxxxxxxx
Chapter 14
Angelica POV
Naalimpungatan ako ng may marinig akong malakas na pag bagsak ng kung anong bagay mula sa ibaba. Tinignan ko ang orasan at alasdos palang ng umaga. Bumaba ako para tignan kung ano yun.
Nagulat na lang ako kasi andito pa si tita mae kasama si mama at parang nag aaway ata sila. Hindi muna ako nag pakita, masama man makinig sa pinag-uusapan ng iba at lalo na sa matatanda pero kinakabahan kasi talaga ako.
' Wag! Wag mo na subukan ipaalala sakin yang pang-yayaring yan! ' -mama
' Pilit mo man hindi alalahanin ang pang-yayaring iyon , maalala mo parin yun! Habang nakikita mo ang peklat na iniwan ng pangyayaring iyon sa balikat ng anak mo! . Pumayag ka na bakit nung mawala ang batang yun ang anak ko ang pumalit ng mawala yung batang yun diba nalungkot ang anak mo? At hindi ba ang anak ko ang nag pasaya sakanya? ' - tita mae , hindi ko maintindihan pero isa lang ang alam ko ako yung anak na tinutukoy ni tita, ako lang naman sa mag kakapatid ang may scar sa likod
Hindi naman ito gaano kalakihan kaya hindi masyado halata.
' Ok na ako ang maka-alala wag lang nya maalala ang lahat! Halos maubos ang pera namin nang panahong iyon para lang ipabura ang ala-ala niya! Para lang hindi masira ang sarili niya nang dahil lang sa batang yun! ' -mama
Namumula sila pareho at nakita ko na may alak sa lamesa sigurado ako lasing lang tong mga to. Nag pakita na ako sa harapan nila baka kung saan pa mapunta ang pag tatalo nila. Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila.
' Ma! ANO B- '
' A-angel ka-kanina ka pa ba dyan? ' mukhang biglang kinabahan si mama at si tita
' Hindi ma, narinig ko lang kasi yung nabagsak kaya ako nagising. Ano bayan ma! Kakabili lang natin ng basong to eeeh! '
' Anak sige na ako na bahala dyan. Matulog ka na ulit '
' Sure ka? ' ganyan kami ni mama parang barkada lang ang turingan minsan. Nag oo lang siya sakin at ako naman sinunod na ang utos umakyat na ko. Bago ako matulog naligo muna ako na iinitan ako masyado tapos idagdag nyo pa yung mga narinig ko kanina may tinatago ba si mama sakin?.
Pag gising ko ang sakit ng ulo ko parang gusto kong iumpog sa sobrang sakit at sinisipon narin ako, mali ata na naligo ako kanina tss , ginawa ko na yung mga ritual na ginagawa ko tuwing umaga at umalis na ng bahay, tulog pa si mama eh tas wala na si tita mae tas si papa ewan ko di ko alam.
School ----
Mukha siguro akong zombie ngayon sa pag lalakad ko, ang aga ko natulog pero ang sakit talaga ng ulo ko parang sasabog na anytime mali talaga na naligo ako eh at idagdag niyo pa tong si troy kanina pa ako kinukulit.
' Angel bakit hindi ka pa kumakain? Tas para kang may sakit inubos mo na yung tissue na binili ko kanikanina lang ' hindi ko lang pinansin ang presensya ni troy na kanina ko pa kasama ata?
Ang sakit talaga ng ulo ko at yung sipon ko tulo ng tulo halos maubos ko na yung isang box ng tissue na binili ni Troy kanina. Hindi na rin ako nag abala hanapin si Cess buti na lang talaga andito sa tabi ko si Troy.
BINABASA MO ANG
He Captured My Heart
Teen Fictionstranger » friend » close friend » best friend » ???? and whats next ?