Chapter 21

15 1 0
                                    

Chapter 21

Angel POV

Na weweirduhan na ako sa mga kilos na ipinapakita sa akin ni Troy this past few days simula nung hinila niya ako sa mall. Nagiging over protective na sya sa akin tapos ang bilis magalit or mag selos. Daig pa nya yung babaeng nireregla grabe!

Alam ko naman sa sarili ko na kinikilig ako sa mga ginagawa nya pero asa siya hindi ako bibigay agad! . Feeling ko nga minsan may gusto na siya sa akin pero basta ang labo nya.

" Angel bakit hindi kayo masyado nag sasama ni Cess? Kaibigan mo siya hindi ba? "

" Busy lang " pansin ko rin yun. Medyo ilap sa akin si Cess ngayon. Hindi ko alam kung may problema ba. Nagiging busy na din kasi ako, ang dami kailangan ireview. Tss

" Angel bakit Angel pangalan mo? " nakapout na saad nya. Hayan na naman siya sa kabaliwan niya. Hindi ko lang sya sinagot kaya nag salita ulit siya. " Hindi tuloy ako maka-isip ng pwedeng pangalan ng love team natin "

" Ako nga Troy tigilan mo ako sa kalandian mo. Yung mga langgam dito oh pati sila nag sisialisan na! " napangiti nalang sya saka humiga. Nasa damuhan kasi kami. Garden ng school namin. Break time namin tapos wala daw kaming next subject. Nakakatamad naman umuwi agad. " Troy sasama ka ba sa special tour bukas? " umupo ulit siya saka humarap sa akin.

" Sasama ako kung sasabihin mo sa akin kung bakit ka nawala bigla " napaka-seryoso ng mukha niya. Hindi pa ako handa para sabihin ang lahat ng nangyayari sa akin ngayon. " Nag bakasyon he-heheh! " ngumiti lang siya, pero alam ko hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Ayaw ko mag sinungalin pero kailangan.

" Tama nag bakasyon ka lang. Ano ba yan bakit ko ba tinanong pa yun. Andito ka naman na sa tabi ko tama na yun. " napahinga nalang ako ng malamin sa sinabi nya. Sorry Troy. " Yung tanong mo pala. Oo sasama ako sa tour bukas. Susunduin nalang kita sa inyo " tumango lang ako bilang sagot.

Sa hindi kalayuan nakita ko ang napaka-pamilyar na mukha.Palapit SYA sa amin. No. No. Bakit ngayon pa?

Nakatingala ako sakanya dahil naka-upo pa rin ako hanggang ngayon " Angel we need to talk " tatayo na sana ako pero bigla ako binigilan ni Troy

" Pwede naman ata mag-usap kayo dito " sana nga ng malaman na lang niya lahat.

" Back off dude. Remember what i've told you before? " tumango lang si Troy saka nag salita " At hindi mang yayari yun "

Nararamdaman ko na ang tensyon sa pagitan nila. Tumayo na ako na ikinabigla naman ni Troy. Ayoko SIYA kausapin pero kailangan. " Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan niyo pero Troy see you tomorrow nalang. Tatapusin ko lang 'to " tumalikod na ako saka nag lakad. Ayoko lumingon baka kasi pag nakita ko ulit si Troy bumalik lang ako.

" Right decision My Angel " kinilabutan ako bigla sa sinabi nya. Nakakadiri, hindi ko maatim na binabanggit nya ang pangalan ko at dinadagdagan pa nya ng MY.

Napadpad lang kami sa likod ng school. Ewan ko ba pag kami ang mag uusap dito lagi kami napapadpad.

" Talk " bigay pahintulot ko sakanya. " Masyado pa maaga para tapusin 'to My Angel "

" Please. Will. You. Stop. Calling. Me My Angel! " ngumiti lang siya saka hahawakan sana ang mukha ko pero agad ko ito tinabig. Pero dahil lalaki siya at mas malakas sa akin hinawakan nya ang magka bilang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay.

Ang diin masyado. Nasasaktan ako. Hindi rin ako makahinga ng maayos " Look at my face My Angel. Para ka na bang tinotorture? "

Magka-mukha lang sila pero they are totally different person.

" Hindi ko kasalanan ang nangyari sakanya. Pinili niya yun dahil ayaw na nya kaya bitawan mo na ako! " pilit ko pa rin tinatanggal ang pagkakahawak niya sa mukha ko. " Sana nga. My Angel pero hindi mo alam ang lahat " this time binitawan na niya ako. Pilit ko hinahabol ang hininga ko para makapag-salita

" Then explain " handa ako makinig kahit natatakot ako malaman ang lahat.

" Na-explain naman na siguro sayo ni Mama kung ano ang dapat mong gawin. Right? " tumango lang ako.

" Pero hindi ka pumayag? " kitang-kita sa mga mata nya ang galit. Gusto makapag-higanti sa kung ano man ang nangyari sa kakambal niya. Kahit naman ako ayoko ang nakita ko noon nawala ako. Sobrang sakit para sa akin lalo na sa magulang niya.

" Angel, sundin mo lang ang gusto namin, tapos na ang lahat. Gumaling lang siya pwede ka na umalis "

" Gumaling lang? Wow huh?! Ano yun lagnat lang, ilang oras lang gagaling na?! Kaso hindi eh! Nacoma yung tao! Taon ang hihintayin natin para hintayin na magising siya! Tapos ano paano ako? Paano naman yung sarili kong buhay? " nangingilid na ang mga luha ko pero hindi ko ito hahayaan kumawala sa mga mata ko. Ayoko ipakita sa taong 'to na mahina ako. Baka isipin niya kaya niya ako paikutin sa mga plano nila.

" Sana naisip nyo rin yan bago nyo gamitin si Chris nung nawala yung Justin na yun " matapos niya sabihin yan, umalis na siya.Wala ako naintindihan sa huli niyang sinabi. Sinong Justin? Bakit parang pamilyar ang pangalan na yun sa akin?

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Nanginginig pa rin ang binti ko hanggang sa napa-upo na lang ako sa sahig.

Chris ano ba 'tong iniwan mong problema. Nadadamay ako.

Pilit kong inayos ang sarili ko bago bumalik sa garden. Nandoon pa din si Troy nakahiga sa damuhan. Kaya nang makalapit ako humiga na lang din ako sa tabi niya.

゜*☆○o。..:**:..。o○☆*゚ ゜*☆○o。..

WALA PA AKONG PASOK HANGGANG FRIDAY HAHAH! PARTEH PARTEH! *-*

PINUTOL KO NA 'TO DAPAT TALAGA MAHABA ANG CHAPTER NA ITO KASO HMMM EWAN KO TRIP KO PUTULIN HAHAHAH!

VOTEEEEEE AND COMMEEEEENT

He Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon