Chapter 20

14 1 0
                                    

Chapter 20 (SIDESTORY)

PRINCESS AYESHA CAUBANG (CESS) POV

Minsan masarap din talaga mapag-isa. Feeling mo ikaw lang ang tao sa mundo. Feeling mo ni-isa wala kang pinoproblema pero hanggang feeling nga lang yun lalo yung huli kong binanggit.

Alam ko sa edad namin marami nang pagsubok ang dadaan pero sabi nga ng matatanda wala pa ito sa kalingkingan ng pinagdaanan nila lalo na kung pag-uusapan ay tungkol sa pag-ibig. Marami pa daw kami pag dadaanan na tao sa buhay namin. Marami pang aalis at bagong dadating.

Dalawang taon din ako naloko ng pag-ibig na yan. Dalawang taon ako nag panggap na masaya ako.

Ako ang nag habol pero sa huli ako rin pala ang talo, maraming oras ang nasayang sa akin kung tutuusin. Imbis na libro ang hawak ko, cellphone ang hawak ko hinihintay na baka sakaling tumawag o mag text man lang siya. Imbis na ang pag-aaral ko ang iniisip ko, puro siya ang iniisip ko kahit na alam ko naman na yung iniisip ko ay hindi ako ang iniisip. Imbis na magpaka-saya ako kasama ang mga kaibigan ko, nakakulong lang ako sa bahay nag iintay na baka sakaling sunduin niya ako.

Lahat nang yan ay nagawa ko dahil lang sa walang kwentang pag-ibig.

Si Kevin ang Ex ko na classmate namin ngayon. Mahigit dalawang taon na rin ang nakakalipas simula noon. Mahirap parin para sa akin na tignan siya ngayon. Bitter na kung bitter pero ganun talaga.

Oras lang naman ang problema namin. Wala nga naman kasi kahit na sino ang pwede mag extend ng oras na meron tayo. Mahirap para sakanya ang unahin ako, mas gusto niya kasi unahin ang mga kaibigan niya at ang sport na kung saan siya kasali. Samantalang ako iniwan ko na lahat-lahat para lang makita siya pero para lang pala sa wala yun.

Sobrang lungkot ko ng mga araw na iyon pero ni isang beses hindi niya ako dinamayan o tinanong kung ok man lang ba ako.

Tama nga sila sa una ka lang bibigyan importansya pero pag nag sawa na sayo basta-basta ka nalang iiwan sa ere at higit sa lahat madali ka na lang din palitan.

Ang Love para lang naman din yan sugal. Walang kasiguraduhan kung mananalo ka ba hanggang sa huli.

Kaya siguro natakot na ako ulit sumugal dyan simula nun isinarado ko na ang puso ko.

Buti pa itong mga isda na nasa harapan ko kahit papaano nagka oras sila para sa isa't-isa.

" Ma'am bibilihin niyo po ba ito? " tanong sa akin ni kuya na nag babantay dito fish area sa grocery nang maiabot ko sakanya ang napili kong isda.

" Hindi kuya ipapahawak ko lang sayo =____= " asar na 'to , agad naman niya iplinastik at nilagyan ng presyo yung isda na binigay ko sakanya at saka ito iniabot sa akin pabalik.

Marami-rami na din ako nagrocery siguro naman wala na ako nakalimutan. Papunta na sana ako sa counter nang may biglang humarang sa cart ko. Mag sosorry sana ako kaso wag nalang.

" Cess " ang boses na yun matagal ko na rin hindi naririnig.

" May kasama ka ba? "

" Kevin pwede ba umalis ka na dyan at mag babayad na ako " hindi siya nakinig sa akin, hinila lang niya ang cart ko kaya nabitawan ko ito. Ngayon siya na ang may kontrol nito.

" Sasamahan na kita " saka siya ngumiti.

" Sana narinig ko mula sayo yan dati baka sakaling natuwa pa ako noon. Pero ngayon hindi na kita kailangan kaya tumabi ka na dyan, ako na " hinila ko pabalik ang cart sa akin. Para nga kaming baliw dito nag aagawan sa cart.

" BABY! andyan ka lang pala hehe. Ooh Hi! :) " napaka-hyper niyang babae kaya naman nakakakuha kami ng atensyon sa iba. Naka lingkis siya sa braso ni Kevin ngayon. Yung reaksyon din naman ni Kevin ay parang nagulat pa pero agad din ito nawala. Nakalahad pa rin ang kamay niya, iniintay na abutin ko ito.

" Alis na ako " pero imbis na mag hello at makipag-kamay sakanya, nag paalam nalang ako, hindi ko na rin inintay na sumagot pa sila kaya nag lakad na ako.

Masyadong makapal ang mukha ni Kevin para ipamukha sa akin na ang dali lang niya ako mapalitan. Baby baby utot nila. Ilang araw ang wala na rin yan.

Matapos ko bayaran lahat ng pinamili ko tinawagan ko lang ang driver ko para kunin ito lahat at ipalagay lahat sa kotse. Gusto ko pa mag libot at sa starbucks ako una dinala ng mga paa ko. Pagka-order ko nag hanap nalang ako ng mauupuan.

Katahimikan lang ang kailangan ko ngayon.

Napatingin naman ako sa salamin kung saan kita ang mga tao sa labas. Nahagip ng mata ko sila Troy na kinakaladkad si Angel at may kasunod pa silang isang lalaki.

Ano nangyayari? Gusto ko man sila sundan pero alam ko hindi dapat ako nangingialam masyado sa buhay ni Angel. Hahayaan ko nalang siya kung ikwekwento ba niya sa akin ito.

Medyo nanginginig pa rin ako. Naramdaman ko ito simula kanina ng makita ko si Kevin. Ang inet din ng mga mata ko. Ba't may luha? Para saan ito?

" Iiyak ka na nga lang sa harap pa ng maraming tao " s-si Luis, kanina pa ba siya na nasa harap ko nakaupo?

Pinunasan ko agad ang mga luha na natulo mula sa mata ko. Nakakahiya kay Luis, hindi ko siya gusto pero gwapo siya kaya pwede na rin.

" Paki mo ba?! " umakto lang ako ng totoo sa harapan niya.

" Tanggapin mo nalang kasi " huh?

" Pinag-sasabi mo dyan? "

" Nag mahal ka dapat ready kang masaktan "

T-teka kahit ako naguguluhan sa pinag sasabi niya. Nakakaasar din pala tong lalaki na 'to. Saltik ata sa utak.

" Ganyan ba talaga pag inlove? Nagiging slow? " napapa-poker-face nalang ako sa mga pinagsasabi niya.

" Ano nga pala pangalan mo? " hindi niya alam pangalan ko pero lakas ng loob niya kausapin ako.

" Princess Ayesha. Cess nalang " hindi naman full name ang tinanong niya kaya pangalan ko lang talaga sinabi ko.

" I like it. Ayesha "

" Cess nga hindi ba? Hindi Ayesha tss "

" Ako ang tatawag kaya wala ka magagawa "

Great =_____=

✿*゚¨゚✎* ✿*゚¨゚✎* ✿*゚¨゚✎* ✿*

Dahil may nagawa pa naman ako na update kaya ayan hahahaha.

Vote and Comment :))))

He Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon