Chapter 17

18 1 0
                                    

Chapter 17

Umuwi ako na basang-basa. Halos wala akong paki-alam sa mga taong kumakausap sakin para lang itanong kung ok lang ba daw ako. Hindi ko alam kung nangangasar ba talaga sila o ano. Nakaka-walangya talaga. ASDFGHJKL!!! Sa itsura kong to mukha ba akong ok?! Huh?! Tss

" Masaya na siya kasama ang asawa niya kaya wag ka ng mang gulo "

" Masaya na siya kasama ang asawa niya kaya wag ka ng mang gulo "

" Masaya na siya kasama ang asawa niya kaya wag ka ng mang gulo "

Langya parang sirang plaka na paulit-ulit nag plaplay sa utak ko yan. Paulit-ulit ko naririnig para bang nag echo. Ang sakit.

Pag pasok ko sa kwarto ko nag babato lang ako ng kung ano-ano kung ano mahagip ng kamay ko ibabato ko. Hindi ako iinom ng alak at mag papakalasing masyado ng gasgas yun.

" TAPOS NA AGAD?! HUH?!! "

" LANGYA NAMAN ANGEL! AKALA KO YUN NA EH! NI WALA KA MAN LANG BINIGAY NA SIGN NA MANG-IIWAN KA PALA! "

" BAKIT KASI IKAW PA?!

" BAKIIIIIT?!! "

BOOOGSH!

Sinuntok ko yung salamin. Nakatingin nalang ako ngayon sa basag na reflection ko doon.

S-sira ka nanaman ba huh? Troy?! Paulit-ulit nalang ba?

===========

Kuya Steve's POV

Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may problema Si Troy. Matagal ko na rin alam ang lahat tungkol sakanila ni Angel.

Bakit ngayon pa? Bakit sya pa? Sa dinamirami ng babae bakit sya pa?

Naawa ako sa kapatid ko walang humpay ang pag babato at kasisigaw nya sa kwarto.

Gusto ko man pumasok pero alam kong dapat nya harapin muna ng mag-isa yun. Alam ko naman hindi nya ako pakikinggan.

" Manang pasukin nyo nalang po after 1hr para sure na tulog na sya nun " sabi ko kay manang at ibinigay ang susi.

Konti nalang troy

=========

Troy POV

" Ok class, may nakakaalam ba kung bakit ilang linggo ng absent si Ms.Nerbis? "

Saktong pagka-tanong ni maam, may pumasok na babaeng na akala mo ay walang teacher sa harapan. Pero kasabay to ng pagka-gulat ko at nang lahat, yung puso ko tumibok na ulit nang napakabilis. Bakit ganito? Ang unfair.

Ilang linggo sayang wala pero ganito ang ipapakita nya? Masaya? Ay oo nga pala kasal na sya. Dapat nga naman pala maging masaya sya.

Dapat masaya din ako pero bakit ganito? Ang sakit, sobrang sakit. Para nga kong babae kung mag emote.

Pero hindi ko talaga maiwasan na isip na kasal na sya. Ganun nalang kadali yun? Tapos na agad lahat?

Naputol lahat ng pag-iisip ko nang mag salita siya.

" ah hehehe, Hi Ma'am! " Bati niya habang kumakaway.

Yung iba namin kamag-aral bakas sa mukha nila ang pagka-gulat dahil sa ipignag-bago nito kahit naman ako ikinagulat ko ang nakita kong pag-babago niya.

Yung dating boyish nyang pananamit ay napalitan ng napaka-garang kasuotan ngayon. Ang mahaba niyang buhok ay ngayon maikli na. Ang dating mukhang inosenteng mukha na walang kung anong pintura ay ngayon napupuno na ito. Isa lang ang hindi nag bago yun ang pagtibok ng puso ko para sa kanya.

He Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon