Chapter 22

2 0 0
                                        

Chapter 22

*flashback*

Gabi na ng maboring ako bigla.Tahimik lang ako nakikinig ng music sa kwarto nang bigla kumatok si Mama.

" Angel mag impake ka ng mga damit mo " naguguluhan ako sa sinabi niya. " Ma, para saan naman po? Aalis po ba tayo? Saan? Hanggang kailan? " sunod-sunod na tanong ko.

" Pupunta tayo sa korea. Wag ka na mag tanong ng kung ano-ano basta gawin mo ang sinasabi ko. Bukas ng hapon anh flight natin. " saka sa lumabas sa kwarto ko. Iniwan akong tulala.

Bakit ano meron sa korea? Oo medyo masaya ako na pupunta kami dun pero parang may mali. Hindi naman ganyan si mama na biglaan nang-aaya. Akala mo napaka lapit lang ng pupuntahan namin. Bakit bukas agad? Paano na yung pasok ko? Ni hindi man lang ba ako makakapag-paalam kila Troy? Tss. Ang dami kong tanong lalo tuloy sumakit ang ulo ko.

Tumayo na ako saka kinuha ang maleta ko na nakatago. Nag umpisa na ako mag hanap ng mga damit na pwede kong magagamit, medyo dinamihan ko na wala kasing sinagot si mama kung hanggang kailan kami doon.

=============

Andito na kami sa bahay na titirahan namin pansamantala dito sa korea. Naka-ayos na din yung mga gamit namin. Hinihintay ko na mag salita si mama ang mag eexplain bakit kami narito. Pero hindi talaga sya nag sasalita kaya ako nalang ang mag tatanong.

" Ma ano ba talaga meron? " tinignan lang nya ko ng malalim.

" Dadalawin na'tin si Chris " huh?

" Pero wala naman dito si Chris nasa pilipinas siya. Naguguluhan na ako ma. Gusto nyo dalawin si Chris schoolmate ko naman siya "

" Yung nakikita at nakakasama mo hindi si Chris yun. Ang kakambal nya yun si Carl "

" So nasaan si Chris? "

" Nasa hospital siya ngayon. Kailangan ka niya Angel ka-kaya pumunta tayo dito. " nahalata ko na nangingilid na ang mga luha niya. Ang dami ko gusto itanong pero ayaw lumabas sa bibig ko. Bakit ako?

" La-last month na aksidente si Chris. Pero hinala nila hindi ito aksidente, pinaniniwalaan nila sinadyan ito ni Chris na ihulog ang kotse niya. Pasalamat na lang at hindi bangin iyun. Nang makita nila si Chris hawak-hawak niya ang litrato m-mo " huminga muna siya ng malalim bago mag salita ulit. " I-ikaw ang sinisisi nila Angel. Simula ng iwan mo si Chris, wala ng nagawang maayos si Chris sa buhay niya. Ang gusto nila mag stay ka sa buhay ni Chris intayin na magising siya. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising Angel. "

Tumayo ako bigla. Ayoko ng makinig.

"A-angel! Makinig ka na-naman " basag na basag na ang boses niya dahil hindi na nya napigilan ang mga luha niya. " Ayoko ma. Ipagawa niyo na ang lahat sa akin wag lang yan "

" Buo na ang disisyon ko Angel. Wala na mag babago doon. Sana maintindihan mo. Bukas na bukas rin pupunta tayong hospital " saka siya umalis. Napaupo nalang ako ulit.

======

Pag punta namin ng hospital medyo nagulat pa din ako sa nakita ko kahit na alam ko na ang nangyari. Masakit din para sa akin na ng yari to sakanya.

Nakahiga lang siya ngayon. Ang daming nakakabit sakanya na kung ano-ano.

" Angel pumayag ka na ba sa gusto namin? " direksyon tanong ni Tita, ang mama ni Troy.

" Hindi. Ayoko, sobra naman po ata yun "

" Mas sobra ang ginawa mo sa anak namin "

" Hindi ko alam ang sinasabi nyo tita. Mag kaibigan kami ni Troy na pilit niyo pinapakasal sa akin dati pero hindi ba siya ang may kasalan kung bakit hindi na tuloy yun? Wala akong ginawang mali. Lumayo lang ako. "

" Pag isipan mo ng mabuti to Angel. Si Chris ang nakasalalay dito. Alam kong mahal mo siya "

" Dati "

" Mamaya ipapakilala ko sayo ang kakambal ni Chris " huh? Nahalata niya ata na medyo nagulat ako.

"Hanggang ngayon ba wala ka pa rin maalala? " nabwubwusit na ako. Ano ba to?!

" Wala. Wala naman dapat ako alalahanin " wala nga ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Captured My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon