Si Kuya lang ang nakikita ko.
Nginitian niya ako.
Tinawag niya ako na lumapit sa kaniya; pero kagaya ng dati, wala pa rin siyang boses
Lumapit ako sa kanya, biglang nagiba ang kaniyang mukha.
Tumakbo siya papalayo sa akin.
Hinabol ko siya, ngunit hindi ko siya naabutan.
“Salamat uli”, paulit-ulit naman ‘tong si Karren.
Nasa loob kami ng aming room sa Philosophy; habang naglelesson si Mr. Cruz, paulit-ulit na nagpapasalamat sa akin si Karren –siguro, dapat na matuwa ako, pero sa kabaliktaran ang aking nararamdaman. Sa totoo nga’y, irritable ako dahil naging instant celebrity ako nung gabing iyon: nagpasalamat sa akin yung mga magulang ni Karren; pinuri ako nung mga pulis sa presinto; ipinatawag yung mga magulang ko…. At di pa roon natatapos ang aking ning ning, kung baga may aftermath pa: yung mga tingin ng mga tao sa corridor; pagacknowledge ng mga professor; at ang pangungulit ni Karren.
“Last na talaga ‘to. Thank you.”
Hindi ako nagsalita.
Ito ang pinakamagandang gawin upang wala ng muling pumansin sa akin, dahil ayaw kong makita ng ibang tao ang lungkot na nakabakas sa aking mga mata.
Tulad ng mga nakaraang lunes, nasa La muralla kami ni Karren.
Hindi ko iniintindi yung mga pinagsasabi niya; sa halip, lumilipad ang akin utak- iniisip ko kung paano ako mamamatay. Kasing saklap ba ng kay Kuya? Siguro yun ang nararapat-MATA sa MATA, NGIPIN sa NGIPIN.
“Piling ko tuloy hindi ako mahal ni Christ-“ , huminto siya, “Sorry, ayaw mo yata nung shinashare ko.”
Napatingin ako sa kaniya, napansin kong malakas ang ihip ng hangin, dahil sa pagsayaw ng kaniyang buhok. Hindi pa rin ako nagsalita.
“Parang bored ka, gusto mo kumain nalang tayo sa SM?” Nginitian niya ako, “My treat, pasasalamat ko na rin para sa kagabi.”
Kalian kaya matatapos ang pasasalamat niya?
Hinatak niya ako ng sapilitan.
Habang nasa escalator kami-patungong foodcourt, biglang nagtanong si Karren, “John nag-kagirlfriend ka na?”
Umiling ako
“Rephrase. Rephrase! Nagkaboyfriend ka na?”
Hindi ako kumibo.
“Joke lang. Ang tahimik mo kasi, eh.”
Pagkarating ng foodcourt umorder kami ng aming pagkain. Matagal tagal rin siguro na walang nagsasalita, nang mapansin ni Karren na walang pagasa na magumpisa ako ng anumang usapin, “John, alam mo ang daya mo!” ,pabiro niyang sinabi. “Hindi naman pwede na give at give lang ako, then ikaw take lang nang take. Tignan mo yung journal ko! dalawa pa lang ang laman!”
Kung alam mo lang na wala pang laman yung journal ko.
Hindi ko alam kung bakit binulaslas ko ang mga salitang ito, “Kung gusto mo tanungin mo ako.”

BINABASA MO ANG
Philosophy 101
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa salitang pag-asa? Si John Lester Fajardo ay isang second year college student na ninakawan ng pag asa ng isang pangyayari sa kanyang kabataan. Matagpuan niya kaya ang pagasang ito o habang buhay siyang magbubulagan sa likod ng...