Palabas na ako ng bahay
“John!”, tawag ni Mama.
Tumingin ako sa kaniya. Pinipilit niyang ngumiti. Sinusubukan niya ring magsalita ngunit hindi niya masabi ang sasabihin niya, “John … “, sinubukan niya ulit.
“Mahal na mahal kita” , sinabi ni mama nang pabulong.
Nauna ako kay Karren sa La muralla.
Wala pa rin gaanong tao kung kaya’t linubos lubos ko na ang katahimikan. Tumayo ako, at tumungo sa may bingit ng pader. Itinaas ko ang aking mga kamay at ipinanatay sa aking mga balikat.
Ihahakbang ko na ang isa sa aking mga paa.
May humatak ng uniform ko, “John anong ginagawa mo!”
Si Karren.
Malalim ang paghinga niya.
Humarap ako sa kaniya. Hindi ko mawari kung galit o takot ang ekspresyon ng kaniyang mukha, “Ano bang ginagawa mo!”
Nginitian ko lamang siya.
Hinawakan niya ako sa aking mga kamay. Hinatak niya ako hanggang makarating kami sa baba ng La muralla. Umupo kami sa gilid ng kalsada , “Natakot ako sayo, John.”
Tumingin ako sa malayo.
“Ano bang nasa isip mo?”, tanong ni Karren.
Hindi ako sumagot.
“John!”, sag alit na tono, “Kala ko ba sasagutin mo lahat ng tanong ko!”
“Wala, Karren”
“Anong wala! Tatalon ka ng walng dahilan?”
Hindi pa rin ako sumagot.
Dinugtong ni Karren, “John, kung may problema, sabihin mo sa akin, kaibigan mo ako!”
Anong magagawa ng ibang tao sa problema ko? Kahit sabihin ko sa kaniya, maayos pa ba? Habang buhay kong pagsisishan ang aking kahapon, dahil may mga bagay bagay sa mundo na hindi na maayos.
Bago pumasok ng classroom, nagsalita si Karren. “John. We’re fair already. Linigtas mo ako, iniligtas kita” , ngumita siya.
Paano kami magiging kwits?; eh, miserable ang aking buhay.
Pagkauwi ko sa bahay, ang unang tumambas sa akin ay si Mama.
Si Mama ay nakaupo sa sofa, hawak hawak ang litrato namin nina ate at kuya. Sa may sahig, ay may nakakalat na mga picture album. Siguro naglilinis si Mama.
Napansin kong nakangiti ako sa litrato. Malayong-malayo sa mukha ko ngayon na laging nakasimangot. Hindi ko maalala ang ganoong pakiramdam, kung papaano maging masaya.
Hindi ako napansin ni Mama kung kaya’t dahan dahan akong pumunta sa aking kwarto.
Bago ko isara ang pinto, nakita ko ang luhang nabubuo sa mata ni mama.
Kami lang ang natira ni Ate sa bahay.
Naggrocery si Mama.

BINABASA MO ANG
Philosophy 101
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa salitang pag-asa? Si John Lester Fajardo ay isang second year college student na ninakawan ng pag asa ng isang pangyayari sa kanyang kabataan. Matagpuan niya kaya ang pagasang ito o habang buhay siyang magbubulagan sa likod ng...