Gumising ako sa kadiliman.
Wala akong makita.
Paulit ulit lang akong nagigising sa kadiliman. Noong, una, napakalabo ng aking pandinig- hindi ko maintindihan ang aking mga naririnig. Pero, kinalaunan luminaw ito nang luminaw.
May naririnig akong humehele.
“Gising na bunso.
Sisikat na ang araw.
Gising na bunso.
Maglalaro tayo ni inang.
Oh, mahal na bunso.
Mahal na mahal ka ni inang.”
Alam kong umiiyak si mama habang inaawit niya ito. Bigla ko tuloy naalala yung araw na inisip ko kung kalian ko huling naramdaman na may nagmamahal sa akin. Ngayon alam ko na, ito ay ang araw na huling inawit sa akin ni mama ang awit na ito.
Bago mamatay si kuya.
“John, pakingan mo yung pamangkin mo, si John.”, malungkot na sinabi ni ate. Puro dilim pa rin ang aking naaaninag, “Alam mo bang pinangalan ko siya sayo..
“John, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita…
“Nawala na si kuya, ayokong mawala ka rin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung mawawalan pa ako ng isa pang kapatid…
“Alam mo ang sama sama ko…naiintindihan na kita. Alam ko na yung pakiramdam na sinisisi mo yung sarili mo sa pagkamatay ng yong kapatid.”, humagulgol si ate. Ilang beses niya na itong ginawa mula nang kadiliman na lang ang aking nakikita, hindi ko man masabi. Napatawad ko na siya.
“Alam mo kung anong nararamdaman ko ngayon, piling ko unti unting linalamon ng konsensya ang aking katawan…
“John, wag mo muna akong iiwan. Kailangan kita.”
Noong una, marami akong boses na naririnig tuwing dinadalaw ako ng aking mga kaklase. Habang tumatagal, paunti ng paunti ang mga boses. Ikinagulat ko pa nga ng may narinig akong boses ng lalaki.
“Ba’t ba ayaw mong tanggapin…Malapit nang matigok yang si John.”
Galit na isinigaw ni Karren, “Hindi totoo yan! Bawiin mo yung sinabi mo, bawiin mo!”, naririnig ko din yung tunog ng mga palo. Balat sa balat. Bawiin mo yan.
“Tama na yan Karren”, sigurado akong si Clarissa yun. Regular si Karren, Jessica, at Clarissa na dumadalaw sa akin.
“Bastos kasi yang boyfriend mo.”
“Bastos? Totoo naman yung sinasabi ko. Himala na nga na nabuhay yang si John pagkatapos tangalin yung bala sa ulo niya. Totoo yun.”
“Hindi!”, lalong nagpuyos si Karren. “Lumayas ka dito, lumayas-“
Tunog ng kalampag.
Pagdilat ko, naririnig ko pa rin ang boses nila Karren. Ilang oras na kaya ang lumpas? Isa? Dalawa? Lima?
“John”, masayang sinabi ni Karren-hindi na mainit ang ulo niya.

BINABASA MO ANG
Philosophy 101
Novela JuvenilNaniniwala ba kayo sa salitang pag-asa? Si John Lester Fajardo ay isang second year college student na ninakawan ng pag asa ng isang pangyayari sa kanyang kabataan. Matagpuan niya kaya ang pagasang ito o habang buhay siyang magbubulagan sa likod ng...