Tapos na ang klase namin sa philo, nagmamadali akong lumabas ng classroom para mataguan si Karren; nang makababa ako ng ilang palapag, naaninag ng aking paningin si Karrren- na tumatakbo upang masundan ako.
Bakit ba ang kulit niya?
Hindi ako nagtagumpay sa aking balak, hanggang paglabas ko ng gate ng aking eskwelahan, nakabuntot pa rin si Karren sa aking likuran.
“John, gawin na natin yung philo”, malakas na tawag ni Karren. Pinantayan niya ang aking paglalakad ngunit hindi ko pa rin siya pinansin-hindi ako sumagot, dirediretso lamang ako sa paglalakad.
“Gusto mo sa may walls tayo”, sinuggest ni Karren.
Bigla niya akong hinatak patungo sa La Muralla nung napansin niyang wala pa rin akong balak na kibuin siya. Napilitan tuloy akong sumunod dahil baka masira ang aking uniporme.
Nang makarating kami sa tuktok ng walls, naghanap si Karren ng malinis na lugar upang aming upuan. Nang makahanap siya, sumagi sa aking isipan na takasan siya; pero naunahan niya ako, “John upo ka na.”
Hindi ko alam bakit ako umupo sa tabi niya.
“Game, ikaw una.”
Hindi ako umimik.
“Okay, ako na nga lang. Sungit!”, sinabi ni Karren habang kumukuha siya ng notebook at ballpen sa kaniyang bag, “well, galling ako sa broken family. Si papa lang ang kasama ko…
Hinayaan ko lamang siyang patuloy na magsalita, hindi ako nakikinig sa mga pinagsasasabi niya.
Napansin siguro ni Karren na hindi ako interesado sa kwinekwento niya kaya siya huminto, kaniyang sinabi, “Uhmmmm…Ikaw, may gusto ka bang sabihin tungkol sayong pamilya?”
Tinitigan niya ako sa mata.
“John”, binulaslas ni Karren ang aking pangalan ng may diin nung hindi ako sumagot.
Siguro naawa ako kay Karren dahil para siyang baliw na kumakausap sa hangin, kung kaya’t aking sinabi, “Normal.”
Ngumiti siya pagkatapos kong magsalita.
Biglang may tubig na pumatak sa aking batok, doon ko napansin na naguumpisa nang umambon. Itinapat ni Karren ang kaniyang kanang kamay sa patak ng ulan, kaniyang sinabi, “umuulan.”
Kinalikot ni Karren ang kaniyang bag, “Shit! Wala akong dalang payong.” Ipinasok niya rin yung kaniyang notebook at ball pen sa loob ng kaniyang bag.
Lumakas lalo yung ambon, “Balik na tayong iskul”, sabi ni Karren.
Tumayo na si Karren, papabayaan ko na sana siyang humiwalay sa akin, ito na ang pagkakataon kong tumakas, pero hinintay niya ako tumayo bago siya magumpisang lumakad pabalik ng aming eskwelahan.
Basang basa siya. Naawa tuloy ako.
Kinuha ko yung payong ko sa aking bag.
Naghati kami sa payong pabalik ng PLM.
Madaling araw na, pero nanunuod pa rin ako ng telebisyon sa sala; nanunuod ako, ngunit hindi ko iniintindi yung palabas-gusto ko lang gawing abala ang aking utak upang hindi ako magisip ng mga bagay bagay na hindi ko naman nararapat isipin.

BINABASA MO ANG
Philosophy 101
Fiksi RemajaNaniniwala ba kayo sa salitang pag-asa? Si John Lester Fajardo ay isang second year college student na ninakawan ng pag asa ng isang pangyayari sa kanyang kabataan. Matagpuan niya kaya ang pagasang ito o habang buhay siyang magbubulagan sa likod ng...