Ikawalong Kabanata

54 0 0
                                        

“Walang hiya ka!”, sinampal ni Papa si Ate, “Sinong ama niyang bata!”, inumpog niya si Ate sa pader ng dalawang beses. Nagpumiglas si Ate na alisin yung kamay ni Papa sa braso niya, nang magawa niya iyon lumuhod siya.

            Hinatak ni Papa ang buhok ni Ate. “Rodel, tama na!”, pagmamakaawa ni mama.

            “Huwag kang makailam!”, patuloy ang pagsabunot ni papa kay ate. “Sinong ama niyang dinadala mo!”, sabi ni papa habang dinuduro si ate.

            Nagumpisang humagulgol si ate.

            Ibang-iba ang nakita ko sa mukha ni ate habang siya ay umiiyak. Bakas na bakas sa mukha niya yung takot-na ngayon ko lamang nakita. Nasira ang kaniyang maskara. Hindi ko maaninag yung galit na bahagi na ng kaniyang pagkatao.

            “Sino?”, patuloy si papa sa pagtatanong

            Lalong humagulgol si ate, “Ri..ri…rinape ako.”

            Napatitig ako sa kaniya. Gusto ko siyang yakapin, at patahanin. Gusto kong patayin yung rumape sa kaniya. Ayaw ko kasing nasasaktan siya, dahil nakita ko na siyang nasaktan noon, noong namatay si kuya.

            Sa galit ni papa, sinuntok niya yung pader. Nasira yung semento.

            Madaling araw na, at naglalakad ako magisa.

            Gusto kong tanungin ang Panginoon kung mahal niya ako. Kung oo, bakit ginagawa niyang miserable ang buhay ko. Hindi pa ba sapat lahat ng nangyari sa akin upang pagbayaran ko ang pagkamatay ni kuya?

            Nagkaroon na ng direksiyon ang buhay ko, pero bakit ganun? Parang hinihikayat pa ng Diyos na tumaliwas ako sa kaniya. Sana totoo yung sinasabi ni Karren na sinusubukan lang ng Panginoon ang pananampalataya ng tao.

            Huling araw na ng parusa namin sa La muralla.

Nasa may bandang Letran kami naglilinis, walang tao-na nagpapanatag sa loob ko. Ayoko ng ingay sa ngayon, dahil ang bigat ng aking pakiramdam. Gusto ko itong ilabas, piling ko sasabog ako, dahil sasabog ako.

            Pinikit ko ang aking mga mata.

            Hindi ko namalayang sumisigaw na pala ako.

            Inulit ko pa ng ilang beses. Maraming beses.

            Pagod na pagod na ako. Gusto kong maglaho kahit saglitan lamang, para makaramdam ako ng kahit katiting na kapayapaan. Sumigaw pa ako.

            Paulit ulit ko itong ginawa hanggang sumakit ang aking lalamunan, pero hindi gumaan ang aking loob. Idinilat ko ang aking mga mata. Nakatitig sa akin si Karren, para bang alalang alala siya. Nararamdaman kong basa ang aking mukha.

            “Ayos ka lang, John?”

            Inakap ako ni Karren, at itinuloy ko ang aking pag-iyak

            Linock ko ang pintuan ng aking kwarto.

            Binuksan ko ang aking bag, kinuha ko yung San Miguel Gin na binili ko sa Mercury Drug. Hindi ko alam kung bakit ko ito naisipang gawin. Eh, kahit isang beses, hindi pa ako nakakainom ng alak, kahit nga tikim hindi ko pa nagawa. Siguro nakuha ko ang ideyang ito kay ate.

            Ginamit ko ang aking ngipin upang tanggalin yung cap ng gin.

            Nang nabuksan ko yung bote, bahagyang natangal ang aking ipin.

            Nalalasahan ko yung dugo habang sinusubukan kong tangalin nang tuluyan yung ipin. Hindi ko pinansin ang hapdi. Gusto ko lang mairaos ito. Ininom ko yung gin.

            Lagok.

            Dumaan sa dila ko yung gin, nawala ang malakalawang lasa ng dugo.

            Hindi ko kinaya ang unang lagok. Gumuhit sa lalamunan ko yung gin. Parang sinusunog ang aking lalamunan sa init.

            Ininom ko ulit, at tinuloy tuloy hanggang hindi pa nauubos.

            Naginit ang aking katawan. Nawalan ako ng malay.

            Hindi ako nakapasok.

            Ako lamang ang natira sa bahay. Inaayos nila mama at papa yung mga requirements upang makapagbukas ng kaso. Ayoko ang takbo ng isip ko ngayon- patungong katotohanan. Mas gusto kong nababalot ito ng maling pagasa.

            Biglang tumunog yung cellphone ko. May nagtext.

            Binasa ko.

Bakit hndi ka pumsok?

Ok ka lng?

John, bati na nga pla kmi ni papa.

            Buti pa siya.

            Hindi pa ako nakakapasok ng aming classrrom, pero nakita ko na si Christian na kinakausap si Karren-siya ay nakatalikod kung kaya’t hindi niya ako napansin. Wala ring tao maliban sa kanila. Nagkatinginan kami ni Christian, ngunit ng binalik niya ang titig niya kay Karren, hindi pa rin lumingon si Karren. Sa aking palagay, hindi niya sinabi kay Karren na nasa likuran nila ako.

            Tinuloy nila ang kanilang paguusap. Masyadong mahina, kung kaya’t hindi ko marinig.

            Linagay ni Christian ang kaniyang kamay sa pisngi ni Karren. Yumuko si Karren.

            Umalis ako, at bumaba sa ground floor. Tulad ng inakala ko, ang kaligayahang nararamdaman ko ay panandalian lamang, dahil sa oras na magkabalikan si Karren at si Christian, ay mawawalan na ako ng kakampi. Mawawalan ako ng kaibigan.

            Nagyaya si Karren na manuod ng sine.

            Hindi siya nagsalita sa buong oras na rumurolyo ang pelikula. Halatang nagiisip siya, dahil siya ay balisa. Piling ko nga’y hindi niya naiintindihan ang pinapanuod namin. Ito ang unang beses na nakita ko siyang nagkaganito. Ano kayang iniisip niya? Mas malala kaya sa aking dala dala?

            Lumabas kami ng sine nang may namukaan ako sa mga taong kasabay naming maglakad palabas.

            Nagkatinginan kami sa mata.

            Halatang nagulat siya.

            May kasama siyang babae, na inosente sa nagaganap sa pagitan ko at sa aking ama. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko- kung magagalit o malulungkot ako sa aking nakita.

            Nagmatigas yung mama. Umasta nang para bang wala siyang nakita.

            Kasama niya kasi si Arce.

            Kami ang nitira ni papa sa sala.

            “ ’nak yung kanina”, nahihiyang sinabi niya, hindi siya makatingin ng diretso sa aking mga mata, “pwedeng wag mo nang sabihin kay mama.”

            Hindi ko alam kung bakit ako umoo.

            “Alam mo naman, na minsan, pag malungkot tayo…uhhhmmm. Kailangan natin ng nagpapasaya sa atin.”

            Naiinis ako, hindi kay papa, kundi sa aking sarili. Kung hindi ko pinatay si kuya, tiyak na hindi mangbababae si papa. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ako ang dapat sisihin, dahil umpisa pa lamang, ako ang nagkamali.

            Kung may dapat parusahan ang Diyos,

            Ako dapat.  

Philosophy 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon