Ikaanim na Kabanata

47 1 0
                                        

Si kuya lang ang nakikita ko.

            Nginitian niya ako.

            Tinawag niya ako na lumapit sa kanya; tulad ng dati, wala pa ring boses.

            Lumapit ako sa kaniya.

            Nagbago muli ang kaniyang mukha.

            Tumakbo siya papalayo sa akin.

            Hinabol ko siya; nadapa ana naman ako.

            Pero hindi ko inalis ang titig ko sa kaniya.

            Tumayo ako.

            Pinagpatuloy ko ang aking paghahabol.

            Hindi ako huminto kahit naglalaho siya.

            Hanggang nahati yung daan sa dalawa.

            Kaliwa at Kanan.

            Nagpadalos dalos ako sa pagiisip

            Dumiretso ako sa kaliwa.

            Biglang dumilim ang daan.

            Pagkabangon ko, napaisip ako kung bakit patuloy kong napapaniginipan yung panaginip na yaon. Anong nais sabihin ni kuya? Hindi ko maiisip.

            Kung ano man iyon, ayokong malaman, dahil hindi ko magugustuhan ang aking maaring gawin.

            “John, hiniwalayan ko na si Christian.”, sabi ni Karren sa malungkot na tono.

            Nasa La muralla kami ni Karren, nagbabahagi siya para sa journal. Hindi ko alam ang aking isasagot, wala naman kasi akong pakialam sa kaniyang relasyon; ngunit, may tanong na nabuo sa aking isip, Kaya ba ako sinapak ni Christian dahil hiniwalayan siya ni Karren? Iniisip niya kaya may relasyon kami?

            Hindi ko na lang ito pinansin.

            Tinignan ako ni Karren, pinagmamasdan ang aking reaksyon. Nang wala siyang makita, siya ay umiling at itinuloy, “Hindi ko kasi maramdaman na mahal niya ako. It’s like ginagamit lang ako ni Christian para masabing may girlfriend siya.”

            Patuloy ang pagtitig ko sa kaniya, wala pa rin akong masambit. Sana matapos na ang araw na ito. Gusto ko nang umuwi. Pero hindi tulad dati na gusto kong umuwi dahil ayokong makipagusap kay Karren; ngayon, gusto kong umuwi dahil pagod na ako- literal na pagod.

            Gabi na ako nakauwi.Nagyaya kasi si Karren sa Mcdo.

            Pagbukas ko ng pintuan.

            “Lagi ka nalang umaga umuuwi!”, bulyaw ni Papa kay Ate. “E di bale kunglalaki ka!”

            Tinignan ko si Ate, nakapan-galis siya – lagi siyang umaalis nang gabi at umuuwi ng lasing tuwing umaga.

            Sinagot ni Ate si Papa, “Pakialam mo ba!”

            “Bastos kang bata ka!”, tinampal ni Papa si Ate.

            Natulala si Ate; pumagitna si Mama sa kanilang dalawa, “tama na yan”, habang inilayo ni Mama si Ate kay Papa.

            “Kaya nasasanay yang anak mong yan sagutsagutin ka, masyado ka kasing mabait!”

            Nagsalita ulit si Ate, “mama aalis na ako.” Nagpumiglas si Ate na makwala sa akap ni Mama. Nang nagawa niya, nagumpisa siyang maglakad patungo sa pintuan. Hinatak ni Papa si Ate.

            “Walang hiya kang bata ka!”, Galit na isinigaw ni Papa.

            “Ako pa walng hiya ngayon? Ano ba pakialam mo, pera ko naman ang lulustayin ko.”

            “Nagkatrabaho ka lang piling mo sino ka na.”

            “Bitawan mo ako!”, inaalis ni ate ang kapit ni Papa.

            Hindi ko alam kung anong nagudyok kay Papa, nagulat na lamang ako nang biglang kaladkarin ni Papa si Ate paakyat ng hagdan. Pilit itong linalabanan ni Ate – rinig na rinig ko ang bawat dabog na likha ng kaniyang paa. Si mama naman ay inaawat si Papa.

            Napadaan ng tingin sa akin si Ate. Umiiyak siya.

            Ano ba ang dapat kong gawin?

            Papasok  na ako ng aking klase.

            Nang madaanan ko yung chapel, , naisipan kong magdasal. Matagal tagal ko na rin itong hindi ginagawa -  dahil sa pagiging agnostiko ko. Kung tutuusin nga’y, tuwing nagsisimba ako kapag Linggo, hindi ako nakatuon sa pagdarasal. Lumilipad lamang ang aking isipan.

            Pumasok ako ng chapel.

            Nagtaasan ang aking mga balahibo; napakainit ng aking pakiramdam

            Siguro may katotohanan sa kasibihang, “If you open your hearts, you’ll see the light”, dahil nararamdaman ko na ang presensya ng Panginoon. Kung tutuusin pala, mula simula, ako ay tama. Totoo ang pagasa kong nararamdaman, hindi na lamang naging bukas ang aking puso upang tanggapin ito.

            Pinikit ko ang aking mata at nagpasalamat, dahil alam ko sa aking pagdilat ay mayroon akong nagong buhay.

            Nakaupo ako sa aking study table.

            Wala akong magawa, at nang maligaw ang aking paningin sa isang notebook, naisip ko ng simulant ang bagay na dapat noon ko pa sinumulan.

            Kinuha ko yung notebook, kumuha ng ballpen. Nagumpisang sumulat.

            Lahat ng tao ay naghahanap ng pagmamahal, isa si Karren.

            Ilang buwan din ang lumipas na kasama ko si Karren; ngunit hindi sa kinalaunan ay nagkaayos din sila ni Jessica. Hindi tulad nang iniisip ko, sa akin pa rin sumasabay si Karren. Ayoko man aminin, pero ikinasaya ko yaon, dahil ayokong magisa.

            Natatakot ako dahil baka panghinaan ako ng loob – na iniiwasan kong mangyayari, dahil unti unti kong pinupunan ang puwang sa aking pagkatao na nabuo noong hindi ko pa alam ang kabuluhan ng buhay.

            Laging sinasabi ni Karren na “Live your Life”, masyado raw kasi akong passive. Sinusibukan kong sundin ang payo niya, ngunit sa panahong ito, ang KAILANGAN KO AY SIYA.

Philosophy 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon