Prologo

322 2 1
                                    

Tandang tanda ko nung ako’y walong taong gulang pa lamang ang pangyayaring bumago sa aking buhay. Hindi ko ito malilimutan, kahit wala pa akong isip noon- nagwawala ako sa Kenny Rogers dahil gusto ko ng Royal Tru Orange kaysa sa Pepsi na inorder ni mama at papa.

            “Bwisit naman!”, winika ni ate.

            “Sige, ma ako na ang bibili”, nginitian ako ni kuya. Ang huling ngiti na nakita ko sa kanyang mukha.

            “Kaya yan nasasanay ng ganyan eh!”, bwisit na bwisit si ate.

            “Jerrhianne!”, saway ni mama.

            Tumayo si kuya at lumabas ng restawrant ng walang reklamo, sobrang akong natuwa dahil mabibili na ang Royal na gustong gusto ko. Tumigil ako sa pagwawala.

            Mga minuto rin ang lumipas nang biglang may sumabog na nasundan ng pagyanig ng lupa. Nataranta yung mga tao sa aking paligid, kasama na rin si mama at si papa, na tumungo sa labas ng restawrant. Sinunod ko ang aking tingin sa direksyon ng mga tao, buti na lang salamin ang pader ng Kenny Rogers. Kitang kita ko saan sila pumunta- pinapalibutan nila yung butas na bahagi sa gitna ng mall kung saan mo matatanaw yung lower ground floor. Nasa upper ground floor kami.

            Sumunod ang mga sirena ng firetruck at ambulansiya.

            Namatay si kuya sa suicide bombing.

Philosophy 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon