Nakaupo ako sa sala, nagbabasa ng libro; sa isang sofa, nakaupo si ate na nanunuod ng telebisyon. Simula namatay si kuya, hindi na ako kinibo ni ate.
Ako ang sinisisi niya, sino pa ba?
Si kuya at si ate, noong bata pa man ako, ay close na; kung kaya’y, siya ang pinakanaapektuhan nung namatay si kuya. Naalala ko pa na kamuntikan niya akong saksakin habang ako’y natutulog, buti na lang napigilan siya ni papa.
Hindi lang si ate ang naapektuhan: si mama ay naging malungkutin- nawala na ang ngiti na lagi kong nakikita sa kaniyang mga labi noong ako ay bata pa, si papa naman ay napapadalas ang hindi pag uwi sa bahay.
Kasalanan ko itong lahat.
May mga oras ding nais kong magpakamatay dahil kasalanan ko naman itong lahat-karapat dapat lang akong magdusa; kung hindi siguro ako naginarte noon, siguro buhay pa si kuya ngayon. Siguro masaya kaming lahat. Siguro propesor na siya ng Biology- siya rin ang dahilan kung bakit B.S. Biology ang kinukuha ko ngayon dahil gusto kong mabuhay ang diwa niya.
Sa aking katawan!
Tuwing magkasama kami ni ate, ako ang unang sumusuko sa matinding katahimikan; kaya umalis ako ng sala at tumungo sa aking kwarto.
Dumeretso ako sa salamin, tinignan ko ang aking mukha- mukha na akong matanda. Malungkot ang aking mga mapungay na mata, nakasimangot ang aking mga labi; kabaliktaran ng aking kuya.
Sabi nila na pinagbiyak na bato kami ni kuya: mula sa mata, katamtamang ilong, at maliit na labi na bumagay sa aming mapangang mukha. Katamtaman din ang taas naming, hindi rin naman kami maputi o maiitim. Mamula mula kami.
Humiga ako sa kama, sinubukan kong matulog. SANA’Y HINDI NA AKO MAGISING.
Nagaalmusal kami, ang tanging naririnig lamang ay ang tunog ng mga kubyertos habang kumikiskis ang mga ito sa mga plato.
Nagsalita si mama, “Ang bilis ng panahon”, sa malungkot na tono, “second year college rin noon si Rudolf…”, bigla siyang huminto. Piling ko na ako yung kinakausap niya dahil second year college ako ngayon.
“Ng ano, mama?”, galit na siningit ni ate, “Nang pinatay niyang ni John si Kuya Rudolf?!” Tinignan niya ako ng masama.
“Tama na yan!”, saway ni papa. Yumuko na lamang ako.
Dinabog ni ate ang kaniyang mga kamay sa lamesa, sabay ng kaniyang pagtayo. Sinagot niya si papa, “Ba’t ba hindi niyo maamin sa sarili ninyo!”, dinuro ako ni ate, kaniyang idinugtong, “na pinatay niyang magaling niyong anak si kuya!”
Nagtitigan si ate at si papa nang masama; makalipas ang ilang segundo, nag walkout si ate. Dinig na dinig ko nang dinabog ni ate ang pintuan ng kaniyang kwarto.
Tinignan ko si mama, na nakatitig sa akin. Sinubukan ko siyang ngitian. Sinubukan din niya, pero hindi niya nagawa.
Tumulo ang luha niya.
Unang klase ko ang Philosophy ngayong semester na ito; hindi ko alam kung anong trip ng aking propesor kung bakit nagustuhan niyang magpakilala kami isa isa sa harap. Magsasabi rin kami ng bagay bagay na unique sa aming sarili. Buti nalang ay hindi pa ako natatawag.

BINABASA MO ANG
Philosophy 101
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa salitang pag-asa? Si John Lester Fajardo ay isang second year college student na ninakawan ng pag asa ng isang pangyayari sa kanyang kabataan. Matagpuan niya kaya ang pagasang ito o habang buhay siyang magbubulagan sa likod ng...