After 2 years.
"Ano ba 'yan, Laine! Nakakainis talaga e. Bakit ba ganun kayo'ng mga babae? Ang hihilig niyo'ng mag-tantrums! Di'ba isang beses lang naman kayo sa isang buwan kung datnan? E bakit si Celia parang linggo-linggo." Natatawa na lang kami ni Lance sa pinag-sasabi ni Robi. 2 years na since nung kinasal kami. At 3 buwan na sila Robi at Celia. Oo tama. Yung dalawang bestfriend ko ang nagkatuluyan.
"Ano'ng klaseng kaibigan kayo? Porket mag-asawa na kayo e pagtutulungan niyo na ko? Ikaw, Laine? Bestfriend mo ko di'ba? Bakit mas kampi ka pa ata dun kay Celia? Ano ba?! Sagutin niyo naman ako o!" Parang bata na nagwawala si Robi. Hahaha!
"Bi. Bestfriend ko pa rin si Celia, remember? At mas nauna ko siyang nakilala kesa sa'yo." Tapos ngumiti ng malaki sa'kanya. Sunod naman na lumapit sa'kanya si Lance.
Ti-nap siya nito sa balikat at sinabing, "Pagtiisan mo na lang, Pre. Tingnan mo bestfriend mo. Ilang beses ba nagdrama 'yan? Di'ba hindi mabilang? Pero ano ngayon sa huli? Di pa rin nakatiis. O di'ba? Ganun lang 'yun pare." Tapos nag-apir naman silang dalawa.
"Hay nako. Ewan ko sa'inyo!" Lumayo naman ako sakanila.
Nakita ko naman si Mommy at lumapit ako sakanya.
"Ano na naman ang pinagkakasunduan ng dalawang 'yan?"
"Nako Ma, ewan ko ba sakanila. You know boys are. Now, give me my baby." Tapos nun pinabuhat naman sa'akin ni mama si baby.
Yes. Baby. She's 11 months old now. And her name was...
"Ohh! My baby Mila was here." Mila. :) Tho it's my nickname, napag-isipan rin namin 'yon dahil sa names namin. MIara at LAnce. Kaya Mila. Binigay ko naman sakanya si Baby at lumapit rin si Robi.
"Hello Baby Mila Rocel!!" Second name ang Rocel. For Robi and Celia. Syempre. Bestfriends ko sila eh. Pero di ko akalain na sila pala magkakatuluyan sa istoryang ito! Hahaha!
"Ang ganda talaga ng baby ko. Kamukha ng mommy niya." Tapos ngumiti naman si Lance sa'akin.
"Hay nako. Nambola ang daddy." Sabi ko na lang at tumawa kaming lahat.
Maya-maya dumating si Celia at may dalang two boxes of Pizza! Wow lang! Pam-peace offering daw niya kay Robi. Nung una ayaw ni Robi pero di niya natiis. Hahaha! Ang tatanda na ng mga 'to pero ganyan pa rin kung umasta!
Umalis na si Mommy papuntang office. Ako naman di pa ko bumabalik ng office kasi naging maselan ang pagbubuntis ko kay Mila. Kaya may 1 year pa ko. Nakangiti ako sakanila. Nagke-kwentuhan kaming lahat nang nakaramdam ako ng pagpapaliktad ng sikmura ko. I feel like throwing up kaya pumunta agad ako ng banyo at dun isinuka ang lahat.
Sinundan naman ako ni Lance at inalo ang likod ko. Maya-maya tinanong niya ko.
"Mommy. Tell me. Are you pregnant?" Nakatingin lang siya sa'akin. Tapos ngumiti ako.
"2 weeks." Sabi ko na lang. Oo. 2 weeks pregnant na raw ako sabi ng OB ko. Nilihim ko muna sa'kanila kasi balak ko sanang i-surprise this coming birthday ni Lance. Pero ayun. Nabuking tuloy ako.
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Isu-surprise ko sana kayo. Sa birthday mo. E kasi!! Wrong timing naman!" Niyakap naman niya ko. Tapos ramdam ko ang pag-ngiti ko.
"I'm so glad. That I'm gonna be a dad again. I love you, mommy!" Sabi niya kaya napangiti ako at sinabing..
"I love you too, daddy."
And then his lips touched mine.
- END -
A/N: Thank you kung may nagbasa man 'till the end!
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig<3
RomantikSi Miara. Ang babaeng nagmahal sa isang lalaking hindi maaaring mapasakanya. Ito rin ang nagsilbing FIRST LOVE niya. Magiging happy ending kaya ang lovelife niya?