"Lance,
GUSTO KITA. Mahal na nga kita eh. Sorry huh! Weird na kasi to'ng nararamdaman ko. Kaya nasabi ko na. Gusto kita Lance. Gustung-gusto kita. Simula nung una pa lamang tayong nagkita."
"Miara?"
Kinabahan ako bigla nang magsalita si Lance.
"Lance? Bakit? Galit ka ba?" Sabi ko.
"Hindi ah. Sa totoo lang. Gusto din naman kita e."
Gusto din naman kita e.
Gusto din naman kita e.
Gusto din naman kita e.
Uwaaaaa. Tama ba yung narinig ko? Gusto din ako ni Lance? Gusto din ako ng taong pinakagusto ko? Kill me now! Kill me now! Uwaaa. Uwaa.
"Miara? Andyan ka pa ba?" Sabi niya.
"Oo Lance. A-andito l-ang a-ko." Syet. Nauutal ako.
"Okay ka lang ba?"
"Oo. Okay lang naman ako. Bakit mo natanong?"
"Nauutal ka kasi kanina eh."
"Ah. Nabigla lang." Sabay tawa ko.
"Ah. Sabagay. Sige. Tulog na tayo. I love you, Miara."
i love you, Miara.
I love you, Miara.
I love you, Miara.
Kabaliw! Nag-ulit-ulit yung sinasabi niyaa!
"Uy?" Sabi niya.
"Ay Palaka!"
"Walang sagot?"
"Sagot saan?"
"Sa sinabi ko?"
Inend call ko naman agad yung tawag niya. Oo weird ako. Pero ayoko, nahihiya ako. Kaya tinext ko na lamang siya.
To: Lance.
"Mahal din kita Lance. Oo, Mahal, as in LOVE. :))"
Ngek. Ang corni ko. XD
***
"HUWWWWAAAAAAAAAT!" Sigaw ni Celia.
"Hala! Maka-sigaw teh!?" Sabi ko.
Kinuwento ko kasi yung nangyaring pag-uusap namin ni Lance.
"Edi, kayo na?"
"Huy! Hindi ah?!" Pagtanggi ko.
"Weh? Niloloko mo ko e."
"Hindi nga promise. Saka, ayoko. Wala pa ngang ligawang nagaganap e."
"Ayyt. Dalaga na! Naghahangad ng LIGAW!?"
"Ngek. Chuserah ka." HAHAHA.
***
Simula nun, palagi na kaming lumalabas ni Lance. Let's say na, oo. Madaming nag-aakalang KAMI NA. But the real thing is, walang KAMI. Walang KAMI ni Lance.
Masaya. Masaya siyang kasama. Masarap yung feeling na malaman na gusto at mahal ka din ng taong minamahal mo. Pero, di ko rin naiiwasang masaktan. OO, nasasaktan ako. Kasi maski ako, di ko alam yung tunay na status namin ni Lance. Wala akong kaalam-alam sa kung ano ma'ng meron kami.
"Miara."
"Oh?"
"Si Ellaine. Bigalng nagtext."
"Oh? Anong sabi?"
"Nagagalit."
"Huh? Bakit naman?"
"Ewan ko. Nagagalit daw siya sa'akin kasi di ko maintindihan feelings niya. Nagseselos daw siya sa'ating dalawa."
"Nagseselos? Bakit? Kayo ba para magselos siya?" OO, tama. Nababadtrip ako. Ano ba siya kay Lance?
"Miara. May sasabihin ako."
"Ano yun?"
"Sa totoo lang, kami na ni Ellaine. Pero, mas mahal kita Miara."
"Ano? A-ano'ng sinabi mo?"
"Sorry. Sorry talaga. Pero, totoo yung mahal kita Miara. Totoong-totoo yun."
Nararamdaman ko'ng kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Nararamdaman ko din na patulo na ang mga luha ko kaya di ko magawang magsalita. Sinubukan ako'ng hawakan ni Lance pero lumayo ako.
"Kailan pa?"
"Nung pasukan pa."
"Ganun katagal?"
"Oo. Di ko agad nasabi sa'yo dahil wala ako'ng lakas na loob. Nahihiya ako."
"Nahihiya? Ano'ng klaseng rason yan Lance?"
"Ayoko lang masaktan ka. Ayoko kasi nahuhulog na din ang loob ko sa'yo."
"Ayaw mo ako'ng masaktan? Eh, ano to'ng ginawa mo sa'akin? Di'ba pananakit ang tawag mo dito?"
"Sorry talaga Miara."
"Sana Lance sinabi mo ng mas maaga. Para di na ko masyadong nahulog sa'yo. At para di ako nasasaktan ng ganito." At tuluy-tuloy ng tumulo ang luha ko.
"Miara. Mahal kita. At totoo yun." Sabay hawak niya sa balikat ko.
"Mahal? Ako? Kalokohan. May girlfriend ka na. Ayun dapat ang mahalin mo."
Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko. At umalis ako sa harap niya. Di ko kaya. Di ko kayang marinig lahat ng sinasabi niya. Di ko kayang tanggapin na yun pala yung totoo. Di ko mapigilan ang magalit sakanya. Di ko mapigilan itong nararamdaman ko. :'(
Siguro nga mali pa'ng ipagpatuloy ko ito'ng nararamdaman ko. Dapat na to'ng pigilan pa.
"Miaaraa!" Hinabol niya ko at hinawakan ang kamay ko.
"Please. Patawarin mo ko. Ayokong mawala ka sa'akin. Please. Miara."
Binitiwan ko naman ang kamay niya.
"Tama na Lance. Ayoko na. Sobra na. Di ko na kaya." At tuluyang umalis.
Ganito ba talaga ang LOVE?
Una ko pa nga lang itong naramdaman, tapos hahantong lang sa ganito. :(
Bakit?
Bakit nagawa ni Lance ang bagay na ito?
Bakit niya ko hinayaang mahulog sakanya?
Bakit di niya agad sinabi?
Bakit pinagmukha niya ako'ng tanga?
Ang sakit. Sobrang sakit. </3
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig<3
RomansSi Miara. Ang babaeng nagmahal sa isang lalaking hindi maaaring mapasakanya. Ito rin ang nagsilbing FIRST LOVE niya. Magiging happy ending kaya ang lovelife niya?