New Life [Chapter 9]

57 0 0
                                    

Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng makatungtong ako dito.

Dalawang araw na simula noong iniwan ko ang Pilipinas.

Dalawang araw na simula noong iniwan ko ang mga alaala ko doon ang andito upang magsimula ng bago.

At higit sa lahat....

It's been two days since I decided to let him go...  :/

***

Kumakain kami ngayon ni mama ng almusal nang bigla siyang magsalita.

"Kamusta yung school mo?" Tanong niya. 

"Okay lang po ma, pina-familiarized ko na yung sarili ko dun. Kakaiba nga lang, di tulad sa Pilipinas." Sabi ko habang nilalaro ng tinidor ang pasta na inihanda ni mama.

"Okay ka lang?" 

"Opo ma. Bakit mo natanong?" 

"Ang lungkot mo kasi. Simula nung andito tayo di ka pa nakakapamasyal. Gusto mo ba'ng iopasyal kita?"

"Nako. Wag na po. Mag-aaral na lang po ako. Siguro next time po." Sabi ko.

"O sige. Kumain ka na. Papasok ka pa." 

"Opo." At kumain na din ako.

***

School.

Isa lang masasabi ko sa school na ito..

MASUSUNGIT ANG MGA ESTUDYANTE.

Yeah right. Ayoko din makipagkaibigan. Specially sa girls. Masyado ng matured yung pag-uugali nila. Yung tipong, parang mga 18 years old na sila kung umasta. Matataray. Mga matataas yung level. >.<

Nako, much better kung mag-isa na lang ako. Mas mabuti pa. 

Umupo ako sa isangpuno dun. Sa may field. Ahhh. May naalala ako sa ganitong posisyon. Parang yung sa school ko lang.

 Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip yun.

Yung time na nakilala ko si Lance.. pero umalis ako dahil sa werid na nararamdaman ko. Tapos nakita ko ulit si Celia. Haaaay. Ang sarap balikan ng mga memories na yun. Pero, sa kabilang banda, nakakalungkot na hanggang memories na lang talaga yun. Na.. hindi na ulit mangyayari. Dahil nga, I'm moving on. I wanna forget him. 

"Excuse me?" Hmm. Ano 'to? May tao? Parang yung katulad lang dati? Celia?

"Celia?"  Sabi ko habang nakapikit pa rin.

"MIss? Are you okay?" Wait. Bakit naging lalaki yung boses?

Ang Pag-ibig&lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon