The Truth.. [Chapter 17]

62 1 2
                                    

Pinadala ni mama yung CD na bigay nun ni Lance. Gustung-gusto ko ng panuorin pero dinala ako ng mga paa ko sa school namin. Oo, yung dating school ko. Kung san ko nakilala si Lance..

Umupo ako sa may field dun..

"Dito ako dinala nuon ni Ellaine. Tapos..

dito ko rin nakilala si Lance.." Bulong ko sa sarili ko.

Tiningan ko naman yung CD. 

"Pero bakit parang gusto ko munang alalahanin ang lahat? Bakit parang feeling ko may pumipigil sa'aking panuorin 'to?"

"Ilang taon na nga ba ang lumipas?" Sabi sa'kin bigla ng isang babae. Tumingin lang ako sa'kanya. Di ko siya kilala, naka-shades kasi eh.

"Excuse me?" Tinanggal niya ang shades niya..

O.o

O.o

ELLAINE?! 

Napatayo ako ng makita siya.

"Hindi mo ba ko na-miss, Miara?" Di ako nagsalita. Lumapit ako sa'kanya at niyakap siya..

Kumalas naman ako. "Kamusta ka na? Almost 10 years na, I think?"

"Okay lang naman. Eto, ako na yung nagpapatakbo ng business nila mom. Ikaw?"

"Kakagaling ko lang ng States and Korea. Dun ako nag-aral. Then ako din nagma-manage ng company ni mom dito sa Pinas."

"Ohh. Really? Ang galing naman. By the way, Kamusta kayo ni Lance?"

"Ni..Lance?"

"Oo, ni Lance? Bakit? May problema ba?"

"Ehdiba..kayo nun?"

"Hindi mo pa ba alam?"

"Ang alin?" Kinakabahan ako. Di ko alam kung bakit.

"Nung umalis ka..days after eh nakipag-break siya sa'kin. Sinabi niya na he loves you na daw. I understand him naman. Although it hurts. PInalaya ko siya for you." Hindi ko alam kung bakit.. Basta-basta na lang ako napaisip sa sinabi ni Ellaine.

"Hindi..hindi ko alam.." Sabi ko sabay yuko.

"Kung di pa niya nasasabi..Ako na ang magke-kwento, okay lang ba?" Tumango na lang ako at umupo na kaming dalawa..

"Nag-aral siya'ng mabuti for you. Nag-ipon siya. He even asked my help. Then nung time na pumunta kami sa States for you. Dun naman namin na-figure out na nasa Korea ka. If you only knew, kung andun ka lang siguro. Makikita mo yung disappointed face ni Lance. Matagl niya kasi'ng hinintay yung pagkakataon na 'yun. About 4 years din 'yun.. Pero 'yun nga, umalis ka naman papuntang Korea. Lalo pa siya'ng nadisappoint nung sinabi ng friend mo na di ka na babalik.." Wait. Totoo ba to'ng naririnig ko? 

"Nakita ko siya may kayakap na ibang babae. Kaya sinabi ko'ng di ka na babalik.." Ayan yung sinabi sa'akin ni Robi noon. 

"Magkasama kayo?"

"Oo. Nagpasama siya sa'kin. Naalala ko nun. Nung sinabi niya sa'akin yung about sa sinabi ng kaibigan mo, bigla siyang umiyak..Niyakap ko siya. Yakap na nagco-comfort sa'kanya. AS FRIEND LANG 'YUN AH? Eh kasi naman. Alam ko kung gano kasakit kay Lance 'yun. Matagl na niya'ng hinihintay yung mapuntahan ka.. Naalala ko yung sinabi niya nuon.. Sabi niya, bakit daw ganun? Bakit daw gustung-gusto mo siyang layuan.. Bakit mo daw siya itinatakwil. Nilalapit daw niya ang sarili niya sa'yo. Dahil mahal na mahal ka niya.. Pero ikaw. Nilalayo mo ang sarili mo. Kahit na alam mo'ng mahal mo rin siya.."

Nilabas ko bigla yung CD.

"Alam mo ba kung ano 'to?"

"AHHH! Ayan yung CD na naglalaman ng lahat ng gusto niya'ng sabihin sa'yo. Madaming files 'yan! Maski birthday mo sine-celebrate niya. At maski yung day na nagkakilala kayo..Dito sa place na 'to. Sine-celebrate niya.. Ang kwento nga daw ng mga kaklase niya, palagi niya 'yun ginagawa. Tapos shinu-shoot niya. Tapos magugulat na lang daw sila. Umiiyak na si Lance. Palagi daw sa huli ng video na 'yan. Sasabihin niya yung katagang, "Sorry, hindi ko sinasadyang saktan ka.." Ganun palagi..paulit-ulit.." 

Di ko na makontrol ang sarili ko. Tumayo ako sa harap niya. At nagpaalam na. Di ko na kaya. Alam ko'ng anytime ay sasabog na ko. Alam ko'ng gustung-gusto ko ng umiyak.

"MIARA!" Tinawag niya ko kaya nag-stop ako. Naramdaman ko namang lumapit siya sa'kin. 

"Mahal na mahal ka niya. 'Yun lang ang tandaan mo. Kaya wag mo na ri'ng itago ang feelings mo.." Ngumiti siya sa'kin. At ngumiti rin ako sa'kanya. Saka umalis.

---

Pagkabukas ko ng CD na 'yun sa laptop ko. Nakita ko nga'ng maraming files ang naka-save. 

Tuwing Birthday  Mo.

Tuwing sasapit ang day na nagkakilala tayo.

Nung mga lugar na palagi nating pinupuntahan.

Nung hinabol kita sa Airport.

Nung oras na iniwan mo ko.

Tuwing naaalala kita.

Di ko alam kung bakit. Pero naiiyak ako kapag nakikita ko to'ng mga 'to..

Tanging Mensahe Ko Sa'yo..

Binuksan ko ang file na 'yun. At isa lang ang nakalagay na Video. Ayun na lamang ang pinanuod ko. 

Nakita ko ang background niya eh yung school ko sa States. Pinapakita niya dun yung mga pic ko sa hallway ng school. Nananalo kasi ako dun at pino-post nila..

"Dito ka daw nag-aaral. Ang galing mo ah? Ang dami mo'ng awards! ^^ Pano kaya kung sa school natin lahat ng 'to. Sure ako. Busog na busog na ko kasi madami ka'ng blow-out!" 

Umupo naman siya sa may field doon. Ayun yung field..kung saan ko nakilala si Robi.. :/

"Uy. Mila. Miss na miss na kita. Bakit kung kelan andito na ko, saka ka umalis? Korea pa. Edi sana pala sa Korea na lang din ako pumunta..Mas malapit pa sa Pilipinas.."

Pinunasan niya ang mukha niya. Oo, Umiiyak siya..

"Kahit kelan. Di nawala sa'kin yung pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo. Mila, alam ko'ng nagkamali ako sa'yo nun. Kaya siguro umalis ka't nilayuan ako. Pero sa totoo lang, naiinis ako sa sarili ko. Kung bakit ba hindi ko agad naramdaman 'to. Kung bakit ngayon lang ako naghabol kung kelan wala ka na. Edi sana noon pa lang, ginawa ko na, naging tayo. Para di ka na nawala sa'kin.."

Tumayo siya. At lumapit siya sa may tarpaulin dun na mga pictures ng graduates. Nilapit niya 'yun sa camera, 

"Mahal na mahal kita, Mila. Bumalik ka na oh..

Hihintayin ko ang muli nati'ng pagkikita.."

---

A/N: KEEP SAFE EVERYONE. :")

Ang Pag-ibig<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon