Simula nung umalis si Ellaine. Naging madalas ang paglabas namin ni Lance. OO. Lumalabas kami. Di lang kami sa lunch nagkakasabay. Minsan if may kailangan ako'ng bilhin sasamahan niya ko. Minsan tumatambay kami sa Luneta,mall o sa school.
Minsan naiisip ko kung pwede na ba ako'ng mag-assume? I know, maling-mali ang mag-assume. Pero feeling ko ayun na eh. Sa lahat ng ginagawa niya. Sa lahat ng ginagawa namin. Naakbayan na niya ako. Pero inisip ko na lang na akbay bilang friends yun.
Pero, di pa rin nawawala sa isip ko si Ellaine. Alam ko kasing siya ang mahal ni Lance. Aisshh. Bakit ba ako nainlove sa taong may mahal ng ibaaaa! >.<
***
Sabado. Walang pasok. Pero eto ulit. Aalis kami ni Lance. May bibilhin kasi ako for my project at siya din daw meron. Kaya sabay kami. :">
Tinawagan naman ako ni Celia.
"Uy girl!? Free ka ba? Samahan mo ko, bibili ako para sa project namin." Sabi niya.
"Ay oo, nabanggit nga ni Lance. Gusto mo'ng sumabay sa'amin ni Lance? Bibili kami mamaya eh. Sama ka?" Sabi ko.
"Napapadalas na ya'ng labas niyo ni Lance ah? HAHA. May namumuo na ba?" Sabi niya.
"Uy! Wala ah? Close friends lang!" Sabi ko.
"Aysuuuus<3 Nako. Wag na. Kay mudra na lang ako magpapasama. Enjooooyy girl!" Sabi niya.
"Langya. Ewan ko sa'yo Celia. HAHA. Bye Girl!" Sabi ko.
At binaba ko na yung phone. HAHHA. Natatawa talaga ako sa sinasabi ni Celia. :DD
Maya-maya, sinundo na ko ni Lance.
"Ohh. Tara?"
"Sige." :)
Pumunta na kami ng National Bookstore para bilhin ang mga kailangan. Inabot kami ng 3hours para lang dun. TAKE NOTE! 3 hours! :D
Kasama kasi dun yung harutan namin. OO. Naghaharutan kami sa bookstore! HAHA. :D
Ng matapos na, bumili kami ng ice cream at umupo sa isang bench. Tahimik lamang kaming kumakain ng ice cream. Pero, binasag ko kaagad ang katahimikang iyon.
"Kumusta na si Ellaine? Kayo?" Tanong ko.
"Si Ellaine? Ayun, okay naman daw. Pero walang kami. Hay." Sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.
Hinintay ko munang maubos ang kinakain namin bago ko ipinagpatuloy ang pag-uusap namin.
"Lance?"
"Ooh?" Maikling sagot niya.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Problema?" Nag-iba yung mukha niya.
"Problema. Sa'iyo. Sa'inyo?" Sabi ko.
"Sa'akin? Wala. Sa'amin? Ewan ko. Si Ellaine? Ata?" Sabi niya. Naguluhan naman ako.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ayaw na daw niya eh." Sabi niya.
"Ni Ellaine? Na ano?" Sabi ko.
"Ewan ko. Sabi niya. Ayaw na niya daw. Yun lang. Nasa isip ko naman kung ayaw niya, edi wag. Okay lang yun sa'akin. Kaya titigilan ko na din." Bakas sa mukha niya ang pagkalungkot.
Sa kabila nung sinabi niya, nakaramdam ako ng pagkagaan ng loob. Ewan ko ba. Weird lang 'tong feeling ko. Pero di ko naiiwasang malungkot din para kay Lance. Feel ko nasasaktan siya. Ayoko. Ayokong nasasaktan siya.
"Uy! Tulala ka diyan?" Sabi niya.
Bigla ko namang hinawakan ang kamay niya.
"Wag kang mag-alala, andito lang ako." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig<3
RomanceSi Miara. Ang babaeng nagmahal sa isang lalaking hindi maaaring mapasakanya. Ito rin ang nagsilbing FIRST LOVE niya. Magiging happy ending kaya ang lovelife niya?