The Day... [Chapter 20]

24 0 0
                                    

I was walking through the aisle. I'm with my mom. I look at her. And she gave me a big smile with her teary eyes. But I know, I know that she's happy. And also do I.

I saw Robi. Alam ko hindi niya ko matitiis. Andito siya to witness my wedding kahit hindi siya ang taong pakakasalan ko. He's smiling at me. Alam kong masaya rin siya para sa'akin. Masaya rin siya para sa bestfriend niya.

I saw Celia. And she's also smiling. And I know that deep inside, she's really happy for me. For me and for Lance. And I'm glad that she's my bestfriend.

At siyempre, makakalimutan ko ba ang taong pakakasalan ko? Hinihintay niya ko. Hinihintay niya ko sa tapat ng altar. Para magpalitan kami ng "I do", para makapangako kami sa tapat ni Lord. Na magsasama kami habang buhay..

But then suddenly, all that smiles I saw, were turned into sadness...

"Miara! Miara! Wake up!" I opened my eyes and I saw my mom waking me up. "You don't wanna miss your wedding day, right?" Ohh. I was just dreaming a while ago. Pero napaka-weird ng dream na 'yon. Ganto ba talaga kapag ikakasal? Natatakot? Kinakabahan? At kung anu-ano napapanaginipan tungkol sa wedding? 

Umupo ako sa kama ko at humawak sa ulo ko. 

"What's wrong, Miara?" Tiningnan ko si mama. Bakit ganto pakiramdam ko? 

"I had a weird dream about our wedding mom." Tapos yumuko lang ako. Kinakabahan ako na excited na natatakot na naeewan! Di ko maintindihan. 

Ngumiti lang si mama sa'akin at niyakap ako. "Miara. Ganyan talaga. Nung kinasal kami ng papa mo. Tanong ako ng tanong sa sarili ko kung matutuloy ba yung kasal ko. Kaya nag-pray ako na sana, maging maayos ang wedding. Kinabahan rin ako ng sobra. Pero nung niyakap ako ng lola mo kasi sinabi ko sakanya nararamdaman ko, biglang gumaan yung feeling ko.." Tapos hinimas-himas ni mama ang likod ko. Tama nga si mama. Gumaan ang pakiramdam ko.

Bumukas naman ang pinto at nakita ko si Celia. "Ano ba yan. Mamaya na ang dramahan ng mag-ina. Sa ngayon, kailangan nang mag-ayos ng ating bride!" Sabi niya kaya bumitaw ako sa pagkakayakap kay mama at tumayo na ko. 

Tama. Magpe-pray na lang ako. I know. This wedding will be memorable for me. 

--

"Miara! Kausapin mo nga 'tong husband to-be mo! Ang kulit-kulit. Sinabi ko ng hintayin ka na lang sa simbahan eh." Sabi ni Celia na naka-simangot. Ngumiti naman ako at inabot ang phone.

"Baby! I can't wait. Tagal ka pa? I wanted to see you na!" Sabi niya. Pagkarinig ko ng boses niya. Dun lalo gumaan ang pakiramdam ko. 

"Baby. We have 1 more hour. You can't wait that long? We will be husband and wife very soon baby. Just wait!" Sabi ko to calm him down. Grabe. Mas desperate pa siya sa'kin. Hahaha!

"Pwede na ba kitang puntahan? Gusto ko sabay tayo eh!" Parang bata talaga 'to. Hahaha!

"Baby. Bawal nga diba?" Sabi ko na lang.

"Hmp. Mga paniniwala talaga. E kahit naman anong mangyari, alam kong matutuloy at matutuloy ang kasal natin, diba baby?" Lalong gumaan ang pakiramdam ko. Kasi alam ko'ng kahit siya e gustong matuloy ang kasal na 'to.

"Oo na baby. Alam ko naman 'yun. Sige na. Ang sama na ng mukha ni Celia. Hahaha! See you later, baby! Husband na kita mamaya. I love you!" Sabi ko.

"Eto na nga po oh. See you later wifey! i love you so much!"Tapos nun eh binigay ko na kay Celia ang phone. Tinuloy naman ang pag-aayos sakin at di nagtagal e umalis na kami.

--

Pagkarating ko. Nakita ko na si Lance. Pero bawal pa ko lumabas. Nakita ko siyang kausap si Robi. Sa wakas. Sa sobrang pangungulit ko sa'kanya kaya siguro siya andito. Ayoko siyang di pumunta kasi importante rin naman siya sa buhay ko. 

Si Celia naman pinamalita ng andito na ko. Nakita ko'ng tumingin sa may kotse si Lance at ngumiti. Ti - nap niya si Robi sa balikat at lumapit naman si Robi sa kotse. Binuksan niya ang pinto at niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Mas matutuwa sana ako kung ako yung groom eh." Sabi niya. Kaya bumitaw ako ng yakap sa'kanya at hinampas siya sa balikat niya. "Joke lang ano ka ba! Nakakaawa ka na kasi kaya pinagbigyan na kita."

"Eeeeh. Bi naman eh. Gusto ko andito ka kasi bestfriend kita diba? Kayo ni mama maghahatid sa'akin sa altar diba?" Pinakiusapan ko na rin na si mama at si Robi ang maghatid sa'akin sa altar. 

"Magmumukha naman ako'ng tatay mo niyan eh" At hinampas ko ulit siya. Tumawa lang siya nun at inalalayan na ko palabas ng kotse.

Pumuwesto na kami nila Robi at Mama sa may pinto. Nakahawa ako sa braso ni Robi at mas pinili ko'ng ka-holding hands si mama. Ngumiti naman sila sa'akin. Tumingin ako kay mama at tumango lang siya. Ngumiti siya at alam kong may namumuong luha sa mga mata niya. Tumingin naman ako kay Robi at ngumiti rin.

"Ready ka na, Laine?" Sabi ni Robi. Ngumiti naman ako sakanya. At dumiretso ng tingin kay Lance.

"This is it. I'm ready." At ngumiti kay Lance. My husband..

--

A/N: Super duper late na ang update! Ahuhuhuhu. Epilogue ang next. Sana may magbasa pa. :/

Ang Pag-ibig<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon