It's Him [Chapter 12]

47 0 0
                                    

Napatulala lang ako sa sinabi ni Celia. Di kasi ako makapaniwala. Ako? Susundan ni Lance? 

"Girl, text na lang tayo. Eto number ko, okay? Nagmamadali kasi ako eh." Kinuha ko yung binigay niyang papel at tumango. Pagkatapos nun, umalis na siya.

Ba't ganun? Kung gusto talaga niya ko'ng sundan, edi sana tinawagan niya ko. Para man lang alam niya kung may mapupuntahan ba siya o wala. Di ko alam magiging reaksyon ko. Naguguluhan ako. =__________= Ano ba kasi dahilan kung bakit niya 'yun ginawa? Nakakabaliw na. Nung una, sinundan daw niya ko sa airport nung umalis ako. Ngayon naman, sinundan niya ko sa US pero nasa Korea naman ako. Gahd. Ayaw talaga kami pagtagpuin ng tadhana. =__________=

"Huuuuuuy!" 

"Ay, palaka!" Sabi ko.

"Ba't ka tulala? Eto na pagkain mo. Bilisan mo! Pupunta pa tayo sa kumpanya." Pero tulala pa rin ako. Di ko siya sinasagot. 

"Laine? LAINE!" Napatingin ako bigla sakanya.

"Ay, sorry. Ano ulit sinasabi mo?"

"Ano'ng problema?" Pagkasabi niya nun. Bigla ako'ng naiyak. Nataranta naman siya at paulit-ulit ako'ng tinatanong kung ano'ng problema.

"Bi, si Lance..*sobs" tiningan lang niya ko.

"Wag mo na siya'ng isipin. Kumain ka na lang, okay? Pupunta pa tayo sa office." Sabi niya habang inaalis ang mga luha ko sa mukha.

Sinunod ko lang siya. Kumain na lang ako. 

***

Pagkatapos namin kumain ay sumakay na kami sa kotse niya para pumunta naman sa office.

"Kailangan bumili ka na ng kotse mo." Sabay tawa niya.

Pinalo ko naman siya sa braso niya. "Ewan. Ayaw mo lang ihati-sundo ako eh."

"Oo, sayang gas." Pinalo ko ulit siya. Tumawa lang naman siya.

"Ganyan ka na. Kuripot ka na. Dati naman. Di ka ganyan." Sabay crossed arms ko.

Kinurot niya ko sa pisngi. "Joke lang Laine. Ikaw talaga. Kahit ihatid-sundo kita hanggang sa tumanda ka, okay lang sa'akin."

"Sira. HAHA. Bibili din ako ng kotse ko. Turuan mo lang ako mag-drive." At tumawa kami'ng dalawa.

Office.

Pinagtipon-tipon niya ang mga empleyado dun. Hanga din ako ah. Malaki din itong kumpanya. At masaya ako kasi kasama ko ang bestfriend ko dito. 

"Gusto ko ipakilala sa'inyo. Si Miara Laine Velasquez. Ang isa pang may-ari ng kumpanyang ito." Pumalakpak naman ang mga empleyado. Nag-bow naman ako sakanila. 

"Siguro nagulat kayo kung bakit ako nag-bow." Tumawa sila. Ngumiti naman ako. "Nag-aral ako ng 5 years sa US and 4 years sa Korea. Kaya pasensiya na at nasanay ako s kultura nila. Pero ang pagyuko ay sign ng paggalang. Kaya yung ginawa ko kanina, ibig sabihin lang ay ginagalang ko kayong lahat. Sana ganun din ang ipakita niyo sa'akin." Nag-bow ulit ako. At nagpalakpakan ulit sila.

"Okay! Tratuhin niyo siya gaya ng pagtrato niyo sa'akin. Balik na tayo sa mga trabaho natin." At nagsi-alisan na sila.

"Maganda ka na magsalita ngayon ah?" Sabi ni Robi.

"Bakit? Bulol ba ko dati?" At tumawa lang kami. 

Dumiretso na kami sa isang malaking office. At may dalawang table. Yeah. Dun kami ni Robi. Ang hanep lang ah. 

"Ako nagpadesign niyan." Napatingin ako sa place ko. Napupuno ng pink and violet. Kilala na talaga ako ni Robi. Ang cute eh.

"Thanks, Bi." 

"Nga pala. Dun ka muna sa condo ko tumira." Napatingin naman ako sakanya. "Ba-kit?" 

"Condo mo?"

"Ay, ano ka ba! Malaki 'yun! May dalawang rooms. Sinadya ko 'yun para sa'yo." Niyakap ko siya pagkatapos nun.

"Kaya mahal na mahal kita bestfriend eh!"

"Mas lalo naman ako noh?" At nagtawanan lang kami.

***

"Yes sir. But that time is not my free time. Ms. Velasquez? Ah. Okay sir. She will be there." 

"Ano 'yun, Bi?"

"Laine, punta ka sa resto na 'to. I-meet mo si Mr. Yun. Okay?"

"Sure, Bi. Akin na." At tuluyan naman ako'ng umalis ng office at pumunta sa resto na 'yun.

Papasok na ko. Nagtanong ako sa worker dun kung saan yung pinareserve ni Mr. Yun. Tinuro niya ko sa isang table dun at may nakaupo na lalaki. Nakatalikod siya kaya di ko nakita ang mukha. 

Lumapit ako. Tumabi lang ako pero nakatayo pa din. 

"Good Morning! Are you Mr. Yun?" At nag-bow ako.

"No. I'm his secretary." Napatango naman ako. Teka?

O.o

O.o

O.o

"I'm Mr. Lance Perez. Nice to meet you Ms. Velasquez." I knew it. Alam ko'ng siya na 'yun. 

Gahd. Speechless ako. =___________=

Ang Pag-ibig<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon