Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

Chapter 2

192K 3K 164
                                    

"What? No way, Pa! Ayoko sa kanya! Ayoko! May iba akong mahal kaya hindi mo ako pwedeng ipakasal lang sa kahit sino man ang gusto mo!"

Pababa ako sa hagdan at titingnan ko sana kung tapos nang kumain sina Ate at Papa para makakain na rin ako nang makita kong nag-aaway silang dalawa sa may sala.

"Don't be so brat, Addison! Iyan ang gusto ko kaya sundin mo! Bullshit!" bulyaw ni Papa kay Ate. Ngayon ko lang nakitang sinigawan ni Papa si Ate nang ganyan.

"No, Papa! 'Wag mong kontrolin ang buhay ko!" balik sigaw ng Ate Adi. Ano ba ang pinagtatalunan nila?

"Ayokong mapahiya sa mga Sermiento! Maganda ang deal ng kompanya nila!" May diin sa bawat bigkas ni Papa ng mga salita, halatang galit na talaga ito!

Sermiento? Naalala ko na naman siya―Jayred Sermiento.

"Bakit hindi na lang―"

Nakikinig ako sa sasabihin ni Ate nang makita kong tumingin siya sa gawi ko at tumitig sa akin at parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Bakit kaya?

"Si Alisson! Siya na lang ang ipakasal mo!" nagmamakaawang saad ni Ate.

Ako? Bakit ako nadamay d'yan? Naguguluhan ko silang tiningnan.

Tumawa nang pagak si Papa. "Sa tingin mo ba ay gugustuhin 'yan ng mga Sermiento?" sabi niya at tinuro ako. "You must be joking, Adi! Walang magkakagusto sa babaeng iyan," dagdag niya at umalis na.

Halos maiyak ako sa mga salita ni Papa. Parang hindi niya ako anak kung makapagsalita siya.

***

Kinagabihan ay narinig kong may kumakaluskos sa labas. Ano kaya 'yon? Kaya napabangon ako at sinuot ang aking salamin para tingnan ito.

Paglabas ko ay nakita ko si Ate na may dalang malaking bag at lumalabas ng kwarto niya. Maglalayas ba siya? Nanlaki ang mata ko at pinigilan siya.

"A-ate? Saan ka pupunta? Gabi na ah," sabi ko sa kanya. Tinakpan lang niya ang bibig ko at pinapasok ako sa kwarto niya.

"Ate, ano ba?" reklamo ko at tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko nang makapasok na kami. Ano ba ang ginagawa niya?

Pumunta siya sa pinto at ini-lock ito.

"Ali, I need your help. Please, 'wag mong sasabihin kay Dad na umalis ako," she said almost begging. Mangiyak-ngiyak na rin siya. Naawa ako bigla sa Ate ko.

"Bakit ba kasi?" Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

She sighed deeply. "Gusto akong ipakasal ni Papa sa anak ng mga Sermiento na si Jayred," sabi niya nang pabulong.

Jayred? Gusto siyang ipakasal ni Dad sa lalaking mahal ko?

"Ayoko. Alam mo iyon dahil mahal ko si Sky. Kaya aalis ako ngayon," aniya at hinawakan ang balikat ko.

"Saan ka naman pupunta 'pag umalis ka?" tanong ko sa kanya. Nag-aalala rin naman ako sa kapakanan niya.

"Kahit saan... 'Yong malayo sa mga taong gustong kumontrol ng buhay ko. Tutuparin ko 'yong pangarap ko kaya please, Ali, mangako ka sa aking hindi mo ako isusumbong kay Papa," sabi niya na halos lumuhod na sa harap ko.

Dahan-dahan akong tumango at niyakap siya.

Kahit hindi siya naging mabuting kapatid sa akin ay mahal ko pa rin siya. Kahit inggit na inggit ako sa kanya ay mahal ko pa rin siya.

"Mag-iingat ka, Ate," sabi ko at pinunasan ang namumuo kong luha.

"Salamat, Ali," aniya at tuluyan nang umalis.

***

"Nasaan si Adisson?! Hindi siya pwedeng umatras sa kasalang ito! Hanapin n'yo siya!"

Nagising ako sa sigaw ni Papa. Hinahanap na niya si Ate na alam kong masaya nang nakalayo na siya sa bahay na ito. Ako kaya? Kailan makakawala sa bahay na ito at makatatakas sa kalupitan ni Papa?

Sinuot ko na ang salamin ko at pumunta sa banyo. Pagkatapos kong maligo upang pumasok ay lumabas na ako ng bahay. Hindi na ako kakain ng breakfast dahil nasa bahay pa si Papa. Baka masira pa ang araw niya dahil sa akin.

As usual, isang mahabang palda at longsleeve polo na naman ang suot ko with my braces and glasses on. Madami rin akong bitbit na libro. Typical nerd.

Ewan ko ba kung bakit natuto akong ganito ang bihis. Siguro kasi ay si Manang Lelay ang nag-alaga sa akin no'ng bata pa ako simula nang mamatay si Mama.
Kaya nakasanayan ko nang ganito ang isuot na mga damit.

Pagbaba ko pa lang ay nakita ko na agad si Papa na nakaupo sa sofa at may kausap sa telepono. Nakahawak siya sa noo niya at minamasahe iyon. Halatang problemado siya.

Hindi ko na siya kinibo dahil baka sungitan na naman niya ako kaya dumiretso na ako sa kusina. Magpapaalam na lang ako kay Manang.

"Manang, ang bango naman n'yan," sabi ko at nagmano sa kanya nang makalapit ako.

"Hay, bata ka. Pabirito ito ng Mama mo. Adobo. Halika at kumain ka muna," aniya at pinatay na ang kalan.

"Naku, Manang, 'wag na po. Baka abutan pa ako ni Papa at sungitan na naman ako. Next time na lang po siguro. Alis na po ako, Manang," sabi ko sa kanya at tumayo na.

"Naku, ewan ko ba r'yan sa Papa mo at ang init ng dugo sa iyo! Kung nabubuhay lang ang Mama mo ay baka hindi niya magawa iyan sa iyo. Pagbabaunin na lang kita para naman may kainin ka mamaya," litanya ni Manang at nilagyan ng ulam at kanin ang tupper ware.

***

Pagdating sa University ay as usual, no 'hi' or 'hello' man lang akong natatanggap kahit isa.
Pero sanay na ako. This is my life so, I'll live with it.

Discuss dito, discuss doon. Sulat dito, sulat doon. Napakaboring ng buhay ko.

Pagdating ng lunch ay diretso cafeteria agad ako. Bitbit ko ang pabaon sa akin ni Manang. Nagutom ako dahil hindi ako nag-snack kanina.

Umupo ako sa medyo malayo sa mga ibang estudyante. Binuksan ko ang container at nagsimula nang kumain. The best talaga ang luto ni Manang!

Nakakadalawang subo pa lang ako when someone grabbed my food. Tiningala ko ang mga ito at kumulo ang dugo ko nang makita kung sino iyon.

Ang grupo ng mga mean girls dito sa school. Lagi nila akong pinagtitripan since high school kaya todo iwas ako sa kanila.

"Akin na 'yong pagkain ko," sabi ko sa kanila at pilit na kinukuha ang pagkain ko.

"Aww. This little dirty nerd is so cheap," sabi ni Erika, leader ng tropang bisugo! Hmp!

"Akin na kasi 'yan. Ayoko ng away, please," mahinahon kong sabi at inabot ang container. Tumawa naman sila at pinagpasa-pasahan ito.

Bakit kasi ang pandak ko? 'Di ko tuloy maabot. 'Yong iba naman ay nakatingin lang sa amin. 'Yong iba ay tumatawa. Hindi man lang awatin ang mga bruhang ito!

"Fucking stop it, Erika! Don't act very immaturely!"

Natahimik ang lahat ng tao sa cafeteria nang dumagundong ang isang ma-awtoridad na boses.

His voice.

Lumapit siya sa akin at itinago ako sa malapad niyang likuran.

"Don't fucking mess with her o ako ang makakalaban n'yong lahat!" malakas niyang sabi at kinuha niya ang pagkain kay Erika at hinatak na ako palabas.

Nagkakagulo naman ang mga paru-paro sa tiyan ko. Namumutla ako at parang tambol ang puso ko.

Huminto kami sa likod ng school at binitawan na niya ang kamay ko.

"Salamat," nakayuko kong sambit. Nahihiya ako sa kanya.

Iniangat naman niya ang baba kO at matamang ngumiti.

"Wala 'yon. Magiging future sister-in-law na rin naman kita."

My smile faded. The butterflies died.

It's all about her after all.

LEGENDARIE

Don't look Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon