This Chapter is dedicated to LuluKyungSoo. Eto na yung pangako kong UD :)
Pagkauwi ko pa lang ng bahay ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Papa. Patay ako nito! Dapat pala ay gumala muna ako at umuwi nang masigurong wala na siya sa bahay.
Pagkalapit ko sa kanya ay agad siyang nagsalita.
"Let's talk," mariin niyang sambit at nagsimulang lumakad. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya.
Kinakabahan ako. Palalayasin na kaya ako ni Papa sa mansyon? O baka naman nalaman niya nang kasabwat ako ni Ate sa pagtakas nito?
Nanlalamig ang kamay ko nang makapasok na kami sa office niya. Umupo siya sa kanyang swivel chair at inutusan akong maupo rin sa tapat niya. Agad akong tumalima sa inutos niya dahil baka magalit siya sa akin kapag may nagawa akong mali.
"P-pa..." mahina kong bulong. Nakayuko lang ako dahil ayokong salubungin ang malalamig niyang tingin.
"Alam na alam mo na ayokong tinatawag mo akong Papa," mariin niyang sabi. Gusto na namang tumulo ng luha ko sa sinabi niya. Anak niya ako pero bakit ganito ang trato niya sa akin?
"Pero papayag akong maging ama mo kung..." Napaangat ako ng tingin. Totoo ba ito? Papayag siya? Nag-uumpisa nang tumulo ang luha ko. Pero ano naman ang kapalit ng bagay na iyon? "Magpapakasal ka sa anak ng mga Sermiento."
Para akong binuhusan ng tubig na puno ng yelo sa narinig ko. Magpapakasal ako kay Jayred? Pero mahal nito ang Ate ko!
"P-pero, Papa. Ayoko po." Lalong lumakas ang pagdaloy ng luha ko sa mga sinabi ko.
Mali... Gusto ko. Gustong-gusto ko... Kaya lang ay hindi ako mahal ni Jayred at hindi niya ako mamahalin hanggang laman ng puso niya ang Ate ko.
"Ako man ay ayoko. Ayaw kitang ipakasal dahil nakakahiya. Walang gustong magpakasal sa katulad mo," bulyaw niya sa akin.
Bakit ganito niya ako tratuhin? Minahal ko naman at ginalang siya kahit ganito niya ako tratuhin simula pa noon... Ano pa ba ang kulang?
"Pero wala ka nang magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo ay ipakakasal kita. Now, leave dahil hindi ko kayang tagalan ang pagmumukha mo," mariin niyang sabi at tumalikod.
Mabilis naman akong lumabas ng opisina niya at tumungo sa kwarto ko. Iniiyak ko lahat ng sama ng loob ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok upang takasan si Papa. Ayoko siyang makita dahil parang lumabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lalong lumaki ang hinanakit ko sa kanya. Anong klase siyang ama?
Napaaga ako ng pasok kaya umupo ako sa isa sa mga bench sa likod ng school. Nasa ilalim ito ng puno at nakakarelax dito. Lagi akong tumatambay dito tuwing may problema ako.
Pumikit ako at inalala ang lahat ng sama ng loob ko sa Papa ko.
All this time ay nagtiis ako sa pagtrato nila ni Ate sa akin dahil umaasa akong baka pagdating ng araw ay mamahalin din nila ako at ituturing na pamilya. Pero hanggang pag-asa na lang ako at mukhang malabo nang mangyari iyon.
"Punasan mo nga 'yang luha mo. Hindi bagay sa iyo ang umiiyak." Dinilat ko ang mata ko at nakita ang isang napakagwapong nilalang na nakangiti sa akin.
Jayred...
Nahihiya ko namang kinuha ang panyo at ipinunas sa aking pisngi.
"Bakit ka umiiyak?" tanong niya at umupo sa gilid ko. Tinitigan niya ako kaya nailang ako at yumuko na lang.
BINABASA MO ANG
Don't look Back
Ficción GeneralOld-fashioned and nerdy Alisson is in love with her sister's fiancé, Jayred, while her sister is in love with someone else. When her sister asks her to be a substitute bride before running away, Alisson agrees. But is she ready to face the consequen...
Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte