Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 5

157K 2.6K 238
                                    

When I was a little kid, I was really dreaming of having a magical wedding. Iyong tipong may suot akong napakahaba at napakagandang gown; naglalakad sa mahabang red carpet ng isang malaking simbahan. Kasama ko ang Papa kong maghahatid sa akin sa altar.

Iyon ang pangarap ko, bata pa lamang ako pero... kabaligtaran ang nangyari.

Nakasuot ako ng isang simpleng dress at nakaharap sa judge na magkakasal sa amin.

Sa amin ng taong mahal ko na hindi ko alam kung dadating pa ba.

Lihim lang ang kasal na ito at ang tanging dumalo ay ang ama ni Jayred at ang nakababata niyang kapatid na si Emerald.

Alam ko namang hindi ako tanggap ng ate at Mama niya pero hindi ko akalaing hindi sila dadalo sa kasal. Kahit ang Papa ko ay hindi dumalo. Busy daw ito sa negosyo at wala itong planong pumunta kung ako lang din ang ikakasal.

Masakit. Sobrang sakit pero tinibayan ko ang loob ko.

Ngayon ang flight ni Ate at masaya ako para sa kanya. Masaya akong matutupad niya ang mga pangarap niya kapalit ang kalayaan ng taong mahal ko.

"Tuloy pa po ba ang kasal na ito?" nakakunot ang noong tanong ng judge habang tumitingin sa orasan sa kanyang palapulsuhan.

"Alisson, hija. Sa ibang araw na kaya natin ito ituloy?" Nag-aalangang sabi sa akin ni Tito Redrigo, ang Papa ni Jayred.

Kahit naiiyak ay pinilit kong ngumiti.

"Hintayin po natin siya, Tito. Baka natraffic lang kaya nahuli." Pasimple kong pinunasan ang namumuong luha sa gilid ng aking mata.

Dadating siya. Dadating siya. Dadating siya.

Nilapitan ako ni Emerald at niyakap.

"Ate, hindi po dapat pinaghihintay ang magandang babae. Bad po 'yon." Muntik na akong humagulhol sa tinuran ng bata.

Buong buhay ko, si Mama, si Manang at si Emerald lang ang tumawag sa aking maganda. Kabaligtaran ng ateng halos sambahin dahil sa kagandahan.

Ilang minuto pa kaming naghintay nang biglang magbukas ang pinto at iniluwa nito si Jayred.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya.

Ang kaninang lungkot ay biglang napalis.

Sabi na nga ba ay dadating siya.

Namumungay ang mga mata niya at halatang hindi nakatulog. Hindi rin ayos ang kurbata ng suit na suot niya. Magulo rin ang kanyang buhok at halatang napipilitan lang siya sa mga nangyayari.

Pero wala na akong pakialam do'n. Nandito na ito kaya paninindigan ko na.

Nilingon niya ako at bakas ang pagkamuhi sa mga mata niya. Lumapit siya sa akin habang isinasara ang butones ng kanyang suit.

Bawat paghakbang niya palapit sa akin ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko ay sasabog na ito.

Agad niyang hinigit ang braso ko at kinaladkad papunta sa harap ng judge.

"Let's start this shit para matapos na." Marahas niya akong binitawan kaya naman gustong kumawala ng mga luha ko.

Kahit man lang respeto ay wala siyang maibigay para sa akin.

Sinimulan ang kasal namin―kung kasal nga ba itong matatawag.

Dama ko ang masamang titig sa akin ni Jayred.

"And by the power and the rights that given me, you are now husband and wife. You may now kiss the bride." Bahagya akong ngumiti nang marinig ko ang malakas na palakpak ni Emerald.

Bahagyang lumapit sa akin si Jayred at dinampi ang kanyang mga labi sa aking pisngi.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang mahina siyang bumulong.

"Welcome to hell, wife."

***

Nang matapos na ang kasal ay wala man lang handaan o celebration na ginanap. Iniwanan nga lang ako basta ni Jayred sa isang tabi. Hindi man lang siya nag-abalang ihatid ako sa amin para kuhanin ang mga gamit ko at ilipat sa condo niya.

Inalok naman ako ni Tito na ito na lang ang maghahatid sa bahay pero tumanggi ako. Hiyang-hiya na ako sa kanila. Nahihiya ako sa pinaggagawa ng asawa ko. At isa pa ay ayaw ko nang makita ang pagkaawa sa mga mata niya.

Pagpasok ko pa lang sa sala ay sinalubong na agad ako ni Manang.

Niyakap ko siya nang napakahigpit dahil alam kong mamimiss ko siya.

"Anak, mamimiss ka ni Manang ha?" Hinimas niya ang ulo ko at hinalikan ang noo ko.

"Manang, ako rin po. Mamimiss kita. Manang, ayaw kong mahiwalay sa 'yo." Hindi ko na napigil ang hagulhol ko at iniiyak ko na kay Manang ang lahat ng sama ng loob ko.

Lahat ng sakit na kanina ko pa pinipigil...

"Tapos na pala ang kasal mo? Ano pa ang ginagawa mo rito? Umalis ka na." Napahiwalay ako ng yakap mula kay Manang nang magsalita si Papa mula sa likod.

"P-papa..." Pinunasan ko ang aking mga luha at tinakbo ang Papa ko.

Mamimiss ko si Papa kahit na hindi maganda ang pagtrato niya sa akin. Mahal ko pa rin siya.

"Anong ginagawa mo? Umalis ka sa pamamahay ko!" Nanggagalaiti niyang hinawakan ang magkabilang braso ko at itinulak ako palayo.

Napasinghap naman si Manang at nagmamadaling lumapit sa akin.

Pumikit ako nang mariin at inisip kung gaano ko kamahal ang Papa ko. Hindi ako dapat magalit sa kanya.

"Lumayas ka na! Kaya nga ako pumayag na ikaw ang ikasal dahil gusto kong mawala ka na sa pamamahay na ito." Nagdadabog siyang tumalikod at umakyat sa taas.

"H-halika na, anak. Ihahatid na kita sa labas." Tinulungan ako ni Manang na makatayo.

Pinilit kong maglakad kahit umiika ako. Napakasakit ng pagkakatulak sa akin ni Papa pero wala nang sasakit pa sa mga sinabi niya.

Tinulungan ko si Manang na buhatin ang mga gamit ko na kanina pa pala naka-ready sa sala.

Isang malaking maleta at dalawang maliit na bag lang ang dala ko.

Yumakap muli ako kay Manang nang makalabas kami ng pintuan.

"Anak, mag-iingat ka roon ha? Wala ro'n ang Manang para alagaan ka. Mahal ka ni Manang ha?" Naiiyak na tumango-tango lang ako. Wala akong maapuhap na sabihin sa kanya.

"Maraming salamat, Manang. Mahal na mahal po kita." Pinupunasan ko ang mga luha ko habang sumasakay sa taxi.

Sana naman... kahit papaano ay maging masaya ako.

Sana naman ay sumaya na ang buhay ko.

Sa pag-alis ko ng bahay na iyon, 'wag na sana akong mahirapan.

Pero alam ko lahat ng hinihiling ko ay hindi mangyayari dahil labis ang pagkamuhi sa akin ng asawa ko.

LEGENDARIE

Don't look Back Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon