Naibagsak ko ang maleta na buhat ko pagbukas pa lamang ng pintuan ng condo ng asawa ko. Hindi ko lubos akalaing ang lalaking pinakasalan ko lamang kanina ay may ibang katalik ngayon.
Para bang hindi nila naramdaman ang presensya ko at patuloy pa rin sila sa mga kahayupan nila.
Gusto kong magalit. Gusto kong sumigaw. Gusto kong hilahin ang babaeng iyon paalis sa kandungan ng asawa ko.
Pero hindi ko magawa.
Mahina kasi ako... at duwag.
Wala ba silang mga kahihiyan? Dito pa sila sa mismong sala gumagawa ng kahayupan.
Naiiling na pinulot ko ang aking mga nahulog na gamit at diretsong naglakad.
Napakasakit pala na lokohin ka nang harapan ngunit wala kang magawa.
Kung sana ay kasing tapang ako ng Ate Adi at may sapat na lakas ng loob ay baka hindi ako nasasaktan nang ganito.
Nakita ko pa ang pagtingin sa akin ni Jayred ngunit ipinagpatuloy lang niya ang paghalik sa babae at binalewala ako.
Para bang wala lang sa kanyang makita siya ng asawa niyang may katalik na iba.
Hindi man lang niya nirespeto ang kasal namin.
Ang bababoy nila.
Nang malampasan ko ang lugar nila ay bigla na lamang umagos ang mga masasaganang luha sa aking mukha.
Buong buhay ko ay iyak lang ang nagagawa ko at luha lang ang karamay ko.
Inilibot ko ang paningin sa unit niya at pinagmasdan ito. Malungkot. Ganoon ko ito nakikita. Parang ako lang.
Pinasok ko ang isang kwarto at mag-isang binuhat ang mga gamit ko. Lalong nadurog ang puso ko nang makita ang kama. May mga damit na nagkalat. Damit ng asawa ko at ng babae niya.
Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang pinupulot ang mga ito.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang pagsarado nito.
Pasimple kong pinunasan ang mga luhang patuloy pa rin sa pag-agos.
Bakit ba kasi hindi maubos ang mga luhang ito?
***
Naririnig ko na ang mga hakbang ng asawa ko pababa sa hagdan kaya minadali ko na ang pag-aayos ng pagkain namin.
"Good morning. Kain muna tayo bago pumasok sa school," nakangiti kong bungad sa kanya.
Pero as usual ay hindi man lang niya ako nilingon at padabog na lumabas ng pinto.
Ang sakit.
Sa tatlong linggo naming pagsasama sa iisang bubong simula nang ikasal kami ay ganito na lang palagi.
Gigising ako sa umaga para magluto ng kakainin namin pero hindi man lang niya magawang tugunan ang bawat "good morning" ko o kaya ay tikman ang luto ko.
Wala tuloy along kasamang kumain sa umaga. Namiss ko tuloy lalo si Manang.
Tumawag ako noong isang araw sa mansyon ng Papa para makausap ko man lang si Manang kaya lang ay nahuli kami ni Papa at pinagbawalan akong tumawag doon.
Gusto kong dumalaw kaya lang ay baka magalit lalo si Papa sa akin. Ayaw na nga niyang tumatapak ako sa pamamahay niya.
Kumain na lang akong mag-isa at nag-ayos papuntang school.
***
Medyo late na akong nakapasok dahil sa traffic at nilinis ko pa ang condo. Nagmamadali akong pumunta sa klase kaya tumakbo na ako.
"Ouch! Can't you see, b*tch! May tao sa tinatakbuhan mo!" Napangiwi ako dahil sa tili ng babaeng nabangga ko.
"S-sorry. Hindi ko napansin. Nagmamadali kasi ako." Agad kong pinulot ang mga libro kong nagkalat sa sahig.
Kasi naman, Ali! Ang tanga mo e.
"Hindi napansin? Ang laki na nga ng salamin mo tapos hindi mo pa kami napansin?" Bumuntonghininga ako at tumayo na mula sa pagkakapulot ng mga libro ko.
"Nagmamadali kasi ako." Tiningnan ko ang babae at si Stacey pala iyon. Best friend ni Ate Adisson.
Napakamaldita ng babaeng 'to. Kainis.
"Tara na, babe. Hayaan mo na 'yan. Tatanga-tanga kasi." Napakunot ang noo ko nang may nagsalita sa gilid niya.
Si Jayred! Bakit hindi ko agad napansin na siya ang kasama ni Stacey? At inaakbayan niya pa ang bruha!
Tiningnan ko siya at nagkasalubong ang mga mata namin. Agad ko rin namang iniwas ang akin. Nakakapaso kasi siyang tumingin. Ramdam ko ang galit niya sa akin.
Nagmamadali akong umalis sa harap nila at nagtungo sa banyo. Umiyak lang ako ng umiyak doon. Bakit ba ganito?
Bakit lahat ng mahal ko, sinasaktan ako? Ang Papa ko... Ang asawa ko...
Hindi ba pwedeng maging masaya man lang ako? Wala naman akong ginagawang masama e. Nagsakripisyo na nga ako para kay Ate pero ako pa rin ang nasasaktan.
Pinunasan ko na lang ang luha ko at pumasok sa klase. Alam ko namang may plano ang Diyos para sa akin.
***
Pag-uwi ko sa condo ay nakita ko ang sasakyan ni Jayred na nakapark sa slot niya. Nandito na siya. Himala yata at maaga siyang umuwi o ginabi lang ako dahil hindi agad ako nakasakay ng taxi at traffic pa. Hindi man lang niya kasi ako magawang isabay pauwi.
Pagpasok ko ng unit ay dumiretso ako sa kwarto at halos matumba ako sa naabutan ko.
Ang asawa ko...
May kasamang babae at halos pareho na silang hubad.
Sa kwarto pa talaga namin? Hindi man lang nila nagawang i-lock ang pinto?
Hindi rin ba nila ramdam ang presensya ko? Ganoon ba sila kasabik?
May mga upos ng sigarilyo rin at ilang bote ng alak na nagkalat sa sahig. Wala akong nagawa kung hindi tahimik silang pagmasdan at saktan ang sarili ko.
Nang pakiramdam ko ay tutumba na ako ay bumaba na lang ako sa sala at umiyak.... Na naman.
Pag-iyak lang naman ang kaya kong gawin.
Ganitong-ganito rin ang nangyari pagkatapos ng kasal namin. Para namang ito ang una.
Nang mahimasmasan na ako ay dumiretso na ako sa kusina.
Magluluto pa kasi ako. Naka-ilang buntonghininga muna ako bago nagsimulang magluto. Gutom na gutom na kasi ako dahil sa pag-iyak.
Nang matapos along magluto ay hindi ko na aasahan pang sasabayan ako ng asawa ko kaya kakain na lang ako nang mag-isa.
"Bakit hindi mo kami tinatawag? Kakain na pala! Wala ka talagang kwenta! Bullshit!" Napapitlag ako sa bulyaw ni Jayred. "Nasa kwarto lang kami pero hindi mo man lang kami nagawang tawagin? Makasarili ka talaga!" Napayuko ako dahil sa sigaw niya.
"Babe, bakit ba kasi hindi mo na lang palitan 'yang maid mo?" Parang linta na kumapit sa kanya ang babaeng iyon.
Laking tuwa ko nang hindi niya iyon pinansin pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin.
Napalunok ako at huminto sa pagkuha ng pagkain.
"S-sige, kumain na kayo." Kumuha pa ako ng isang plato at inilagay sa lamesa. Nagmadali akong umakyat sa kwarto namin pagkatapos. Pero sana ay hindi ko na lang pala ginawa.
Nandidiri ako sa naabutan ko. Bakit nila ako ginaganito? Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko? Mga hayop sila. Ang baboy! Nakakadiri!
At muli, umiyak lang ako nang umiyak ulit.
LEGENDARIE
BINABASA MO ANG
Don't look Back
General FictionOld-fashioned and nerdy Alisson is in love with her sister's fiancé, Jayred, while her sister is in love with someone else. When her sister asks her to be a substitute bride before running away, Alisson agrees. But is she ready to face the consequen...
Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte