"Manang!" Agad na lumingon si Manang sa gawi ko at nangigilid ang luha na rinamba ako ng yakap.
"Diyos ko! Namiss kitang bata ka! Kumusta ka na?" Natatawa kong niyakap pabalik si Manang. Umiiyak na kasi siya.
"Okay lang po ako. Busy sa school pero masaya po ako." Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit alam kong halatang pilit ito.
"Gano'n ba? Tara sa kusina. Ano ba ang gusto mong kainin?" Kanina pa ako sa labas ng mansyon ni Papa at hinihintay ko lang siyang makaalis upang makita si Manang.
Alam ko naman kasing magagalit siya kapag nakita niya ako sa pamamahay niya.
"Kumusta kayo ng asawa mo, hija? Okay naman ba ang pagsasama n'yo? O Sinasaktan ka ba niya?"
Opo! Hindi man pisikal pero mas gugustuhin ko pang sampalin niya ako at pasakitan kaysa naman hindi niya ako pinapansin.
"Ahm, okay lang kami, Manang. Pag-bake n'yo na lang po ako ng paborito kong cookies."
Again, pilit na ngiti ulit ang ipinakita ko.
Kailan ba ako ngingiti nang totoo?
"Sige, anak. Diyan ka lang muna ha?" Bahagya akong tumango at inilibot ang paningin sa paligid. Miss ko na ang bahay na ito. Kahit na puro hirap ang napagdaanan ko rito ay at least, nandito si Manang. Alam kong may nagmamahal sa akin.
Napalingon ako sa pinto at napakunot. May inaasahan ba silang bisita ngayon? Wala naman si Papa dahil pumasok na ito sa opisina.
"Anak, pakibuksan ang pinto. Babantayan ko lang itong cookies mo. Baka kasi masunog!" Nagmamadali ko namang tinungo ang pinto pero laking gulat ko nang bumungad sa akin si Papa.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Napaatras ako nang biglang sumigaw si Papa.
"P-papa..." Kitang-kita ko ang pagkuyom ng kamao niya at ang pagtangis ng bagang niya.
"Bakit ka nandito? Hindi ba't sinabi ko sa 'yong bawal kang tumungtong sa pamamahay ko?!" Biglang nagtuluan ang mga luha ko nang hawakan niya nang mahigpit ang mga braso ko.
"S-sorry po, Papa. Gusto ko lang naman pong dalawin si Manang."
Masakit. Masakit ang pagkakahawak niya pero mas masakit ang mga binibitawan niyang salita.
"Wala ka ng karapatan dito! Lumayas ka!" kinaladkad niya ako palabas sa pintuan.
"Tama na po, Papa! Sorry po. Masakit, Papa!" Dinig na rinig sa buong bahay ang paghagulhol ko.
"Sir! Diyos ko! Tama na po!" Nagmamadaling dinaluhan ako ni Manang at inilayo kay Papa na inaabot na ang buhok ko.
"Lumayo ka rito, Deborah!" Itinulak ni Papa si Manang kaya napalayo ito sa akin.
"Lumayas ka rito! Matigas ang ulo mo! Ang sabi ko ay huwag ka nang babalik pa!" Napahiyaw na lang ako nang hatakin niya ang buhok ko at kaladkarin ako palabas.
"Isang tapak mo pa sa pamamahay ko ay malilintikan ka sa aking bata ka!" Malakas niya akong itinulak palabas ng bahay dahilan ng pagtumba ko.
Napahinga na lang ako nang malalim nang isinara niya ang pinto.
Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha ko habang tumatayo. Masakit ang katawan ko pero mas masakit ang puso ko.
Punas lang ako nang punas ng luha ko na walang tigil sa pagtulo habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Naiwan ko pala ang bag ko sa mansyon. Nandoon ang pera at cellphone ko kaya gusto ko mang sumakay ng taxi ay wala akong magawa. Hindi naman ako marunong sumakay ng jeep at kung marunong man ako ay wala rin akong ibabayad.
Hindi rin naman ako pwedeng bumalik sa mansyon dahil baka kung ano na naman ang gawin sa akin ni Papa. Masakit pa ang paa ko at may pasa na rin ang braso ko. Naaawa na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan uuwi at pupunta. Malayo rin ang condo ni Jayred dito.
"Ahhh!" Muntik na akong mauntog sa malaking bato rito sa gilid dahil may mabilis na kotseng nagdaan. Ang resulta ay napuno ng putik ang damit at mukha ko. Hambog!
"Miss, okay ka lang?" Mabilis kong kinakapa ang salamin kong tumilapon sa kung saan. Kainis naman e.
"Ito, miss. Salamin mo ba 'to?" Nagulat na lang ako nang may nagsuot ng salamin sa mata ko at inalalayan akong tumayo.
"Okay ka lang?" Tinulungan niya pa akong punasan ang damit kong punong-puno na ng putik.
"O-oo, s-salamat."
"Alisson? Long time no see." Napaangat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Sky?" Bahagya siyang tumango habang nakangiti sa akin. Si Sky ay pinsan ni Jayred sa father side nito. Hindi ko alam kung alam ba niyang kasal na ako sa pinsan niya o hindi pa.
"Kumusta ka na? Si Adi?" Siya ang lalaking gustong-gusto ni Ate kaya hindi niya magawang pansinin si Jayred noon pa man.
"Ahm, sa ibang bansa na siya nag-aaral e." Kitang-kita ko ang pagtango-tango ng maamo niyang mukha na tumititig sa akin.
"Bakit ka nga pala naglalakad nang mag-isa?" Kinuha niya ang kamay kong may kaunting galos at tinitigan ito.
"Ahm, a-ano kasi, nawala ang bag ko kaya wala akong dalang pera at phone," nahihiya kong saad sa kanya at mabilis na binawi ang kamay ko. Mahirap na at baka may makakita at kung ano pa ang isipin. Sabagay, wala namang nakakaalam na kasal na ako. Kahit ako nga ay hindi ko feel na may asawa ako.
"Gano'n ba? Kumain ka na?" Nahihiya akong umiling sa kanya. Tiningnan niya ang orasan sa kamay niya at napakunot ang noo.
"1:30 na. Hindi ka pa kumakain?" Nakayuko lang ako dahil hiyang-hiya na ako sa kanya. Tango na lang ang nagawa ko.
"Tara. Pakakainin muna kita. Tapos, ihahatid na rin kita sa inyo." Hinatak niya ako pasakay sa kotse niya pero tumanggi pa ako. Nakakahiya kasi. Kababata namin siya ni Ate Adi pero hindi na kami gano'n ka-close ngayon.
"'W-wag na. H-hindi naman ako masyadong gutom." Kasasabi ko pa lang ay biglang nag-alburoto ang tiyan ko at dinig na rinig namin ito. Nakakahiya!
"Hindi ka talaga gutom? Iba yata ang sinasabi ng tiyan mo?" Natatawa niya akong iginiya sa sasakyan niya kaya napatawa na rin ako.
***
JAYRED
It's already 6:57 pm pero hindi pa rin umuuwi si Alisson. Hindi sa hinahanap ko siya pero nakakapanibago lang. Tss. Hindi nga siya pumasok sa University kanina. Saan kaya nagsuot ang nerd na 'yon?
7:00 pm na pero wala pa rin siya. Pang-ilang tingin ko na ba ito sa orasan? Panglima? Pang-anim?
This is bullshit! Hindi man lang ba niya naisip na may kasama siya sa condo? Tanga ba siya para magpagabi sa daan? Shit! Hindi ako nag-aalala sa kanya. Ang sa akin lang ay responsibilidad ko na siya simula noong nangyari ang letseng kasal na 'yon.
Kung hindi ba namam kasi siya malandi ay hindi niya mararanasan ang galit ko. Alam niyang mahal ko ang kapatid niya pero pinilit pa rin niyang itali ako.
Naghintay pa ako ng ilang minuto pero 10:12 na at wala pa rin siya. Putang ina naman! Nagpasya na akong dumiretso sa parking lot sa baba para hanapin siya.
Baka kung ano pa ang sabihin sa akin ng tatay niya at ni Adi kapag may nangyaring masama sa babaeng 'yon. Narating ko na ang tapat ng kotse ko nang mahagip ng mata ko ang nerd na iyon.
Lalapitan ko na sana siya kaya lang ay may lalaking lumapit sa kanya. Putang ina! Lalaki?! Bigla akong nainis nang halikan siya ng lalaking iyon sa pisngi at yakapin pa.
Sino ba 'yong gagong 'yon?
Laking gulat ko nang humarap ito.
T-teka? Si Sky ba 'yon? Tangna!
Susugod na sana ako pero parang hindi ako nakagalaw nang makita ko ang pagngiti ni Alisson.
Unang beses kong nakita ang mga ngiti na iyon.
Puro lungkot at iyak lang kasi ang naibibigay ko sa kanya.
Biglang kumirot ang puso ko dahil sa isipin na iyon. Sa isipin na napapasaya siya ng iba.
LEGENDARIE
BINABASA MO ANG
Don't look Back
General FictionOld-fashioned and nerdy Alisson is in love with her sister's fiancé, Jayred, while her sister is in love with someone else. When her sister asks her to be a substitute bride before running away, Alisson agrees. But is she ready to face the consequen...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte