Kinakabahang nakatayo ako sa harapan ng office ni Papa. Pinagpapawisan ng malamig ang kamay ko. Mabilis ang tibok ng puso ko habang iniaangat ko ang aking mga kamay para kumatok sa isang malaking pintuang gawa sa Narra. Nakapikit na pinihit ko ang seradura ng pinto pagkatapos kumatok ng tatlong beses.
Gusto kong kausapin ang Papa tungkol sa arranged marriage na gagawin niya sa amin ni Jayred. Napag isip-isip ko kagabi na ayaw kong ikulong ang lalaking mahal ko sa sitwasyong hindi siya sasaya.
Nakakunot ang noo ni Papa nang tumingin sa akin.
"What are you doing here?" Napalunok ako nang marinig ang malalim na boses ng aking ama.
Umupo ako sa upuan kaharap ng kanyang swivel chair.
"Pa, 'w-wag na po nating ituloy ang... k-kasal, please p-po." Nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon sa kanya.
Nagbabakasakali akong baka pagbigyan niya ako kahit ngayon lang.
"Napag-usapan na natin 'yan." Itinuon ulit niya ang tingin sa mga papeles na kanyang pinipirmahan.
"P-pero, Pa. M-maawa ho kayo sa amin ni Jayred." Naiiyak na ako ngunit pinipigilan ko.
"Stop it, Alisson. Lumayas ka sa harapan ko," madiin niyang sabi ngunit ang tingin ay nasa mga papeles pa rin.
"P-pa... n-ngayon lang po ako humingi ng pabor sa inyo... P-pagbigyan n'yo naman po... ako." Garalgal ang pagkakasabi ko ng mga salitang iyon.
Napakapit ako sa dulo ng aking palda nang hinampas niya ang lamesa.
"Akala mo ba ay hindi ko alam na tinutulungan mo si Addisson na tumakas?" Isa-isang naglandas ang aking mga luha nang bulyawan ako ni Papa.
Para namang hindi pa ako sanay sa mga sigaw niya sa akin.
"Akala mo rin ba ay hindi ko alam na gagawa kayo ng paraan para makapunta siya sa ibang bansa?" Tumayo na siya at nilapitan ako. Nanginginig ako sa takot lalo na nang lumapit siya sa akin.
"Pwede mo namang tulungan ang ate mo." Napaangat ang aking tingin sa tinuran ni Papa. "Magpakasal ka kay Jayred Sermiento at hahayaan kong lumabas ng bansa si Addisson dahil alam kong hindi ko naman siya mapipilit na magpakasal." Lalong tumulo ang luha ko sa mga sinabi ni Papa.
Kung papayag akong magpakasal ay para namang hindi ko tinupad ang pangako ko kay Jayred na pipigilan ang kasal.
Kung papayag naman ako ay matutupad ni Ate ang pangarap niya.
"P-pero, Pa..." Nalilito ako. Ano na ang gagawin ko?
"Choose, Alisson. Dalawang kasiyahan ang nakasalalay sa iyo," sarkastikong sabi ni Papa.
"Blood is thicker than water, Alisson. Isa pa ay hindi lingid sa kaalaman ko ang pagmamahal mo kay Jayred Sarmiento."
Papa hit the button. He has a point. Mas mahalaga ang kapatid ko kaysa kanino pa man at mahal ko si Jayred. Ilang gabi ko bang pinangarap na maglakad sa altar papunta kay Jayred?
"Payag na po ako sa kasalan."
Sorry, Jayred.
Kahit ngayon lang ay magpapaka-selfish ako. Ang gusto naman ng puso ko ang susundin ko.
"Good choice, anak," nakangising sabi ni Papa.
Anak.
For the first time ay tinanggap niya ako bilang anak niya.
***
"Talaga, Alisson? Wow! Salamat! Paano mo napapayag si Papa?" Bakas na bakas ang kasiyahan sa mga mata ni Ate. Nakipagkita kasi ako sa kanya at sinabing maaari na siyang makalabas ng bansa at maituloy ang pangarap niya. Binalik na rin ni Papa ang mga ATM cards niya. Gulat na gulat nga siya dahil napapayag ko si Papa sa nais niya.
BINABASA MO ANG
Don't look Back
General FictionOld-fashioned and nerdy Alisson is in love with her sister's fiancé, Jayred, while her sister is in love with someone else. When her sister asks her to be a substitute bride before running away, Alisson agrees. But is she ready to face the consequen...
Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte