"Bakit mo kasama yung gagong 'yon?!" Napapitlag ako mula sa pagkakatanaw sa sasakyan ni Sky na papalayo na.
Nilingon ko si Jayred na nakakuyom ang kamao at nagtitiim ang mga bagang.
Bigla akong natakot.
"J-jayred, nandyan ka na p-pala... Kumain ka na ba?" Atras lang ang nagagawa ko sa bawat pag-abante niya.
"Sa tingin mo, makakakain ako kung alam kong wala pa ang asawa ko?! Putang ina, Alisson! Hintay ako nang hintay sa 'yo! Tapos, makikita lang kitang may kasamang ibang lalaki?! Ginagago mo ba ako?!"
Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Parang anumang oras ay sasaktan niya ako.
"A-ano bang sinasabi mo? S-si Sky lang naman 'y-yon... P-pinsan mo..." Gusto kong humagulhol ng iyak lalo na nang hawakan niya ang braso ko.
Mahigpit. Masakit.
"Kahit sino pa ang mga lalaking 'yan! Puta sila! Asawa mo ako, Alisson! Akin ka na e."
Napahikbi na ako dahil sa pagkakapiga niya sa braso ko. Bumabaon ang kuko niya sa mga pasang gawa ni Papa kanina.
"D-dugo ba iyan?" Napatingin ako kay Jayred na namumutla. Nilingon ko ang braso kong tinitingnan niya.
Dumudugo nga ito. Nakakatawang isiping hindi ko naramdaman ang sakit nito. Mas tumatagos kasi sa puso ko ang mga salitang binibitawan niya.
***
"S-sigurado ka bang hindi na kita dadalhin sa ospital?" Naglilikot ang mga mata ni Jayred habang masuyong hinahaplos ang braso ko.
"Hindi na. Malayo naman sa bituka 'yan. Salamat pala." Pilit akong ngumiti sa kanya at tiningnan ang braso kong nagamot na.
Gusto kong tumalon sa saya dahil kahit alam kong takot siya sa dugo ay ginamot pa rin niya ang sugat ko.
Bata pa lamang kami ay takot na siya sa dugo. Na-trauma siya sa nangyari noon. Hindi na nga lang niya maalala ang nangyari. Buti pa siya, limot na ang lahat pero ako? Nagdudusa pa rin sa bangungot ng kahapon.
Piniling ko ang ulo ko upang kalimutan ang nangyari sampung taon na ang nakararaan.
"Paano mo nagagawa 'yan?" Nakatitig siya sa akin habang umuupo sa kabilang dulo ng couch kung saan ako nakaupo.
"Huh? Ang alin ba?" Nakakunot ang noo ko sa kanya. Ano bang sinasabi niya?
"Paano mo ako nagagawang ngitian? Paano mo ako nagagawang pasalamatan sa kabila ng mga ginagawa ko sa 'yo?" Nakayuko siya, nilalaro ang mga daliri. Ganyan siya kapag kinakabahan.
"Kasi asawa kita. Hangga't kaya ko pa, titiisin ko." Pinipigilan kong umiyak.
"Si Adisson? Alam mong mahal ko siya 'di ba? Bakit mo ako pinakasalan?" Huminga ako nang malalim at magsasalita sana kaya lang ay tumayo na siya.
"Never mind. Huwag mo na palang sagutin. Baka lalo lang akong magalit sa 'yo." Lumabas siya ng pinto at padabog na sinara ito.
Kung alam niya lang...
Gusto ko siya pero hindi ko gustong magkaganito kami.
***
Pagkagising ko pa lang sa umaga ay nilingon ko na ang kabilang gilid ng kama. Hindi siya umuwi.
Ano pa ba ang aasahan ko? Mabuti na nga lang at magkasama kami sa iisang kwarto at magkatabi sa iisang kama.
Hindi naman kasi kami gano'n ka-immature para maghiwalay ng kama. After all ay kasal kami. Asawa ko siya. Handa naman ako sa mangyayari sa amin kung mayroon man pero alam kong malabo iyon. Galit siya sa akin. Hindi nga niya matagalang makausap ako nang maayos. Lagi siyang nakasigaw.
BINABASA MO ANG
Don't look Back
General FictionOld-fashioned and nerdy Alisson is in love with her sister's fiancé, Jayred, while her sister is in love with someone else. When her sister asks her to be a substitute bride before running away, Alisson agrees. But is she ready to face the consequen...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte