"Adisson, anak, come here. Papa has something for you."Mula sa sala ay nagtatakbo ang batang si Adisson upang puntahan ang kanyang ama na kauuwi lang galing sa Macau at tiyak na may pasalubong siya galing dito.
Naiwan namang nakatingin lang ang kanyang kapatid na si Alisson. Alam niyang binili na naman ng kanyang Papa ang kanyang Ate Adisson ng mga bagong bag at sapatos. Alam din niyang kahit isang pirasong kendi ay wala siyang matatanggap mula rito. Sanay na siyang ang kanyang Ate lang ang mahal ng lahat. Ang maganda sa paningin ng lahat. Ang matalino, bibo at talented. Siya ang extra at walang kwenta.
"But, Papa! Hindi naman ito 'yong gusto kong color. I hate yellow!" narinig niyang sigaw ng kanyang Ate mula sa kwarto ng kanilang Papa. Umakyat siya at sinilip ang mga ito.
"I'm sorry, sweety. Ibibili ka na lang ng Papa next time huh? Don't be mad at Papa na," anang kanyang ama sa kanyang ateng nakasimangot na.
"Sa'n mo dadalhin ang dress na 'yan ngayon? Ayaw ko n'yan," sabi ng kanyang Ate na tinapon lamang ang dilaw na bestida sa sahig.
"Papatapon na lang natin kay yaya mo," sagot naman ng kanyang ama.
Nalungkot siya sa narinig. Hindi man lang maalala ng kanyang ama na may isa pa itong anak na baka gusto ng bestidang iyon.
"P-papa," tawag niya sa kanyang ama. Nilingon siya nito at kaagad ding nawala ang mga ngiti nito kanina.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" masungit na tanong nito sa kanya.
"P-papa, p-pwede pong akin na lang...'yong dress na ipatatapon n'yo po kay yaya?" tanong niya sa kanyang ama. Sumimangot naman ang mukha nito.
"Hindi naman iyon babagay sa 'yo. Pero kung gusto mo ay kunin mo," anito at tumayo na para umalis.
"Papa!" pigil niya rito. Huminto naman ito ngunit 'di siya hinarap.
Iniabot niya sa kanyang Papa ang letter na pinagpuyatan niya kagabi. Alam niya kasing uuwi ang Papa niya kaya gusto niya itong bigyan ng letter at sabihing miss na niya ito. Kinuha naman ito ng kanyang ama at tuluyan nang umalis. Pinulot naman niya ang dilaw na bestidang nasa sahig. Itatabi niya ito at iingatan dahil galing ito sa kanyang ama.
***
Kaarawan ngayon ng kanyang ama at gumagawa siya ng sulat para dito.
"Adisson, I'm home," dinig niyang sigaw ng kanyang ama. Dali-dali siyang tumakbo pababa at naabutan niyang niyayakap ng Ate niya ang kanilang Papa.
"Papa, where's my pasalubong po?" bungad ng kanyang Ate rito.
"Madami akong pasalubong sa 'yo pero... kiss mo muna si Papa," magiliw na sabi ng kanyang ama sa kanyang Ate. Hinalikan nito sa pisngi ang kanilang ama at kinuha na ang mga pasalubong nito. Lumapit siya sa kanyang ama at binigay ang letter na ginawa niya.
"Happy birthday, Papa! I love you po! Sana, 'wag ka na pong galit sa 'kin," aniya at matamis na ngumiti rito. Bumalik na siya sa kanyang kwarto at nagdrawing na lamang. Alam niya kasing ayaw siyang kasabay kumain ng kanyang ama lalo na kapag kaarawan nito. Ilang minuto lang ay pumasok ang Ate niya sa kanyang kwarto.
"Ali, tawag ka ni Papa. Sabay daw tayong lahat kumain." Nagulat siya sa sinabi ng Ate niya.
"Totoo, Ate?" 'di makapaniwalang tanong niya.
"Oo naman," sagot nito, kaya nagmamadali siyang tumayo at bababa na sana ng hagdan nang tumawa ang Ate niya.
"Uto-uto ka, Alisson. Hahaha hindi ka naman mahal ni Papa kaya bakit niya gagawin 'yon?" Napahinto siya sa sinabi ng Ate niya. Bumalik siya sa kanyang kama at malungkot na umupo.
"Ito ba 'yong yellow dress? Maganda pala siya. Akin na lang ulit. Tutal, sa 'kin naman talaga ibinigay to," sabi ng kanyang Ate. Nilingon niya ito at nakita niyang hawak nito ang bestidang galing sa kanilang Papa.
"'Wag po, Ate. Akin po 'yan." Kinuha niya ang bestida ngunit umiwas ito. Hinabol niya ito hanggang sa makarating sila sa hagdanan at nahulog ang kanyang Ate.
"Ate!"
"Adisson!" Magkasabay na sigaw nila ng kanyang Papa. Nilapitan nito ang kanyang Ate at nag-aalalang tumawag ng doktor.
***
"Walang hiya kang bata ka! Wala kang utang na loob! Pinatay mo na nga ang asawa ko, ngayon ay balak mo pang patayin pati ang anak ko!" bulyaw sa kanya ng kanyang ama habang naghihintay sila sa paglabas ng doktor na tumitingin sa Ate niya.
"Sorry po, Papa," umiiyak na saad niya.
"'Wag mo akong tawaging Papa at ayaw kitang maging anak!"
LEGENDARIE
BINABASA MO ANG
Don't look Back
General FictionOld-fashioned and nerdy Alisson is in love with her sister's fiancé, Jayred, while her sister is in love with someone else. When her sister asks her to be a substitute bride before running away, Alisson agrees. But is she ready to face the consequen...
Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte