My Dream Boy

62 9 6
                                    

--

My dream boy.

Mark Jonas Bueñaflor.

My Ideal guy.

-

My perfect boyfriend.
Ilang buwan na rin kaming mag boyfriend. At sa ilang buwan na iyon, wala siyang mintis sa pagpapakilig sa akin.

He always surprise me.

Kahit walang okasyon, lagi niya akong binibigyan ng regalo.

At kahit kailan wala kaming pinag awayan.

Hindi ko alam kung bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin, kahit na wala naman akong sinasabi sa kaniya tungkol sa buhay ko.

Alam niya ang lahat ng gusto ko. Alam niya kung paano ako pasayahin kapag nalulungkot ako. Alam niya ang paborito kong kanta at iyon ang gumigising sa akin tuwing umaga.

He always amaze me. He's very kind.

Kahit anong gawin kong mali, lagi siyang umuunawa. Lagi niya akong pinapatawad agad.

Hindi siya nagrereklamo kapag umaalis ako bigla ng bahay.

Kapag gusto ko manuod ng teleserye, ililipat niya talaga 'yong channel kung saan nandoon ang teleseryeng gusto ko kahit na nanunuod pa siya ng paborito niyang basketball game.

Niyayakap niya lang ako o di kaya inaakbayan para maging comportable siya sa pinapanuod namin.

Tuwing hapon, kusa siyang gumagawa ng miryenda para kainin naming dalawa.

Wala siyang sinasabi kapag sinasamahan niya ako sa pag sho-shopping. Hindi siya naiinis. Hindi siya naiinip. Lagi lang siyang nakangiti. Kahit na ilang oras pa kaming mag-galugad sa ibat ibang department store, hindi siya nagrereklamo. Naka-akbay lang siya sa'kin. Dadaing lang kapag nagugutom na.

Kapag may gusto akong kanta, mag-tiya-tiyaga siyang pag- aralan at gitarahin iyon para siya mismo ang kumanta para sa'kin.

Lagi akong may yellow tulips.

Lagi niya akong pinagmamalaki sa mga kabarkada niya, sinasabi kung gaano siya kaswerte dahil girlfriend niya ako.





Pero ...




Hindi laging masaya ...






Hindi lahat sa happy endings mapupunta ...


Lagi akong natatakot ...









Kapag dumarating 'yong oras na bahagyang lulungkot ang mukha niya, babaling sa'kin at unti-unting lalapit...




At magsasabi ng mga kataga ...














"Jessie,its time to wake up," nakangiti niyang sambit sabay hahalik sa noo ko.

Kasabay ang unti-unting pagdilim ng paligid, at ang unti-unting pagmulat ng aking mga mata ...




Dumating na ang umaga ...




At wala na ulit sya ...




Ang dream boy ko.....














Na sa panaginip ko lang nakakasama ...







End.

My Dream BoyWhere stories live. Discover now