Fourteen - Day 4

3.9K 42 2
                                    

Harper




"Uhm.... Sige na. Ikaw na mauna kasi aalis ka eh." Yumuko ako at tumitig sa sahig. Aalis kasi si Mike dahil gagawin niya na yung aasikasuhin niya tapos nung papunta ako sa nag-iisang bathroom (hindi ko din alam kung bakit isa lang ang bathroom), magba-bathroom din siya. Since aalis siya, siya na lang pinauna ko.


Tumango siya at dumiretso na sa loob. Naupo na lang muna ako sa couch sa living room. Sabay na kasi kami magaalmusal kasi nakapagluto na din siya. Habang nakatitig ako sa kawalan, napangiti na lang ako nung naalala ko yung kahapon. Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami. Nag-dinner kami tapos dumiretso na ako sa kwarto ko kasi baka makatulog nanaman ako sa sofa eh.


Natigil ako sa paged-daydream ko nang mag-vibrate yung phone ko sa bulsa ng pajama ko. Kinuha ko tapos may isang text kay Sky.


6:42 am

From: Sky Pogi Mahal ko (Siya yung nagpangalan niyan sa contacts ko)

Babe, kamusta? Nageenjoy ka ba? Miss na kita. Behave kayo diyan ah. I trust you. I love you and good morning. *kiss*


Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Pero kung iisipin, wala naman kaming ginagawa na masama. Lahat naman ng ginawa namin ay pure friendship.


6:46 am

To: Sky Pogi Mahal ko

We're doing great! Miss na din kita. And yes, nageenjoy ako ng sobra! May pasalubong ako sa inyo. I love you too and good morning. *hugs and kisses*


Pagkasend ko nung message narinig kong bumukas yung pinto ng bathroom kaya kinuha ko na yung towel ko at yung susuotin ko sa tabi ko. Pumunta na ako sa bathroom and I stopped dead on my tracks when I saw Mike―TOPLESS AND IS COVERED ONLY WITH TOWEL ON THE BOTTOM PART OF HIS BODY. Nakatalikod siya sakin kasi sinara niya yung pinto tapos pinupunasan niya yung ulo niya nung isa niya pang kamay na may towel.


Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko malaman kung tatakpan ko ba yung kamay ko, tatakbo o magiging kaswal lang. Pero kahit isa sa mga choices wala akong nagawa nang biglang humarap si Mike at nakita ako.


Nagkakasala na nga talaga ako kasi hindi ko maalis yung mga mata ko sa basa niyang buhok pababa sa kaniyang chiseled chest at halos himatayin ako sa abs. Hindi na bumaba pa yung paningin ko nang marinig ko yung mahinang tawa ni Mike.


"Sabihin mo lang kung gusto mo pa akong tignan at hindi na ako magbibihis. Bukas na din ako aalis kung gusto mo," he was flashing me a lopsided grin at gusto ko na lang lamunin ng lupa.


"Ah-eh... A-ano... k-kasi..." I can't even form a coherent sentence!


He laughed softly and took a few steps, invading the personal space between us. At dahil matangkad siya, hanggang balikat niya lang ako kaya yung mata ko nakatapat sa dibdib niya. Nakita ko na may chest hair siya at sa pusod niya trailing down to his.....

My Boyfriend's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon